BIRTHDAY GIFT PARA KAY MAMA

875 41 1
                                    

STEVEN

"Sir, may naghahanap po sa inyo dito, Matt daw po."

"Papasukin mo."

Sino kaya kasama ng batang yun? Sabi ko itext ako kung pupunta dito eh. Loko talaga tong batang to. Lunch na eh.

"Good morning, Sir."

"Oh ba't nandito ka?"

"Sir, busy ba kayo? December 25 na po kasi bukas eh. Birthday na po ni Mama tsaka Christmas na po kasi. Magpapasama na sana ako sa inyo bumili ng gift."

"May kakausapin pa akong kliyente eh baka 1 na matapos yun."

"Sige sir, balik na lang po ako mamayang 1."

Babalik? Eh 11:45 na ang layo pa ng bahay nila dito. San siya pupunta?

"Huwag na dito ka na lang kumain."

What the hell Steve, alam mo ba yang ginagawa mo? Sino ba ang Nanay nito at nakakalayas lang basta basta?

"Sir, nakahiya po."

"Huwag na at baka mas maaga ako matapos eh maghihintay pa ako sa yo."

"Sige sir."

"Okay, tawagan ko lang si Cora para pakainin ka huh?"

"Okay Sir."

AFTER 2 HOURS

"Sir, salamat talaga. Ang galing niyong pumili ng regalo. May asawa na ba kayo?

"Wala pa."

"Eh girlfriend po?"

"Marami."

"Naku Sir, dapat pumili lang kayo ng isa.Masama yung marami. Ako nga hindi ko kilala ang Tatay ko. Mukhang naloko din ang Nanay ko eh."

"Bakit mo naman nasabi yan?"

"Kasi po pag tinatanong ko kung nasan ang Tatay ko, iyak lang ng iyak ang Mama ko. Minsan naiisip ko baka nandiyan lang ang Tatay ko ayaw lang niyang sabihin sa akin kaya dinadaan na lang niya sa iyak."

"Ganun ba?"

"Opo. Pero masaya na din ako kasi hindi naman masungit si Mama eh. Masyado lang siyang subsob sa trabaho. Para daw may pang tuition ako. Naku nandtio na poako. Salamat po sa inyo Sir. Merry Christmas po."

"Uy teka. Eto oh, may regalo ako sa yo. Merry Christmas din."

"Naku Sir, hindi po ako nakabili ng regalo para sa inyo."

"Okay lang yun. Pag malaki ka na hanapin mo ako at bigyan mo ako ng regalo."

"Sige Sir, Salamat ulit. Ingat po kayo."

"Sige."

BAHAY
CHRISTIANNE

"THAD!"

"Ma naman eh. Ayoko Thad"

"Sige na nga Matt. San ka ba galing? Kanina pa ako dumating ah."

"Nag shopping."

"San ka naman nag shopping at san ka kumuha ng pera at mukhang ang dami mong pera huh!"

"Nag carolling kami tapos yung share ko, ibinili ko ng gifts para sa inyo."

"Thank you anak. Ang sweet talaga ng anak ko. Pero teka, sino ang kasama mo bumili nito?"

"Hindi kayo magagalit?"

"Depende kung sino."

"Ma naman eh, hindi ko na nga sasabihin sa inyo. "

"Eto talagang batang to. Sige, sige hindi na ako magagalit."

"Mabait siya mama, binigyan nga niya ako ng regalo oh, G-Shock. Ang galing oh at ang ganda."

"Mahal yan ah. Bakit mo tinanggap?"

"Mama sabi mo hindi ka magagalit? Hindi ko naman hiningi eh. Tsaka mama ask nga sana kita eh na magbake ng famous food for the gods mo."

"Ano ka ba, kung ganyan magregalo yun, I'm sure pag ako nag bake ipapakain lang niya yan sa sekretarya niya. Tara ibili natin siya ng mamahaling necktie baka gamitin pa niya, di naman tayo poor para di natin ma afford bigyan siya ng regalo huh!"

"Eh Mama, iba na lang. Yung paborito ko na lang na meat roll ang ibigay natin. Di ba sabi mo ikaw lang ang gumagawa nun kasi sabi mo may kakilala kang gusto niya yun?"

"Huwag yun. Sa yo lang yun."

"Mama mabait si Sir Steve kaya magugustuhan niya yun. Hindi siya makakahanap ng ganun kasi ikaw lang ang gumagawa ng ganun, di ba Mama?"

"Hay naku! Sige na nga. Ngayon lang yan ha! Next time huwag mo na ipagawa sa akin yan. Sa yu lang ang recipe na yun"

At kay Matt...siya ang palaging nagrerequest na ipagluto ko siya ng meat roll with crushed peanuts nun. Si Matt na dumurog sa puso ko. Si Matt ang dahilan kung bakit nandito ka ngayon Matthew.

"Yeeeey, salamat Mama."

"Haynaku, kung hindi lang kita mahal."

"Mama may tanong ako, pero huwag ka magagalit ha?"

"Ano na naman!"

"Kahawig ko ba ang tatay ko?"

"Huh? Bakit mo naman natanong yan!"

"Wala lang. Gusto ko lang malaman."

"Hmmmmmm, sa mga nakita kong pictures niya noon, oo magkahawig kayo. Mas maputi ka lang at mas guapo kasi may Mama na sa genes mo."

"Ah okay. Kahawig ko siya."

"Halika nga rito. Ikaw talaga!"

Oo anak kahawig mo siya. Ngiti mo, pag sumimangot ka, pag nagagalit ka. Lahat nakuha mo yata sa Tatay mo. Kaso hindi muna kita maipapakilala sa kanya anak kasi baka hindi ka niya matanggap  at ipagtabuyan ka, ayokong masaktan ka anak.
Galit siya sa akin kasi sabi niya niloko ko daw siya.  Pero siya lang ang lalaking minahal ko anak. Siya lang.

SANA NGAYONG PASKO (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon