-3-

480 10 0
                                    


Pinigilan ni Claud ang pag usbong ng kakaibang emosyon sa dibdib niya nang bumukas ang glass window at iniluwa niyon ang gulat na gulat na amo niya. Ilan beses niyang pinigilan ang sarili na mapangiti nang mapansin ang panlalaki ng mga mata ni Blossom.

"A-anong ginagawa mo dito?"

"Nandito ako para sunduin ka, senyorita, alas singko na po ng hapon," seryosong tugon naman niya. Kahit labag sa kalooban niya na malayo sa pamilya ay mas pinili niyang maging praktikal at tanggapin ang alok ng matandang si Don Calixto Enriquez. Idagdag pa na hindi niya matanggihan ang pakiusap ng ina lalo pa at sinabi nito sa kaniya na para daw iyon sa kapakanan ng pamilya niya.

Nangako ang matanda na maliban sa libreng pag aaral niya sa pag aari nitong university at tirahan ay may buwanang sweldo din siyang matatanggap. Para na rin siyang nakakuha ng jackpot dahil sa malaking offer nito sa kaniya. Hindi na niya kailangan rumaket kahit saan para lang kumita ng pera. Malaki na nga ang sweldo niya ay mas makakapagconcentrate pa siya sa pag aaral niya.

Pero tama nga ba ang desisyon niya na tanggapin ang offer ni Don Calixto? Kapalit ng malaking pera ay kailangan daw kasi niyang bantayan ang apo nito. Naipaliwanag na sa kaniya nito kung anong pag uugali mayroon ang bunso nitong apo. Pero hindi niya lubos akalain na makakaencounter siya ng katulad ni Blossom na ubod na nga ng taray at tigas ang ulo ay spoiled brat pa. Mas mabait pa ang kakambal nitong si Cherry na panay ang ngiti sa tuwing nagkakasalubong sila sa mansiyon.

Napakunot noo siya nang mapansin ang pagbulong ni Blossom sa kasama nitong bakla. Awtomatikong ipinako na niya ang mga mata sa mga ito dahil sa takot na may gawin na namang kalokohan ang babae.

"Sige na, uuwi na ako," umirap si Blossom at pumihit na paharap sa pinto. Nakahinga naman siya ng maluwag sa sinabi nito. Mas mabuti na nga na umuwi sila ng maaga dahil gusto sana niyang magreview mamaya. Dahil nga nanggaling siya sa isang public school ay nahihirapan pa siyang makasabay sa mga kaklase niya dahil advance na ang ilang topics sa bawat subject na itinuturo sa mga ito.

Naglakad naman siya patungo sa katabing pinto ng glass window. Nang bumukas ang pinto ay iniluwa niyon ang nakasimangot na si Blossom. Dahil sa liwanag ng araw na tumatagos sa area na iyon ng campus building ay parang mansanas tuloy na kumikinang ang buhok ng dalaga. Nakakaaliw iyon at parang masarap haplusin ang buhok nito dahil natitiyak niya na malambot ang bawat mga hibla niyon.

"'O, ikaw na ang magdala," padabog na ibinigay nito sa kaniya ang dala nitong backpack.

Walang imik na kinuha niya ang bag. Si Blossom lang marahil sa campus na iyon ang nakikita niya na may ganoong porma. Ang mga babaeng estudyante kasi ay kadalasan na nakasuot ng dress at sosyal na bag ang gamit. Nagpapataasan pa nga ng takong ng sapatos ang mga ito.

Pero kahit may pagkaweird kung manamit si Blossom ay hindi niya maitatanggi na napakaganda talaga nito. Ilan beses pa nga siyang natulala noon pagkatapos ipakita ng lolo Calixto nito ang ilan sa mga larawan nito. Kung ilalarawan niya ang dalaga sa sarili niyang paraan ay masasabi niya na mukha itong Barbie na kinulayan ng matingkad na pula ang mahabang buhok.

Kahit hindi ito masasabing matangkad ay takaw atensiyon naman ang mga legs nito na madalas na nakaexpose sa tuwing nakashorts lang ito. Makurba din ang baywang nito at may katamtamang laki ang mga dibdib. Sa tantiya niya ay halos kasing katawan nito ang aktres na si Anne Curtis.

Kung minsan ay naaaliw siya kapag nagsisimula na itong mainis sa kaniya dahil lumalabas ang pagiging espanyola nito. Bumibilis kasi ang pagsasalita nito at nagkakaroon pa ng matigas na accent. Napailing siya nang muli siyang taasan ng kilay ni Blossom. Pangatlong araw pa lang naman niya sa trabaho kaya nasisiguro niya na hindi iyon ang unang beses na pagtatarayan siya nito.

BLOSSOM IN MY HEART BY BETHANY SYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon