-2-

559 9 0
                                    



“Shit!” mahinang napamura si Blossom nang maalala ang naging huling pag uusap nila ng lolo niya.

Hindi niya alam kung talagang gusto lang siyang pahirapan nito. Pagkatapos kasi ng huling set ng banda niya –kung saan siya ang lead guitarist—ay nakita niya sa paglabas niya ng bar ang isang kulay itim na Honda civic.

Marahas na napabuntong hininga siya. Noon ay madali lang naman niyang natatakasan ang lolo niya dahil kasabwat niya ang isang maid na si Nana Reala. Pero nabisto ng abuelo ang ginagawa niyang pagtakas tuwing gabi ng minsan siya nitong hindi maabutan sa silid niya. Katakot takot na sermon ang natanggap niya mula dito.

Dati ay mga simpleng kalokohan lang naman ang kaya niyang gawin pero habang tumatagal ay mas lalo daw siyang nagiging malala, ayon na rin sa lolo Calixto niya. Simula pagkabata kasi ay talagang may pagkamaldita na siya. Dahil nga naspoiled siya ay naging matigas ang ulo niya at walang kahit sino sa mga naging yaya niya ang tumagal sa kaniya. Magkaiba sila ng grupo ng mga kaibigan ni Cherry simula pa noong mga bata pa sila. Mga sosyal at matapobreng estudyante naman sa school nila ang madalas na kasama ng kakambal niya. Samantalang siya ay puro mga kaklaseng lalaki na pareho rin niyang mga pasaway ang naging karamay niya noon. Dahil sa mga ito ay natuto siyang uminom at manigarilyo ng patago.

Pero kailanman ay hindi siya patagong lumandi na katulad ni Cherry. Alam niya ang limitasyon niya. At alam niyang may respeto sa kaniya ang mga kaibigan niya noon kaya kahit isang beses ay hindi siya nagawang bastusin ng mga ito.

Napapalatak siya nang maalala ang kakambal niya. Siguradong nasa bahay na ito ngayon dahil pasado alas dose na ng gabi. Alam na niya ang style nito sa pagtakas. Itinataon nito ang pag alis sa gabi tuwing may out of town ang lolo nila. Katulad niya ay sa likod din ito ng mansiyon dumadaan kung saan naroon ang dirty kitchen. Sa labas kasi ng dirty kitchen ay may maliit na lote. May mataas na pader doon kung saan siya madalas na mag over the bakud. Hindi siya natatakot na mahuli dahil binabantayan naman siya ni Nana Reala.

At natitiyak niya na dahil sa pagpapanggap ni Cherry bilang siya ay madalas na nauuto nito ang kasambahay nila. Isa lang naman ang dahilan nito ng komprontahin niya ito tungkol sa nakita niya sa bar. Gusto daw nitong maranasan ang ibang buhay ng hindi ito hinuhusgahan ng iba. Mas mabuti na daw na sa kaniya mapunta ang maling akala ng lahat dahil hindi naman daw talaga maganda ang image niya. Hindi katulad nito na isang perpekto at masipag na estudyante ang tingin ng lahat. Hindi niya magawang isumbong sa lolo niya ang ginagawa ng kakambal dahil duda siya kung paniniwalaan siya nito. Wala siyang hawak na ebedensiya laban kay Cherry.

Ang security staff naman ng lolo niya ay hindi rin umubra sa kaniya. Marunong siya ng taekwondo at magaling siyang tumakas kaya madalas na naiisahan niya ang mga ito. Kaya marahil sumuko na sa kaniya ang lolo niya at nagpadala sa sulsol ng kapatid niya na ikuha siya ng sariling boyguard na maaaring magpatiklop sa kaniya.

Muli siyang napamura at mabilis na naiatras ang mga paa nang bumukas ang pinto sa driver’s seat ng sasakyan na nakaparada sa labas ng bar. Iniluwa ng kotse ang isang….damn! papaano ba niya ilalarawan ang lalaking naglalakad na ngayon palapit sa kaniya?

Muli niyang pinasadahan ng tingin ang kotse sa pag aakala na hindi iyon ang kotse na pag aari ng lolo niya. Pakiramdam niya habang naglalakad ang lalaki palapit sa kaniya ay parang kamay ng orasan na pabalik balik sa pag andar ang oras niya.
“Senyorita,”

Hell! Naikurap niya ang mga mata nang tuluyan nang makalapit sa kaniya ang lalaki at tumigil ito sa harap niya.

“A-ako?” nalilitong itinuro niya ang sarili.

“Yes, ako po ang bagong bodyguard ninyo,” seryosong turan nito.

Oh lord! Bakit hindi sinabi sa kaniya ng lolo niya na kahawig pala ni Zayn Malik ang bagong bodyguard niya? Nawala pa yata sa tamang posisyon ang puso niya ng bahagyang yumukod ang lalaki para magbigay galang sa kaniya.

BLOSSOM IN MY HEART BY BETHANY SYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon