"Chris!"
"Heffy!"
"Pasensya na kahapon ah, hindi ako nakapunta sa practice...ha...hinihingal ako."
Kaya hindi ako nakapunta kasi pinago nanaman ako ni Clinton, hindi ba sumasakit likod nung lalaking yun? Nako!
"Ayos lang yun, malakas ka sakin noh..crush kaya kita."
"Huh?"
"Wala wala."
Aba aba dumadamoves itong si Chris ah hahahaha
"Uy si Ate Heffy nandyan na! Magtago na tayo!"
"Aba ang sama niyo naman!"
"Ahahahaha"
Tawanan lang lagi ang maririnig dito sa bahay ampunan tuwing may practice. At ako ang puno't dulo nito.
Isang buwan narin akong nandito at nasali ako sa dance group, kami yung mga sumasayaw sa teatro, may kontra bida na kasi eh kaya hindi ko ang nakuha hahaha. Isang buwan narin naming halos palagi ginagawa iyon ni Clinton pero ayos nga yun eh atleast naging bala ko yun para oilitin siyang makipagkita kay Chris at grabe parang batang nakakita ng favorite cartoon character si Chris nung nagkita sila. Sumang ayon rin si Clint na magpanggal kaming magpinsan at yun ang saya saya ng buhay. Hihih—
"Heffy!"
"Tumawag kayo ng ambulansya!!"
Yan ang huli kong narinig bago ako lamunin ng kadiliman. Teka lang nagpapractice lang kami ng sayaw eh kailangan kong tumayo dahil dapat naming tapusin yun, sa monday na namin i-pe-perform yun..
Pilit kong binuksan ang mga mata ko. Hindi ko alam ang nangyari pero sobrang bigat ng pakiramdam ko, mas mabigat pa kaysa after ng mahaba at nakakapagod na practice sa sayaw namin. At most mof all napakasakit ng bandang puso ko. Humugot ako ng malalim na malalim na paghinga at pilit pinapakalma ang sarili...
"Can you feel me?"
~~~~~
"Heffy!"
"Guys..."
"Kinabahan kami sayo kanina! Ayos na ba ang pakiramdam mo?"
"Bakit ka biglang nag-collapse?"
"May masakit pa sayo?"
"Aww..na-touch naman ako sainyo aking mga friendships hahaha group hug!!"
Niyakap ko ng mahigpit na mahigpit ang mga kaibigan ko. Sinisiguradi na maramdaman nila ang init ng katawan ko at maramdaman ko rin ang kanila. Alam ko na kasalanan ito ng isang echosera.
Nanatili ang mga kaibigan ko sa room ko dito sa hospital na public ward. Busy ang lugar na ito..amoy alcohol, ang ingay ng mga busey footsteps, ang mga nagkakalansing na materials..lahat ng tunog halos maririning mo dito sa public ward. Ang pinaka malupet pa ay ang marinig mo ang iyak ng mga tao at ang ibig sabihin nun? May namatay.
Hindi naman kasi malaki ang hospital na ito, nasa public ward nga ako eh tapos hindi pa magkahiwalay ang lalaki sa babae . Halo halo na, kahit sino kahit ano na pero kahit na maliit, kumpleto ang gamit dito. Ang sabi nila mga six years ago daw nung tinayo ito dito, may rally pa nga daw na naganap eh pati daw sila sister nakirally kasi masisira ang magandang kalikasan kasi syempre magtatayo sila ng building. Hindi ko na maalala yun shempre kakapanganak palang sakin nun hahaha pilosopo din ako noh?
BINABASA MO ANG
Time's Up
ContoLahat ng bagay may hangganan Ang buhay Ang trabaho Ang cellphone Ang tao Ang mundo Pati na ang pagmamahal sayo ng isang tao. Ito ay isang istorya na marahil at sana makapagsabi sa atin ang kahalagahan ng oras dahil lahat ng bagay ay may "Time's Up"
