-6-

891 23 2
                                    


“Hindi ka na naawa sa beauty ko, Blossom. Talagang si Zenia pa ang inireto mo sa kabanda mo!” mangiyak ngiyak pa si Amethyst habang isinusumbat kay Blossom ang ginawa niya.

Napapalatak lang siya at pumihit paharap sa kaibigan.

“Sabi ko naman sa'yo Armando—”

“Amethyst!”

“O siya, Amethyst, sabi ko naman sa'yo, hayaan mo na lang sila kasi umamin din naman sa akin si Dado na type niya si Zenia. Hayaan mo na nga lang sila.”

“Eeeeh! Akin lang si Dado dapat eh!” angal nito.

“Ihahanap kita ng iba, promise,”
nasabi na lang niya para tigilan na siya nito.

“Sige na nga, o siya, mare. Gora na ako kasi may lakad kami ngayon ni mommy.”

“Sige na, mabuti pa nga at nang matahimik na ang mundo ko.”

“Grabe siya oh!” napanguso ito.

Natatawang kumaway na lang siya sa kaibigan at nauna nang naglakad. Lumiko siya sa kabilang area ng building kung saan naroon ang Criminology department. Tiyak na tapos na ang klase ni Claud kaya naisipan niya itong puntahan para sabay na silang lumabas ng campus building.

Pero hindi pa man siya gaanong nagtatagal sa department na iyon ay parang naalibadbaran na siya sa nakita niyang eksena. Nakita niya ang grupo nila Ebony habang kausap ng mga ito si Claud. Ang binata naman ay parang hindi mapalagay at panay lang ang tango.

Agad na tumaas ang isang kilay niya. May kung ano siyang kinuha mula sa backpack niya at itinago iyon sa isang palad niya. Daig pa niya ang nagmamartsa nang lumapit siya sa mga ito.

“At anong kailangan ninyo sa kaniya?” aniya at pinamaywangan si Ebony.

“At nandito na pala ang boss mo, Claud,” malanding sabi ng babae. “Blossom, my friend—”

“Hindi tayo friends, excuse me,” napaingos siya. Ang kakambal niyang si Cherry ang kaibigan ng mga ito. Q

“Ah, parang ganoon na rin iyon since kaibigan namin ang twin sister mo.”

“Duh?” ginaya niya ang maarteng tinig ni Ebony.

Iniliyad nito ang malusog na dibdib at muling sumulyap kay Claud. Kumulo ang dugo niya at pilit na tinakpan ang binata. Dahil matangkad si Claud ay kinailangan pa niyang pumingki magtagumpay lang na mailayo ito sa malanding si Ebony. Kung bakit naman kasi maraming naglalakad na buni sa eskwelahan ng lolo Calixto niya!

“Excuse me?” nagsimula nang magtaray ang babae. “Nag uusap sana kami ni Claud tapos bigla kang darating. What do you want ba?”

“Him. Boss nga niya ako 'di ba?” matalim ang ibinigay niyang tingin dito.

“Oh dear,” nagpakawala ito ng malanding tawa.  “Hindi na sa susunod na mga araw, kinukumbinsi ko si Claud na lumipat ng trabaho sa akin. Triple pa nga ang offer ko sa kaniyang sweldo.”

“Really? Great,” ngumiwi siya at pasimpleng siniko si Claud. Napaigik naman ito. Bahagya siyang tumingin sa likuran niya kung saan ito nakapwesto. “At lilipat ka naman?” mataray na tanong niya.

“Hindi!” mabilis na tugon nito. “Pupuntahan na nga sana kita kaso bigla silang sumulpot,” pagdadahilan pa nito.

Nangaligkig ang buong katawan ni Blossom nang maramdaman ang pagbubuga nito ng mainit na hininga sa bandang batok niya. Mariing naipikit niya ang mga mata dahil sa matinding sensasyon na dulot nang pagdampi ng mainit na hininga nito sa balat niya.

“Mabuti na nga iyon baby Claud, mismong sa harap ka na ng boss mo magpaalam na magreresign ka na. Anytime ay pwede ka nang lumipat ng work sa akin, kahit ngayon na.”

Kapaaaal!

Nalipat ang atensiyon niya kay Ebony. Ang sarap nitong ipaikot ikot sa ere at saka itatapon sa fountain na matatagpuan sa harap ng campus building. Itinaas niya ang isang kamay at inilahad iyon sa harap ng babae habang nakakuyom ang kamao niya.

“Ano? balak mo ba akong saktan?” bumaha ang takot sa mga mata nito.

Well.....at least kilala mo kung paano ako magalit.

“Naku, ikaw naman. Bakit mo naisip iyon? never kitang sasaktan dahil friend ka ng kakambal ko, remember?” malambing na sabi niya.

Parang nakahinga naman ito ng maluwag.

“Good.”

“Pero gusto ko ay buksan mo itong palad ko dahil diyan natin malalaman kong talagang mapupunta nga si Claud sa'yo—”

“Blossom!”

“Huwag kang makialam!” bulyaw niya kay Claud.

“S-sige.” Nag aalangan pa si Ebony. Pero dahil sa pagcheer ng mga kasama nito ay ginawa nito ang hamon niya.

Humakbang ito palapit sa kaniya. Gamit ang isang daliri ay namumutla itong binuksan ang nakakuyom na kamao niya. Ang malakas na tilian ng grupo ng dalaga ang bumaha sa buong pasilyo nang Criminology department nang bumungad sa mga ito ang isang nakakadiring ipis.

“Shit! itapon mo iyan!” tili ni Ebony.

“Ay ayoko, friend ko ito. Siya talaga ang friend ko, hindi ang mga katulad mong mas makati pa sa fungi.” nakangising sabi niya.

Nang ilapit niya pa lalo iyon sa babae ay nagtilian na naman ang mga ito at nagsipagtakbuhan na. Tawa pa rin siya ng tawa nang pumihit siya paharap kay Claud. Nakatulala ito at hindi makapaniwalang pinagmasdan siya.

“Bakit? ito ba?” aniya at ipinakita ang ipis na naroon sa palad niya.
“Laruan lang ito, marami ako nito sa bahay, gusto mo?” natatawang isinuksok niya sa bulsa ng bag niya ang laruan.

“Huy, ikaw ha, ayokong nakikipaglapit ka sa mga katulad nilang mas malandi pa sa pusa. Akin ka lang—err—I mean, ako lang dapat ang boss mo. Ako lang ang pwedeng mambully sa'yo.” napahinga siya ng malalim ng wala pa rin siyang makuhang sagot mula sa binata.

Enebe!

Naiilang na siya. Malapit na siyang matunaw dahil sa walang tigil na pagtitig nito sa kaniya.

“M-may problema ba?”

Napailing lang ito. “Ngayon lang kasi kita narinig na tumawag ng ganiyan.”

“Bawal ba?”

“Siguro? ang alam ko kasi sa mga prinsesang katulad mo ay hindi pwedeng tumawa ng malakas. Ngiti lang daw dapat.”

“Kahit masaya ako?”

“Masaya ka na nabully mo sila?”

“Oo.”

Natawa ito. “Maldita ka talaga, malditang prinsesa,” lumapit na ito sa kaniya at kinuha mula sa kaniya ang dala niyang backpack. Nanulis ang mga labi niya at sumabay sa paglalakad nito.

“Dapat ka kayang magpasalamat sa akin dahil iniligtas kita o baka naman—omg! siguro willing kang tanggapin ang offer ng babaeng buni, ano?” sumbat niya.

Ngumiti na naman ito. Tunaw na tunaw na tuloy ang puso niya!

“Sobrang stress na nga ang inabot ko sa'yo, tapos lilipat pa ako sa kaniya?” anito.

“Yan ganiyan, wala ka nang mahahanap na boss na katulad ko. Ano ka!”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BLOSSOM IN MY HEART BY BETHANY SYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon