-5-

560 11 4
                                    

Pagkalipas ng isang buwan ay nakatanggap ng tawag si Blossom mula sa ama. Ang sabi nito ay nakauwi na ito ng Pilipinas. Isang linggo daw itong mananatili sa bansa para sa negosyo nito at para na rin makita sila ni Cherry. Dahil sa nalaman niya ay naging maaliwalas ang umaga niya. Pagkatapos nilang mag usap ng daddy niya ay agad na siyang naligo at nagbihis.

Dahil mainit ang panahon ngayon ay ipinuyod niya ng paitaas ang buhok. Isang black t-shirt na may tatak sa harap ng pangalan ng paborito niyang foreign rock band ang napili niyang isuot. Tinernuhan niya iyon ng rugged pants at white sneakers. Isinukbit na niya ang backpack sa mga balikat niya at excited na pumanaog sa ibaba ng mansiyon para hanapin ang lolo Calixto niya.

"Lolo! Lolo Cals!" masayang masaya siya.

Pakanta kanta pa siya habang naglalakad sa sala ng mansiyon. Nasalubong niya si Nana Reala at tila gulat na gulat ito nang mapansin ang saya sa mukha niya.

"Senyorita Blossom, mukhang maganda po ang gising mo?"

"Yes Nana, nasaan po sila lolo?"

"Naroon na sila sa dining area-"

"Thanks Nana," hindi na niya pinatapos pa ito sa pagsasalita at patakbong nagtungo sa dining area ng mansiyon. "Lolo! Ate!" lumapit siya sa lolo niya at masayang humalik sa kaliwang pisngi nito. "Buenas dias lolo, sa inyo na rin," saglit na tinapunan lang niya ng tingin sila Cherry at Claud. Nasanay na siya sa ganoon na sumasabay sa kanilang kumain si Claud dahil ang mismong lolo niya ang may utos niyon.

Kahit mainit pa rin ang dugo niya sa binata ay hindi na lang niya ito masyadong pinapansin.

Sus! takot ka lang kasi nalulusaw ang braincells mo kapag kaharap siya. Pambubuska ng kabilang bahagi ng utak niya. Napangiwi lang siya at dumulong na sa hapagkainan. Naupo siya sa kaliwang bahagi ng mesa habang katapat niya ang kakambal at si Claud. Tahimik lang ang lalaki at tila hindi siya nakikita.

"Mukhang maganda ang gising mo ngayon, apo?" itinigil ng lolo Calixto niya ang pagbabasa ng dyaryo at sumulyap sa kaniya. Ngumiti siya sa matanda at kahit hindi pa niya nasisimulan ang pagkain ng almusal ay masiglang nagkwento siya dito.

"Tumawag po si daddy, nakauwi na daw po siya sa bansa. Gusto daw po niya kaming makita ni ate-"

"Hindi niya ako tinawagan," singit ni Cherry. Tumingin siya sa kakambal.

"Hindi ka daw niya macontact ate,"

"So? Wala rin naman akong balak na makipagkita sa gangster na iyon."

"Ate!" daig pa niya ang sinuntok sa sikmura dahil hindi maipaliwanag na sakit ang naramdaman niya. "Daddy pa rin natin siya,"

"Wala akong obligasyon na magpaliwanag sa'yo Blossom. Sinabi na ni lolo sa atin na huwag na tayong makipagkita sa kaniya, bakit ba ang tigas ng ulo mo?" nakakunot noong tanong ni Cherry sa kaniya. Nag isang linya ang mga kilay niya. Matalim na tumingin siya dito.

Bitch.

Kung hindi lang niya iisang dugo ang nananalaytay sa katawan nila ay matagal na niya itong napagbuhatan ng kamay.

"Tama si Cherry."

"Lolo naman!" bumaha ang matinding pagtutol sa dibdib niya. "Minsan lang po umuwi si daddy tapos hindi mo na rin naman kami pinapayagan na magbakasyon sa Korea."

"My decision is final, Blossom. Hinding hindi mo na mababali pa ang sinabi ko. Bawal kang makipagkita sa kaniya. Ayoko nang magkaroon kayo ng koneksiyon sa taong iyon."

"Taong iyon? he's still my dad! Nakalimutan mo na ba?" tumaas baba ang dibdib niya dala ng matinding sama ng loob.

Gusto na niyang bumunghalit nang iyak dahil pakiramdam niya ay pinagtutulungan siya ng dalawa. Iglap lang ay nasira na ang magandang mood niya.

BLOSSOM IN MY HEART BY BETHANY SYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon