Date Started (offline): August 27, 2014
Date Posted (on Wattpad): December 27, 2020
________________________________________________
Prologue
Mariin kong nasabunutan ang sarili ko sa inis na nararamdaman ko ngayon. Sa lahat ng pwedeng mawala, si Freed pa! Halos mapraning na ko sa kakahanap at kakalibot kung saan ko siya huling nakita pero ni anino niya hindi ko pa rin makita."Shei!" mabilis kong nilingon ang tumawag sa'kin. Patakbong lumapit sa'kin si Jade na siyang kasama kong naghahanap.
Mabilis kong tinignan kung may kasunod ba ito pero wala akong nakita. Isang malalim at mabigat na buntong hininga ang lumabas mula sa bibig ko. Hindi ko na mapigilan pang mapasimangot. Ramdam ko na rin ang pangingilid ng mga luha ko.
"Pinasuyo ko na customer service, gusto mo bang ikaw na lang mag-intay do'n? Maglilibot libot pa ko," ito agad ang ibinungad sa'kin nito pagkalapit niya.
Isang mariing pag-iling ang isinagot ko rito, "Ako na lang ang maglilibot libot. Pwede bang ikaw na lang ang magbantay doon? Tawagan mo ko agad kung may magdala sa kanya do'n."
"Sige, basta lagi mo lang hawakan ang phone mo para mabilis tayong magkabalitaan."
Isang tango ang isinagot ko rito. Mabilis kaming naghiwalay, bumalik si Jade sa pinanggalingan niya, habang napagdesisyunan ko namang lumabas sa department store para tumingin sa labas. Ilang beses na naming nalibot 'to kanina pero hindi namin makita si Freed, kaya may posibilidad na lumabas na 'to rito.
Mabilis akong nagpalinga linga sa paligid. Inilibot ko ang paningin ko para eksaminin kung makikita ko ba ang hinahanap ko sa paligid. Nahinto ang mata ko sa isang staff ng isang teleco company na namimigay ng fliers. Nakita namin 'to kanina sa pagpasok namin, at hanggang ngayon nandito pa rin 'to. Agad akong lumapit dito para magbakasakaling nakita nito ang taong hinahanap ko.
"Excuse me, Miss," napahinto 'to sa pag-aabot at tinignan ako.
Isang ngiti ang isinalubong nito sa'kin, "Yes po, Ma'am?"
"Pasensya na sa abala," panimula ko rito. "Nakita mo kaming nagdaan papasok kanina rito, hindi ba?"
Tumango 'to sa tanong ko, "Opo, kasama niyo po si cute baby boy, hindi ba?"
"Oo! Napansin mo ba kung dumaan 'yong bata na 'yon dito?"
Saglit 'tong natigilan at napaisip. "Naku, Ma'am, nahiwalay po ba siya sa inyo?" isang tipid na tango ang isinagot ko rito. "Pasensya na po, kanina pa ko nakatayo rito pero hindi ko siya napansin."
Katulad kanina, isang malalim at mabigat sa dibdib na buntong hininga ang lumabas sa'kin. "Kung hindi po siya rito lumabas. Iisa lang po ang pwede niyang lusutan. Doon po sa kabilang entrance/exit. Tignan niyo po roon."
"Oo, sige, titignan ko rin," halos nanlalatang sagot ko na rito.
"Huwag po kayong mag-alala, kapag nakita ko pa siya rito dadalhin ko po siya agad sa inyo doon sa kabilang side."
Bigla naman akong nabuhayan sa sagot nito. "Maraming salamat."
Isang tango ang ibinigay namin sa isa't isa bago ako umalis sa harapan nito. Katulad nga nang sinabi nito, pumunta ako sa kabilang bahagi, kung saan may pasukan at labasan din. Kagaya nang ginawa ko kanina, nagtanong tanong din ako roon. Una kong pinagtanungan 'yong guard na nagbabantay doon, nang wala akong makuhang sagot dito ay umusad ako sa iba. Sumunod kong pinagtanungan ay 'yong mga malapit na stall.
Lalong bumigat ang dibdib ko dahil ni isa sa kanila ay walang nakapansin sa hinahanap ko. Hindi ko na maipaliwanag pa ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang pag-aalala at kaba na may kahalong takot. Para bang anumang oras mababaliw na ko.
Mabagal akong naglakad papunta sa may poste na kalapit nang kinatatayuan ko. Isinandal ko ang likuran ko rito. Ramdam ko na ang panlalambot ng mga binti ko, anumang segundo ay bibigay na 'to.
Nasa gano'ng estado ako nang biglang tumunog ang phone ko. Mabilis ko itong sinagot, ni hindi ko na nga nagawa pang basahing maigi ang caller ID.
"Hello?"
"Shei..."
Sa sobrang gulo ng utak ko ngayon, ni hindi ko matandaan kung kanino ang pamilyar na boses na 'to.
"Kasama ko ngayon si Freed."
Namilog ang mga mata ko sa sinabi nito. Bigla akong napaayos nang pagkakatayo ko. "Nasaan kayo?"
"Huwag ka nang pumunta rito. Magkita na lang tayo sa may parking lot."
"Bakit hindi? Nag-aalala ko sa anak ko!" hindi ko na napigilan pa ang pagtaas ng boses ko.
"Nandito ang tatay no'ng bata! Sigurado kang gusto mong magpakita?!" bigla akong natigilan sa narinig ko mula rito.
"A-ano?" mahinang tanong ko rito. Rinig na rinig ko ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya.
"Mamaya ko na ipapaliwanag, basta sa may 2nd floor parking lot na lang tayo magkita. Huwag kang mag-alala, hindi ko pababayaan si Freed."
Mula sa tenga ko, nailipat ko sa may dibdib ko ang kamay kong may hawak sa cellphone. Ibang klaseng pagkabog ng dibidib ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko sasabog palabas ang puso ko sa sobrang bilis nang tibok nito. Sa lahat ng taong pwedeng makasalamuha no'ng bata, siya pa.
Please, no. Don't. Ayokong makilala ka ng anak natin.

BINABASA MO ANG
Girl Version of a Torpe
RomanceSheila Ly Koleens is the NBSB of the group. Though she lacks 'relationship experiences', her heart is full of 'crushes'! She is a hopeless romantic and will turn a man's simple gesture into a big deal as if the other party has feelings for her. Unti...