MATTHEW

847 45 2
                                    

CHRISTIANNE

"Mama, sorry po hindi na po mauulit. "

"Alam mo Thad, pinagbibigyan lang kita kasi nagpapa alam ka. Ngayon ilang beses mo nang ginawang tumakas na hindi nagpapa alam sa akin. Ano ba ang meron yang Steve na yan at parati kang pumupunta sa kanya?"

"Mabait po si Ta...Sir Steve. Siya po ang sumasama sa akin sa mga lakad na di kayo pwede."

"Pero hindi kanagsasabi sa akin."

"Mama..."

"Mula ngayon, bawal ka nang pumunta sa kanya. Mula ngayon hatid sundo ka na ni Ate Luisa mo. Hindi mo na siya kakausapinat lalong lalo nang hindi mo pupuntahan yang Steve na yan."

"Ma..."

"Enough Thad, pwede bang enough?"

"Mabait si Sir Steve...."

"Sabi nang enough! Honto your room. Huwag kang lalabas if you don't want me na paluin kita kahit malaki ka na!"

"Okay Mama, sabi mo eh. But please, stop calling me Thad, I hate that name. Call me Matt. If you can't just call me Matthew."

That was 6 years ago. Nung nakita ko si Steven na kasama si Matthew. Pinagbawalan ko na siyang makipagkita pa sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko nun, tamang tama naman na natanggap ako sa pinag a applyan kong Ad agency sa Canada at naisama ko din si Matthew. Inilayo ko siya sa ama niya. Seventeen na si Matthew, 6'3 na  siya at varsity player siya sa school basketball team sa school niya Canada. Maraming offers sa kanya sa ibang universities to play for them kaso gusto niya maging Dcotor, ayaw niya mag basketball forever daw. Pinag iisipan pa niya kung ano ang scholarship na tatanggapin niya. Kaya sinabihan ko na uwi muna kami ng Pilipinas ngayong pasko para makapag isip siya. Binigyan siya ng ng panahon ngayong pasko para mag isup. Nung sinabi ko na uuwi kami ng Pilipinas, gusto niyang tumalon talon. Hindi na niya kailanman binanggit sa akin si Steve. Siguro nakalimutan na niya. Salamat naman. Seventeen years old na ang anak ko. Matagal ko na din siyang itinago sa Tatay niya. Pero hindi ko patalaga kayang ipakilala siya. Kung makikita siya ngayon ni Steven malalaman niya na anak niya si Matthew. Ganyang ganyan ang mukha niya nuong 17 din siya. Mas matangkad lang si Matthew sa kanya. Nung seventeen si Matt, 6ft lang siya. Swimmer siya noon.

(Matthew Steven)

(Matthew Steven)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SANA NGAYONG PASKO (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon