CHRISTIANNE
"Ma'am, kanina pa po ring ng ring ang phone niyo."
"Sino ang tumatawag?"
"Si Thad po."
"Huh? Bakit kaya? Sige gawin niyo na yung para sa altar dun ha? Tawagan ko lang si Thad."
Nagriring lang naman ang phone niya. May nangyari ba sa kanya. Naku huwag naman sana.
Sagutin mo na anak.
"Hello?"
"Hello? Sino ka bakit hawak mo yang phone ni Thad? Nasan ang anak ko?"
"Wait lang Miss ha, tumatakbo lang siya. Turn ko na. mamaya ka na lang makipag usap sa kanya. Click!"
Sino yun? Bakit parang...parang pamilyar ang boses niya...or ka boses lang niya. Bakit tumatakbo si Thad? Iniwan ko lang siya kanina sa bahay nagbibihis may pupuntahan daw. Hindi ko natanaong or natanong ko ba sakanya kung saan siya pupunta? Sinabi ba niya sa akin kung saan siya pupunta? Sino kasama niya? Ah shit, nagpaalam kaya siya sa bahay?Tawagan ko nga si ....
Ring! RIng!
"Hello, Thad? Ano nangyari? Bakit ka tumawag? Sino yung sumagot sa phone mo? Bakit ka tumatakbo?"
"Hahahaha Mama, isa isa lang po ang tanong. Nandito po ako sa school ngayon nag attend po ako ng Father and Son Day. Ang Daddy ko po si Sir Steve, remember yung sumama sa akin na bumili ng gift mo? Tsaka yung pinagluto mo ng meat roll. "
"Gusto ko Makita yang Sir Steve na yan. Video call tayo."
"Hahahaha Mama, wala pong camera ang phone ko remember? Sabi mo hindi ko kailangan ang may camera.""Ay oo nga pala. Dala mo ba ang digi cam mo?"
"Mama, sabi ni Sir Steve pwede po mag video call sa phone niya. Dun na lang Mama.""Sige ibigay mo ang number ko."
"Sige Mama tawag kami sa iyo."
Sino kaya ang Steve na yun baka pervert or pedopilya naku, yung anak ko....
"Ring! Ring!"
"Mama, nakikita mo na ako? Bakit hindi kita Makita?"
"Nakikita na kita anak. Ha? Hindi mo ako Makita? Nakikita naman kita"
"Tatay, hindi ko naman nikikita si Mama. Nakikita niya ako pero hindi ko siya nakikita."
"Tatay? Tatay ang tawag niya sa Steve na yun? Sino ba ang Steve na yan?""Patingin, wala kang Makita? Siya nakikita niya tayo?"
MATT? Nananaginip ba ako? SI Matt ang kasama ni Thad> Siya si Sir Steve na tinatawag ni Thad? Alam ba niya? Alam ba niya na anak niya si Thad?"Matt ask mo nga si Mama mo kung nakikita niya tayo?"
"Mama?"
Si Matt? Si Matt yan."Mama? Mama nandiyan ka pa ba?"
"Ah huh? Ah oo anak. Pero hindi ko na kayo nakikita. Thad, tapos na ba yang palaro na yan? Pagkatapos niyan umuwi ka na agad ha? Uuwi din ako ngayong gabi matapos ang even ko ngayong hapon. I want you home when I get bacjk in Manila. Sige sabihin mo sa Sir Steve mo salamat at umuwi ka na."
"Walang anuman MIss...ano name ng Mama mo?"
"Christianne po."
"Ah okay, walang anuman Miss Kris Jen."
"Okay, salamat. Bye anak. Ingat ka."
"Ang sungit ng Mama mo, nagalit yata. ....."Narinig ko yun!
So hindi niya alam na siya ang ama ni Thad. Steve na pala ang tawag sa kanya hindi na Matt. Teka, di ba ang balita hindi siya lumalabas sa lungga niya sa Lenox Towers na yan kung saan siya nag oopisina. Teka doon ba nagpupunta si Thad? Pano sila nagkakilala? Hindi niya alam na anak niya si Thad? MAs matanda na ang mukha niya ngayon pero bata pa ang hitsura niya. Guapo pa din siya. Bakit siya sumama kay Thad? Wala ba siyang asawa o anak na sasamahan niya? Bakit siya pumayag kay Thad?
Oh my gosh kailangan kong umuwi ngayong araw na to. Kailangan kong iiwas si Thad kay Matt. Ayokong malaman niya na anak niya si Thad. Ayokong malaman niya. Ayokong kunin niya si Thad sa akin. Oh my god! Oh my god! Pano nangyari to? Pano ko hindi nalaman?
"Ma'am nandito na po yung groom, kausapin ka daw nila..."
"Sige Laurice, sunod na ako."
Bakit? Paano?
PLEASE comment, vote and share. Thank you so much- CurlyTops0817
![](https://img.wattpad.com/cover/90143101-288-k182057.jpg)
BINABASA MO ANG
SANA NGAYONG PASKO (COMPLETED) #Wattys2018
Cerita PendekThey fell in love when they were young. Got separated. Now that he is still a single big time business man, and she is doing well with hers, will they meet again and prove that love is sweeter the second time around? This is a very short Christmas...