Alexis's P.OV
Inabot sakin ni Amethyst ang isang cup ng Hot chocolate. Kanina pa kaming narito sa kanila. Nasa taas si Pierson.. nag sha-shower
Umupo sya sa tabi ko at kinulbit ako.
"Bakit?" ako
Humigop sya ng konti sa inumin bago nag salita.
"Yung Bwisit na transferee.. wag kang lalapit dun ha." Amethyst
Ibinaba ko ang mug sa glass table saka sya tiningnan.
"Si Carmela ba?" ako
"Tsk. Oo yun. Alam mo ba nangyari kanina sa hallway!?" Amethyst
Kinuwento niya Sakin yung mga nangyari kanina. Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya.. para kasi sya ang girlfriend. Pero pasalamat ako dahil andyan si Amethyst.
"Naku.. naku.. ang sarap ibuhos sa kanya to." sabi nya pa habang masamang nakatitig dun sa inumin nya
"Relax ka lang. Alam mo namang kapag lumagpas sa tatlong pinaka ayaw ko sa lahat.. ako na ang makakalaban nya." seryoso kong wika na nginitian niya ng malapad
"Yan gusto ko sa'yo e.. mabait.." Amethyst
"Pero masamang magalit." patuloy nya sabay kindat sakin
Napahinto kami sa pag kukuwentuhan nang bumaba na si Pierson. Ginugulo gulo nito ang buhok niya .. mukang katatapos lang nya mag blower.
Lumapit sya samin at pinalayas sa tabi ko si Amethyst. Ang sama talaga nito.
"Ano ba! Nauna ko sa'yo dito e!" reklamo ni Amethyst pero di sya nanalo sa kambal nya.
Umupo sa tabi ko si Pierson. Naramdaman ko agad ang pag pulupot ng braso nya sa beywang ko.
"What's that?" Pierson
"Hot Chocolate." sagot ko saka dinala sa labi nya ang mug .. uminom naman sya
"Shet naman! Ganyan ba talaga kayo ka Sweet!? Lalo na siguro pag pasok nyo sa kuwarto." Amethyst
Pinandilatan ko ng mata si Amethyst. Kung anu ano sinasabi eh. Tumawa lang sya at iniwan na kami sa sala.
Ibinaba ko ang mug sa lamesa. Saka hinarap si Pierson. Nakatingin rin siya sakin.
"Pier.." tawag ko
Ngumiti sya.
"Hmm?" Pierson
Balak ko sanang sabihin yung kinuwento Sakin ni Amethyst pero minabuti kong wag na lang sabihin. Sa halip ay iba na lang ang sinabi ko.
"Kung sakaling May babaeng gusto kang agawin sakin.. anong gagawin mo?" seryosong kong tanong habang diretso ring nakatingin sa kanya
Ngumisi lang sya.
"Sa gwapo kong to .. matagal ko nang alam na maraming mag nanais agawin ako sa'yo. Pero isa lang ang gagawin ko." Pierson
Masuyo nya kong tinitigan at hinawakan sa batok saka Marahan nyang inilapit ang mga labi ko sa labi nya.
Saglit siyang tumigil at nag salita.
BINABASA MO ANG
Taking Virginity (COMPLETED)
ChickLitPierson Black is a Certified Womanizer .. he can get all the girls he wanted to target in bed without his effort, just by his charms and good looks. Until he met the girl named Alexis Lincoln. And then blah blah blah.. just read my story for you to...