MATT
Ay buti na lang at nagluto si Mama ng Meat Roll. Masarap siya. Paborito ko na to mula nung bata pa ako. Sana magustuhan ito ni Sir Steve. Sabi ko kay Mama na ako na lang ang pumunta sa office ni Sir Steve kaso ayaw niya ako payagan. Pero hindi naman siya nakasama sa akin today kasi may wedding silang pinuntahan. Pinasama na lang niya sa akin si Tita Geena. Si Tita Geena isa sa mga assistants niya. Maganda at sexy tong si Tita, naku huwag naman sanang magustuhan ni Sir Steve si Tita. Hahaha gusto ko kasi na si Mama ang magustuhan ni Sir Steve. Yung lang naman ang wish ko ngayong pasko eh. Na sana makahanap na si Mama ng magmamahal sa kanya at mamahalin niya. Si Sir Steve mukhang mabait naman. Hindi niya ako pinagtatabuyan pag pumupunta ako sa office niya. Guapo din si Sir Steve, matangkad. Si Mama matangkad na babae eh kaya kailangan matangkad na lalaki din ang mapangasawa niya. Hihihi asawa agad Matt? Baka may asawa na si Sir Steve eh. Pero wala naman akong nakikitang ring sa kamay niya and walang picture ng bata dun sa office niya.
"Matt, pwede ka nang pumasok,."
"Thank you po Mrs Francisco"
Mabait ang secretary ni Sir Steve si Mrs. Francisco, matanda na siya parang si Lola. Bata pa naman si Lola, mga 50 years old na. Akala niya kanina si Tita Geena ang mommy ko.
"Matt, hintayin na lang kita sa labas huh? Tatawagan ko lang yung clients at baka mapagalitan ako ng Mama mo."
"Okay po Tita. Ibibigay ko lang naman to kay Sir Steve eh."
Pumasok ako sa loob ng office ni Sir Steve.
May kausap lang siya sa phone niya. Sinenyasan niya ako na umupo sa upuan. Ipinatong ko yung container ng meat roll sa table niya."Oh Matt andito ka na naman. Sino kasama mo!"
"Si Tita Geena po Sir. Pero lumabas kasi may kakausapin sa phone"
"Ah okay. Anong sa tin?"
"Sir, nagpaluto po ako sa Mama ko ng meat roll para sa inyo. Hindi po siya nakasama kasi may work po siya. Kaya ako na lang nagdala."
"Meat roll? Paborito ko yan nung araw. Di na ako nakakain ng ganyan. Iniwasan ko na kasi. Tapos bibigyan mo ako?"
"Sir, masarap po yan, gawa ng Mama ko baka di mo maalala name niyo pag natikman niyo."
"Hahahahaha talaga lang ha! Tikman ko nga. Sabi mo kasi eh. Nakakahiya naman sa yo pag hindi ko titikman. Dinala mo pa dito."
"Sir, kasi wala akong maisip na regalo para sa inyo at wala din akong extra money hahaha. Tsaka Sir, paborito ko din yan. Luto ni Mama eh"
"Hmmm teka hingi ako ng tinidor."
"Sir may pick na po yung rolls. Ginawa po ni Mama na patang finger food."
"Ah okay. Sige."
STEVEN
Meat roll! Sa dinami dami naman ng pwedeng ibigay ng batang ito, meat roll pa! At ang amoy parang amoy nung meat roll na kilala ko. Tang ina napasubo yata ako ah. Sige siguro di naman ito kaparehas nung ginagawa nung babaeng yun sa akin nun.
"What the.....?"
"Ayaw niyo Sir?"
I looked at Matt na mukhang natakot sa reaksyon ko....
![](https://img.wattpad.com/cover/90143101-288-k182057.jpg)
BINABASA MO ANG
SANA NGAYONG PASKO (COMPLETED) #Wattys2018
NouvellesThey fell in love when they were young. Got separated. Now that he is still a single big time business man, and she is doing well with hers, will they meet again and prove that love is sweeter the second time around? This is a very short Christmas...