"Heffy!!""Oh?"
"Come down here!"
"Okay wait lang!"
Nagbibihis pa ako eh, may lakad kaming dalawa ngayon kasi nabobored kami sa bahay. Napakilala ko na ba ang asawa kong si Clint sainyo bukod sa sinabi kong mayaman siya? Hindi pa no? Kaya naman mas makikilala niyo siya ngayon sa chapter na to, ora mismo, right this moment, ngayon—okay tama na nga.
"Ano ba yun?"
"I can't tie this thing."
"Hay nako Clint naman ang yaman-yaman mo hindi ka parin sanay sa pagtali ng neck tie eh lagi ka ngang nagfoformal suit eh."
*smiles*
Ganito siya minsan na medyo madalas—Tangegot. Oo alam niyo yung maliit na bagay na magagawa naman niya eh hindi niya magawa at ipapagawa sakin gaya nitong neck tie niya, minsan naman yung pagsuot ng kwintas niya, may time na yung pagpoporma sa buhok niya, yung pagaahit ng balbas niya, yung paglalagay sakanya ng jacket niya, may naalala nga ako nung minsan eh yung nagpaligo siya tapos ngingiti ngiti siya na parang baliw...yes ganyan kawirdo ang napakasalan ko. Kahit naman na friends kami since college eh hindi naman ako nabigyan ng chance na makilalang super duper lubos si Clinton kasi busy siya nun sa first love niya eh magkaibigan din kasi sila nun.
"Oh ayan ayos na.."
"Thanks."
Saka naman niya ako hahalikan sa pisngi labi at ilong. Ang wirdo niya talaga...pero naiisip ko naman at hindi naman ako tangengoy gaya niya na hindi mafeel na nilalandi niya ako, alam ko namang irresistible ako eh hehehe.
"No you're not."
"Whaat?"
"Hindi ka alluring."
"Grabe siya, bakit may sinabi ba ako?"
"I know you long enough Heffy, you can't fool me."
At hilig rin niyang kurutin ang pisngi ko na parang nangigigil sa isang baby. Hindi ko rin magets eh nasa gitna ng mataba at mapayat lang naman ang katawan ko kaya hindi masyadong malaman ang pisngi ko tapos cute? Never ako magiging ganun. I'm always fierce you know.
"Ih tara na nga! Nababadtrip lang ako sayo eh."
Bago pa kami makalabas ng pinto nag-ring ang cellphone niya. Sinagot naman niya yun kaya binitawan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya at pinabayaan siyang kausapin yung nasa kabilang phone. Siguro...
"Sorry Heffy..next time?"
"Okay. As usual."
"Bye."
Sabi na nga ba eh..pano ba yan cancelled ang pagpapakilala niya..of course mas gusto niyang i-date ang mga tipo niyang babae lagi naman na noh. Nagtataka nga ako bakit ako pa eh dapat yung mga tipo nalang niyang mga girls eh sabi naman niya sakit lang daw yun sa ulo ams okay na daw yung mutual silang hindi magkakagusto sa isat isa kagaya nga namin. Sayang lang outfit ko sabi niya pupunta kami sa sikat na italian restaurant eh kasi mahilig ako sa pasta. Hmmm mamamasyal nalang ako mag-isa! Yes! That's righty otty!! Teka kukuha muna ako ng pera sa ipon ko.
"A B C D E F G..H I J K L M N O P....Q R S T U V W X Y and Z now I know my ABC—gotcha!"
Hmmm magkano kaya ang laman mo...tan tananan!!!!!
Wala..
"Ahhh!!!! Oo nga pala binili ko ng manga last month!!! Bakit hindi ko naalala edi sana nag-work ako huhuhu"
Mahilig ako sa anime and manga at hobby ko ang mangolekta nun kaya pala extra ang saya ng buhay ko last month tapos kaya pala bigla akong sinipag ituloy yung last year ko pang nakatambay na kwento. Tsk diko naalala.
BINABASA MO ANG
Time's Up
Short StoryLahat ng bagay may hangganan Ang buhay Ang trabaho Ang cellphone Ang tao Ang mundo Pati na ang pagmamahal sayo ng isang tao. Ito ay isang istorya na marahil at sana makapagsabi sa atin ang kahalagahan ng oras dahil lahat ng bagay ay may "Time's Up"