-4-

458 13 1
                                    

"Nasaan ang gwapong hombre na alalay ng bunsong prinsesa ng mga Enriquez?"

Agad na sumimangot si Blossom nang salubungin siya ni Amethyst. Pakendeng kendeng pa ito at dinaig pa ang pato habang naglalakad palapit sa kaniya.

"Naku, Armando utang na loob tantanan mo ako," saway niya sa kaibigan.

"Mamma mia!" napasinghap ito at tila nasasaktan na natutop ang dibdib at mangiyak ngiyak na tumigil ito sa tapat niya.

"Amethyst ang pangalan ko, ano ka ba? patay na si Armando!"

"Siya, siya, sige na, tantanan mo ako," walang ganang sabi niya. Pasado alas singko y medya na ng hapon. Tapos na ang klase niya pero hindi pa rin siya makauwi dahil may klase pa si Claud. Sa inis niya ay nagtext siya dito na aalis na agad kapag hindi pa rin natapos ang klase nito sa loob ng labinglimang minuto. Nagreply naman ang lalaki at sinabi na patapos na rin ang klase nito.

Siyempre pa ay inis na inis siya. Naturingan siyang amo pero hayun at pinaghihintay lang siya ng bodyguard niya. Dalawang linggo pa lang ang binata sa serbisyo pero agad na nitong nakuha ang loob ng lolo Calixto niya. Bilib daw kasi ang matanda dahil sa ipinapakitang sipag at dedikasyon ni Claud sa pag aaral at trabaho nito.

Hindi niya mapigilan ang mapaismid. Sa palagay niya ay gusto lang naman sumipsip ni Claud. Gustong maambunan ng grasya kaya panay ang pakitang gilas sa lolo niya. Sa halip tuloy na siya ang tanungin ng abuelo tungkol sa mga aktibidades niya nitong mga nakaraang araw ay ang lalaki na ang nagrereport niyon dito.

"Hay, life," para siyang sinisilihan at paikot ikot sa malaking quadrangle sa likod ng university nila.


"Aba, teka nga? bakit parang mainit na naman ang ulo mo? anyare ba, mare?"

Inis na naihilamos niya ang palad sa mukha.

"Si lolo kasi ayaw niya muna kaming makipagkita kay Daddy. Tumawag si daddy sa akin kagabi at ang sabi niya ay may plano siyang umuwi ng Pilipinas at bumisita sa amin ni Cherry."

"Nag away ba ang lolo at daddy mo?"

"Hindi, may isang tauhan kasi ang nagreport kay lolo na nainvolved si daddy sa isang grupo ng mga sindikato."

"Kaya pala ang bilis yumaman ng daddy mo,"

Napapalatak siya. Ang kompanyang ibinigay ng lolo niya sa daddy niya ay nalugi rin at nabalitaan pa nga niya na halos trenta porsiyento na lang ang natitirang pag asa na maitayo pa ulit iyon. Dahil ayaw nang tumulong ng lolo niya ay napilitan ang ama na ibenta na lang ang kompanya sa napakaliit na halaga. Pagkalipas ng dalawang taon ay muling nakabawi ang daddy niya. Nagpaimbestiga ang lolo niya at nanlumo sila dahil pawang hindi magagandang balita ang nalaman nila.

Nang isalaysay niya kay Amethyst ang lahat nang nalaman ay hindi ito makapaniwala.

"Whoa! parang iyon mga napapanood ko sa mga Korean drama, guma-gangster na ang daddy mo,"

"Ganoon na nga," nanlulumong sabi niya.

"Kaya pala ayaw ng lolo mo na makipagkita kayo ng kakambal mo sa daddy mo, maliban kasi sa request ng ate Cherry mo na sa ibang bansa naman magbakasyon ay natatakot ang lolo mo na baka madamay pa kayo. Papaano nga naman 'di ba kung kayo ang mapag initan ng mga kalaban ng daddy mo?"

"Hindi naman siguro, sino ba ang maglalakas loob na kalabanin ang isang Calixto Villagracias Enriquez?"
Maliban sa mga yaman na pag aari ng kanilang pamilya ay malakas ang kapit ng lolo niya sa mga pulitiko. Kaya nga wala kahit sino man ang magtatangka na kumalaban sa mga Enriquez.
"Kaya nga eh, walang kahit sino ang kakalaban sa pamilya mo, lalo na sa'yo,"

BLOSSOM IN MY HEART BY BETHANY SYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon