Chapter One

4.3K 44 1
                                    

TINEE continue chewing her gum while walking in the hallway. Katatapos lang niyang mag-enroll para sa first semester sa huling taon niya sa kolehiyo kasama ang mga nagfi-feeling kaibigan niya at dahil wala na siyang gagawin maghapon, nag-uumpisa na siyang mabagot. Hindi pa niya mapag-desisyunan kung pupunta ba siya sa Sweets To Go---ang coffee shop slash mini arcade slash mini library slash unlimited dessert shop business niya na opisyal nang binuksan noong huling buwan nang nakaraang taon---o magmo-movie marathon na lang siya sa bahay niya habang naghihintay ng oras para makapag-bar siya mamayang gabi.

"Do you want to go shopping, Tinee? May mga latest delivery sa boutique na pinupuntahan natin sa mall." suhestiyon ni Shiela na nasa likod niya. Masakit sa mata ang suot nitong damit at dahil naaalibadbaran siya sa hitsura nito, hindi tuloy niya ito matingnan-tingnan.

"Ayoko. Tinatamad ako." nabubugnot na sagot niya. Mas gugustuhin na lang niyang magpunta sa bar at magpakalasing kaysa mag-shopping ng mga bagong damit.

"How about, we go boy hunting. Balita ko, madaming bagong boylets na nag-enroll this semester." suhestiyon naman ni Patricia.

"Ayoko. Kayo na lang." tumigil siya sa paglalakad at nakataas ang isang kilay na hinarap ang dalawang babae, nakapokus ang mga mata kay Patricia. "Mauuna na akong umuwi, magkita na lang tayo mamaya sa Fusion. Same time." Iyon lang at tinalikuran na niya ang mga ito. Wala siya sa mood na makipag-usap sa dalawa kaya bahala na ang mga ito kung anong gustong gawin ng mga ito habang naghihintay sa party time nila.

Dere-deretso siya sa paglalakad papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan niya at muli ay tumaas na naman ang isang kilay niya nang makita ang dalawang lalaking naghihintay sa kanya doon. Hindi na naman bago sa kanya ang ganoong senaryo pero minsan, nakakapagod din lalo na kung alam naman niya kung ano lang ang pakay ng mga iyon sa kanya.

Ang lalaking nakasuot ng salamin na matangkad ang unang nakakita sa kanya. Agad siyang nilapitan nito at iniumang sa kanya ang medium sized na kahong bitbit nito. "Hi, Tinee. Para sa'yo nga pala. Hindi kasi kita naabutan kahapon kaya hindi ko naibigay sa'yo ang regalo ko." anito. Tabingi ang ngiti nito habang hindi makatingin ng deretso sa kanya.

Isang matamis at totoong ngiti ang awtomatikong sumilay sa labi niya at tinanggap ang binibigay nito. "Thank you... What's your name again?" nagkamot pa siya ng batok at pilit hinalukay ang isip sa marahil ay pangalan ng lalaki. "Pasensya ka na, hindi kasi ako matandain sa mga pangalan eh." hinging-paumanhin niya.

Tumikhim ang lalaki at dumeretso ng tayo. "I'm Gelo, a third year MassCom student." sagot naman nito na sa pagkakataong iyon ay umayos na ang pagkakangiti.

Infairness, maganda ang ngiti niya at maganda din naman ang pangangatawan. Puwede ko na siguro itong pagtiyagaan kung talagang gusto niya ako. Ngunit kasunod ng isiping iyon ay umentra naman ang konsensiya niya. Masyadong mabait si Gelo para ihanay lang niya sa mga lalaking basta-basta na lang niyang pinapatulan.

Hindi naman iyon ang unang beses na lumapit ito sa kanya at sa tuwina ay nakikita niya kung gaano ito kabait at kasinserong tao. Kahit papaano naman ay may kakayahan na siyang bumasa ng personalidad ng isang tao, hindi katulad noon at masasabi niyang isa si Gelo sa mga mabubuting taong makikilala niya. Kung hindi lang siya pinangungunahan ng pagkaduwag sa tuwing iniisip na may posibilidad na pagkatiwalaan niya ito at maging kumportable siya dito, siguro ay may pag-asa silang maging mabuting magkaibigan.

Nasira ang tahimik na pagmumuni-muni niya nang may tumikhim kaya binalingan niya ang isa pang lalaki na prenteng nakasandal sa sasakyan niya. May mayabang na ngiting nakapaskil sa labi nito. Sa halip na pansinin ang lalaki ay tinaasan lang niya ito ng isang kilay.

Maybe this time (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon