CHAPTER Seventeen

9.7K 194 1
                                    




Malakas na ibinato ni Pierson ang bote ng alak sa harap ng malaking salamin. Nagagalit sya sa sarili nya sapagkat hindi sya kayang mahalin ni Alexis. Ito na ba ang kabayaran sa lahat ng pag gamit nya sa mga babae noon. Kailanman ay hindi nya inaasahang tatamaan rin sya ng pag ibig.





Kumuyom ang kamao nya at buong lakas na isinuntok sa salamin. Nag karoon ng unti unting pag kabasag ang salamin na nabahiran rin ng dugo mula sa kamao nya. Hindi nya ininda ang kirot at sa halip ay ipinag patuloy ang pag suntok sa salamin.





"Argh! Bullshit!" Pierson





Ilang sandali ay nag ring ang phone nya... hindi nya ito pinansin kahit ilang beses na itong nag riring. Pero mukang walang balak tumigil sa pag ring ang phone nya... nilapitan nya ito at inis na sinagot.






"Who the hell is this!? You're fucking disturbance!" Pierson







Humalakhak ng malakas ang kausap nya sa kabilang linya. Napakunot noo sya.






"Oh.. like father like son! Hahahahah... Kamusta, Pier!?" 






Nag kasalubong ang mga kilay ng binata... hindi nya kilala ang kausap nya pero alam nyang isa ito sa mga kaaway ng Dad nya. 





"Fuck you Asshole! Wala kong panahong makipag usap sa'yo!" inis na tugon ni Pierson






Balak nya nang babaan ng tawag ang lalaki nang may bigla itong banggitin na pangalan.








"Alexis...." sabay halakhak ng lalaki





Humigpit ang hawak ni Pierson sa phone nya... kinabahan sya.








"Alexis ang naka ukit sa pendant. What a stunning necklace. Ikaw ba ang nag bigay nito sa kanya?" 







"Damn you!!!! Where is she!?" Pierson







Muli na namang humalakhak ang lalaki.









"70 million kapalit ng babaeng ito, Pier. Gusto kong ikaw mismo ang mag dala sa lumang ware house sa lugar na isesend ko sa'yo. Bibigyan kita ng limang oras para lang makarating dito dahil kundi... malamig na bangkay ang aabutan mo." 








"Bullshit!!!! Swear i will kill you!" naputol bigla ang linya






Wala nang sinayang na sandali si Pierson. Kinuha nya ang dalawang baril sa vault at agad na isinuksok sa bulsa ng leather jacket nya. Tinawag nya si Amethyst at ipinaalam ang lahat bago nya pinaharurot ang motor nya.












ALEXIS's P.O.V









Nagising ako sa mga boses na naririnig ko hindi kalayuan sa akin. Madilim ang paligid... gusto ko sanang kumilos ngunit nakatali ako sa kinauupuan ko. Nahihilo pa rin ako.




Teka.. Nasan na nga ba ako?





Ilang minuto pa lamang ay biglang bumukas ang malaking pintuan sa harapan ko. Nakasisilaw na liwanag ang sumalubong sakin... nakita ko ang pag pasok ng ilang mga kalalakihan.




"May malay ka na pala!" pinalibutan nila ko .. lumapit sa akin ang dalawa sa kanila





Marahas akong hinawakan sa May baba ko ng isa at pilit ipinipihit ang muka ko sa kanya.





Taking Virginity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon