STEVEN
"Sorry late ako. Late akong nagising."
"Okay lang yun 'Tay."
"Uy, napraktis mo na. Hindi mo na ako tinatawag na Sir."
"Prinaktis ko kagabi Tatay. Kinausap ko yung picture mo na nakita ko sa magazine sa bahay. Nafold nga yung page eh. Parang gusting tanggalin pero di naman itinuloy. Kinuha ko sa loob ng room ni Mama. Baka gusto niyang kunin yung recipe sa back page nung picture niyo."
"Malamang. Kumain ka na ba?"
"Opo. Kayo po?"
"Oo kumain na ako kaya nga ako na late eh. Nag rubber shoes ako at nag shorts, di mo naman sinabi kung anong damit. Inisip ko kung Father and Son maraming takbuhan ito."
"Opo. Sabi nga ni Don, nagka shorts din daw Daddy niya. Hindi nila alam na dadating ako ngayon eh."
:Aaaah surprise?"
"Opo. Baki po wala si Manong..."
"Day off niya. Kaya ako ang magdadrive. Okay lang ba sa yo?"
"Ah okay lang po. Mas okay nga yan para hindi na siya magtatanong hehehe"
"Oo nga. Ano pala ang panalo natin sa mga kaklase mo?"
"Hmmmm ikaw ang pinkamatangkat na Daddy dun. at ako naman ang pinakamatangkad na son dun hahaha. Anong height niyo po?"
"6'4"
"Hu! Ang tangkad. Sana ganyan din ako paglaki. Hindi matangkad si Mama eh. Maliit lang siya. Sigruo Tay yung totoong tatay ko matangkad din ano? Sabi ni Mama nung tinanong ko siya lasy month, nung Christmas, ano hitsura ng tatay ko, sabi niya kahawig ko daw. "
"At least alam mo na. "
"Oo nga po. Tay may tanong ako."
"Ano?"
"Sa tingin niyo, bakit itinatago ng Nanay ko ang identity ng tatay ko?"
"Hmmmmm yan ang hindi ko masasagot. May rason siguro siya na baka nasaktan siya or something. Hindi natin alam. Pero siguro mo paglaki mo na sasabihin din niya yan sa yo."
"Ah okay. Ano pa pala ang sports niyo nung bata kayo?"
"Ako? Nung nag aaral ako, Swimmer ako mula elementary hanggang college. Pero nung college ako, swimmer at basketball player ako sa University naming."
"San po kayo nag aral nung college kayo?"
"UCLA"
"Wow! Gusto ko din sana mag aral. Kaso mukhang hindi kakayanin ni Mama ang tuition ko hehe."
"Malay mo lang di ba? Basta dream big and work hard for it too. Ano pala ang standing mo sa school?"
"Ako po ang consistent number 1 sa class mula First Grade hanggang ngayon Grade 5. At Class President po ako all the time."
"Uy, okay ah. At least pag nagpunta ako sa school niyo hindi ako mapapahiya na magpanggap na tatay mo."
"Hindi po talaga."
"Ang yabang eh."
MATT
"Matt, bakit ka andito?"
Kakababa ko pa lang sa kotse ni Sir Steven nung nakita ako ni Paolo, yung team mate ko sa BAsketball. Kasama niya ang Daddy niya na nagulat nung Makita niya si Sir Steven. Nagkamay sila at nag usap. Tinanong siya nung Dad ni Paolo na isang Doctor kung anak niya ako, na sinagot naman ni Tatay Steve ng: I will not be here if he is not. Parang natuwa naman ako. At least kahit kunwari lang, may Tatay na nagsabi anak niya ako.
Nung pumasok kami sa school at nagpunta sa baseball field, nagtinginan lahat ng mga nandun. Pati mga teachers ko especially mga girls na teachers ko. Nakatingin sila sa amin ni Tatay Steven lalo na sa kanya. SIyempre guapo at bata pa. Siya yata ang pinakabatang tatay na nandun.
Nagregister kami. Nakita ko na isinulat niya pangalan niya: Father- Steven Matthew Razon, Matthew Thadeus- Son. Naalala niya ang pangalan ko. Tapos isinulat niya ang address namin ni Mama.
"Matt, buti nakarating ka. Di mo sinabi na sasama ka ngayon. Siya ang Daddy mo?"
"O-- ahhh"
"Yes, ako Tatay niya."
Marami pang lumapit sa amin, pati ang mga teachers suuuper excited sila na sumama daw ako pero alam ko naman na ang "Tatay" ko ang pinagsasabihan nila ng ganun. Ang dami ding nagpapapicture sa kanya pero tuwing may nagpapapicture, Isinasama niya ako. Nakahawak siya sa balikat ko or nasa harap niya ako. Parang mag ama talag. Naisip ko ganito pala ang feeling ng may Tatay.Sana hindi siya magsawa sa akin. Sana kahit mag asawa siya, magkaibigan pa din kami. Hindi ko naman inaasahan na ako lang ang papansinin niya pero sana pag Malaki na ako, kilala pa din niya ako.
Natapos ang araw na marami kaming naiuwi na premyo. Nasabihan nga kaming madaya kasi ang tatangkad daw naming hidni makahabol sa amin ang mga kalaban naming. Pero natutuwa naman ang lahat. Siguro yung ibang nandun natuwa na din na at least naka join ako. Ikukuwento ko kay Mama mamaya. Naku! Hindi ko pala nasabi sa kanya na aattend ako ditto kasama si Sir Steven. Naku! Naku! Patay ako nito.
BINABASA MO ANG
SANA NGAYONG PASKO (COMPLETED) #Wattys2018
Historia CortaThey fell in love when they were young. Got separated. Now that he is still a single big time business man, and she is doing well with hers, will they meet again and prove that love is sweeter the second time around? This is a very short Christmas...