"Ba-bakit?""Serine, it's not what you think..."
"But Clinton I saw you two..No...No...NOO"
"Serene!!! Damn!!"
"Clint.."
"Shut up!! This is your fault!!"
O edi sige akin na kasi..tch. Bali saan ko ba uumpisahan ang kwento at bakit may "Serene" sa usapan namin....hmm edi kasi diba nagjajob hunting ako at may napaiyak nanaman na batang pulubi? Tapos meron pala siyang resbak na poging lalaki na nageenglish turns out to be na hindi pala niya kaano ano yung bata. Isa siyang sponsor ng nasabing bahay ampunan kung saan dun galing yung batang napaiyak ko. Kung bakit siya nanghihingi ng pagkain is because naglayas siya ng bahay ampunan at sinundan lang siya nung lalaki.
Hindi ko na alam ang ganap sakanila basta yung lalaking yung ay hindi basta basta....So isa nga siyang sponsor pero hindi lang yun...tumutulong siya sa business ng bahay ampunan na tinatawag na "The Variety Show" yep mga actors and actress ang mga bata dun hahaha kasi araw araw rin silang tinitrain after school. Mga two to four hours ang training nila at sinali ako nung lalaki dun sa mga plays...hindi lang naman kasi puro bata meron ring mga actors and actress talaga na sponsored nga kaya maganda naman ang performance dun para talagang teatro..by the way Chris Lance Hover ang pangalan nung lalaking nageenglish sakin at half half siya pero dito siya sa Pinas lumaki.
Edi yun na nga may nakuha na akong trabaho bali umuwi na ako para pagusapan namin ni Clint kasi ang pagsali sa teatro ay hindi biro, magiging busy ako baka minsan dun na ako matulog dahil rin baguhan ako marami akong dapat na habulin. Oo nga pala nakalimutan kong sabihin na pinuntahan ko pa yung ampunan at ang babait ng mga kids! Ahm pero takot sila sakin lagi naman eh....halos malalaki na sila siguro 80% dun teens na yung mga kids talaga shempre kids being kids madumi tignan but the older ones para silang hindi sa ampunan nakatira kasi ang linis nilang tignan mukha pa nga silang rich kids eh.
So balik nga tayo bali nakauwi na nga ako eh kaso naturukan nanaman ng hormones si Clinton kaya tinuka niya ako kaagad pinipigilan ko nga siya eh kasi una wala kami sa kwarto kundi nasa sala, pangalawa hindi pa ng ako nakakaligo noh shempre macoconcious ako at ang pinaka dahilan ko kung bakit ko siya pinipigilan ay may nagaunlock sa pinto...kaming dalawa lang ang may spare key at hindi ko alam kung sino ang nagaunlock niyan nakasarado pa man din ang mga ilaw sa bahay baka magnanakaw na yan o kaya murderer..
Nung bumukas na ang pinto sakto namang natauhan ang lalaking nakayakap at nakahalik sakin at nanlumo siya sa nakita...it's Serene.
Si Serene ang kanyang secretary at ang kanyang first love...yung sinasabi ko sainyong kaibigan niya rin pero crush niya ganon. At dahil nakita niya kami na nasa ganito sitwasyon alam niyo na yung mga drama rama sa hapon. Pero nagtatakha ako at hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ang reaction niya. As far as I know kasal siya at may masayang buhay kasama nga yung asawa niya kaya nga ako ang pinakasalan ni Clint eh. Si Clint na nga lang ang naghohold on sa kanila eh may picture pa nga siya ni Serine sa sala eh. Kaya hindi ko gets bakit ang wagas niyang mag-NO feel na feel niya kanina eh...hmmm hindi kaya nagsasomething sila ni Clint? OMG Adultery!!!!!!! Kyaaaaa!! Pero kalma muna hindi pa naman sure eh...
Nagdramahan sila at naghabulan at ako naman ngayo'y nagreready na para sa susuotin ko bukas. Sabi kasi ni Chris eh magdala daw ako ng spare clothes eh mga tatlo daw...napalunok naman ako dun kasi naman ang dami naman nun sobra sobrang pagod ata ang mangyayari sakin bukas. Kinakabahan ako ng slight pero mas excited ako kasi yiippeee may work ako at mukhang mageenjoy ako. Hindi ko kahit kailan naging forte ang acting wala akong talent dun pero kung susubukan ko siguro naman kakayanin ko, dati kaya akong best actress sa school namin hahahaha kontra bida nga lang...

BINABASA MO ANG
Time's Up
Cerita PendekLahat ng bagay may hangganan Ang buhay Ang trabaho Ang cellphone Ang tao Ang mundo Pati na ang pagmamahal sayo ng isang tao. Ito ay isang istorya na marahil at sana makapagsabi sa atin ang kahalagahan ng oras dahil lahat ng bagay ay may "Time's Up"