ALEXIS's P.O.V
Mag aalas tres na ng hapon ng maagang natapos ang klase namin. Balak kong puntahan si Ameyhst sa classroom nya para makasabay sya pag uwi.
Nakita kong lumabas ng room nila yung president kaya minabuti kong sa kanya ko na lang itanong si Ameyhst.
"Van, si Ameyhst.. asan?" tanong ko saka ngumiti ng bahagya
"Ikaw si? Alexis? Am I right?" nakangiting balik tanong nya sakin
Nag tatakang napatangu-tango ako.
"Ah umuwi na sya kanina pang 12 e." sa wakas ay sagot nito
"Kaya pala.. sige salamat." ako at pag kunwa'y aalis na sana nang tawagan nya ko
"Alex, sandali!"
❇❇❇❇❇❇❇❇
Nag aalala man ako sa dahilan ng pag papapunta sakin dito sa 4th floor ni Van ay minabuti ko na ring pumunta at alamin ang dahilan. Sinabi nyang may tao raw na nais akong kausapin, hindi naman nya sinabi kung sino dahil malalaman ko rin naman daw.
Madilim sa loob ng silid na sinabi ni Van.
"Seryoso ba syang dito?" taka kong tanong
May sira yata ang ilaw sa loob ng silid.. patay sindi. Nakakapanindig-balahibo naman... hindi na ko ng dalawang isip... at binaling ko ang direksyon pabalik. Niloloko lang yata ako ng Van na yun! Tsk. Hahakbang na sana ko paalis sa lugar na yun nang may bigla na lamang na nilalang ang sumulpot sa may likuran ko. Mabilis nya kong natakpan sa bibig at nahila sa beywang papasok sa silid na yun.
Ramdam na ramdam ko ang malakas na pag ng kabog ng dibdib ko ng mga oras na yun. Mahigpit kong hinawakan ang kamay nyang nakatakip sa bibig ko at pilit iyon inaalis.
Agad naman nya kong pinakawalan. Humihingal na inangat ko ang tingin sa nilalang na iyon.. at halos mapasigaw ako sa gulat ng makita kung sino sya.
"Surprise?" nakangiti pa nitong tanong
"Bwisit ka talaga!!!!" pinag hahampas ko sya sa dibdib nya.. matapos nya kong gulatin.. akala ko kung ano na mangyayari sakin!
"Kainis ka! Ughh!!!" muli ko syang pinalo sa dibdib .. Waring hindi nya iyon iniinda dahil tumatawa pa ang mokong
Maagap nyang hinuli ang mga kamay ko gamit ang isang palad nito.
"Stop it.. masyadong nakakapagod."
tatawa tawa nitong wika at walang paa-paalam na hinawakan ang aking pisngi bago nito haplusin patungo sa mga labi koBahagya akong nakaramdam ng kung ano sa katawan .. na para bang .. nakuryente ako sa dampi ng palad nya.
"Ilang araw ko nang ninanais matikman ang mga labing to." nasambit nya habang masuyong nakatingin sakin
Binitawan nya ang mga kamay ko at saka mabilis namang ipinulupot ang mga bisig nya sa beywangan ko. Bahagyang napaangat ang katawan ko sa kadahilanang mas matangkad sakin si Pierson at nakaya nya kong haltakin pataas.
BINABASA MO ANG
Taking Virginity (COMPLETED)
Chick-LitPierson Black is a Certified Womanizer .. he can get all the girls he wanted to target in bed without his effort, just by his charms and good looks. Until he met the girl named Alexis Lincoln. And then blah blah blah.. just read my story for you to...