CHAPTER Five

13.6K 283 2
                                    

   ALEXIS's P.O.V

    Sandali akong huminto sa pag lalakad, kaninang kanina pa kasi akong kinukutubang may sumusunod sakin.

    Nilinga linga ko ang paligid, wala namang tao. Ibabalik ko na sana ang tingin ko sa unahan ng biglang sumulpot sa harapan ko ang isang binata. Napahawak ako sa dibdib ko.. baka kung may sakit ako sa puso ay kanina pa kong inaatake dito! Naman!

    "S-sino ka!? Nang gugulat ka!?" ako

    Napakamot siya ng batok sabay may inabot sakin ang isang bouquet ng mga rosas. Napakunot noo ako sa kanya at hindi agad iyon tinanggap.

    "Ha?" nasambit ko na lang

   "Sorry! Sorry! I'm really really sorry! Hindi ko talaga alam na may tatamaan ako ng soccer ball ng araw na yun! So please forgive me." pag susumamo nya sakin

     Kaya pala.

"Noong isang araw pa yun, kinalimutan ko na at napatawad na rin kita. Masyado talagang malakas yung pag sipa mo sa bola." sabi ko

   Sa tuwa nya siguro kaya hinawakan nya ang kamay ko at ngiting ngiti sa akin.

    "Hoy kayong dalawa!!!" napatigil kami sa bigla na lamang pag sigaw ng pamilyar na boses

   Sabay kaming napatingin sa kapapasok lamang na si Pierson kasama ang mga kaibigan nito. May dala itong bola na hinagis sa direksyon ni Troye. Nasalo naman nya ito at agad na dumistansya sa akin.

   "May pa-bulaklak ka na nga... May paghawak hawak ka pa ng kamay na nalalaman! Gusto mo bang makatikim na naman sakin!?" Pierson

   "Bro., chill lang." Dylan

   "Tss." Pierson

   Agad akong hinila ni Pierson palapit sa kanya. Sobra naman tong makahila.

    "Oh, nakapag sorry ka na diba? Tss.. alis na." pag tataboy nya kay Troye

  "Sige, sorry ulit at thank you." Troye

   Inabot nya muli sakin yung mga rosas bago sya umalis. Nakita ko pa ngang napairap yung katabi ko. Hindi ko alam na kaya rin pala nya yun.

  "Akin na nga yan." nagulat ako ng biglang hablutin sakin ni Pierson ang bulaklak

  "Tucker, itapon mo nga to." Pierson

   Ano!?

  

"Akin na nga yan!" bago pa makuha ni Tucker ay inagaw ko na kay Pierson. Ang sama talaga ng ugali nito 

"What the!" Pierson 

"What the hell your saying!? Pwede ba wag ka masyadong mang away. Nag sorry lang naman sya sakin." ako

"But he touches your hand for damn!" inis na sabi nya 

"Ano naman sa'yo.. mas grabe ka pa nga sa kanya. Hinahalikan mo ko ng walang paalam at may balak ka pang itarget ako sa kama!" sigaw ko sa kanya at tinulak sya

"Oh crap!" Decker

"He shouted Pierson?" Tucker 

"Tsk.. wait." Pierson 

Hinila muli nya ko para hindi ako makalayo agad. 

"Did you forgot what i've said.. i will prove myself to you." malumanay nitong wika habang nangungusap ang mga mata

Ngayon ko lang napagtantong berde talaga ang kulay ng mga iyon.

"H-hindi ko nakalimutan." ako

"So.. I'm sorry for my attitude. Ayoko lang na may lumalapit sayong iba." Pierson 

Hindi ko alam ang dapat sabihin kaya napatango tango na lang ako na parang bata.

       Nabigla ako sa pag silay ng mga ngiti nya. Pakiramdam ko bumilis ang tibok ng puso ko habang napatitig sa kanya.

  "Can you meet me up tomorrow at the school garden?" Pierson

     "B-bakit?" sht bakit ba ko nabubulol!?

    "Hmm.. basta.. just meet me there. Hindi ako aalis dun hangga't di ka dumarating. After your classes, okay?" nakangiti pa rin nitong wika

    "O sige pero kapag may ginawa ka sakin ! Iiwasan na talaga kita!" banta ko sa kanya

❇❇❇❇❇❇❇❇❇

   "Oh san ka, ba't nag mamadali ka yata?" puna sakin ni Ameyhst habang nililigpit ko ang mga gamit ko.. pinuntahan nya kasi ko dito sa classroom

       "Ah... May dadaanan lang akong tao.Hintayin mo na lang ako sa gate.. sige aalis na ko!" sigaw ko habang tumatakbo palabas

  Third Person's P.O.V

    

      Mag aalas singko na nang makarating si Alexis sa garden ng school. Agad hinanap ng mga mata nya ang binata. Naabutan nya itong nakahiga sa ilalim ng malaking puno roon.

 

   
   Tahimik nya iyong nilapitan .. natutulog pala ito. Umupo sya sa tabi nito at ilang minuto ring pinag masdan ang binata. Hindi nya alam kung bakit napapangiti sya ng walang dahilan habang ginagawa nya yun.

    "You can stare me forever." biglang ngisi ni Pierson at mabilis na hinila pahiga sa kanyang dibdib ang dalaga na ikinagulat nito

    "Pierson.." bulong ni Alexis at pilit na bumabangon

    "Just stay." Pierson whispered while gently rubbing her back

     Napakasarap sa pakiramdam ang nararamdaman ngayon ng binata habang patuloy nyang pinapakiramdaman ang babaeng nakahiga sa kanyang dibdib. Hindi nya maintindihan ang sarili sa tuwing nandyan sa tabi nya si Alexis.

       And he thinks, he's already in love with her.

     "Pierson.." napamulat ng mata ang binata at saglit na tinitigan si Alexis

    Nag tatanong ang mga mata nito sa kanya kaya't pinakawalan na nya ito at hinayaang bumangon.

  "Ano bang pag uusapan natin?" Alexis

   

    Bumangon rin si Pierson saka hinila patayo ang dalaga.

      

ALEXIS's P.O.V

          Nabigla ako ng pumitik sa ere ang daliri ni Pierson kasabay ng biglang pag sulpot ng isang kwintas sa kanyang kamay. Pumunta sya sa may likuran ko bago ko naramdaman ang pag dampi ng kwintas na iyon sa leegan ko.

       Sa hitsura pa lamang ng kwintas ay kapansin-pansing masyado itong kakaiba kumpara sa ibang mga kwintas. Parang may kung ano na katangian ito.

    "This Necklace is my Clan's Symbol. The Black Gem inside that pendant." Pierson

      Nag tatakang napatingin ako sa kanya.

  "Kung ganun, bakit mo binibigay to sakin?" ako

    Naramdaman ko bigla ang pag yakap nya mula sa may likuran ko. Naramdaman ko rin ang pag bilis ng tibok ng puso ko ng mga oras na yun lalo na nang idantay nya ang baba nya sa balikat ko.

     Ramdam na ramdam ko ang matikas nitong pangangatawan na bahagyang lumalapat sa likuran ko. Hinawakan ko ang mga kamay nyang nakapulupot sakin.

    

    Hindi ko maipaliwanag pero.. kakaiba talaga ang ipinararating sakin ng bawat dampi ng bahagi ng katawan nya sa akin.

     "Sisimulan ko ngayon.. liligawan kita."

  

Taking Virginity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon