Chapter Fourteen

850 18 0
                                    

ANG MGA sumunod na araw ay parang isang napakagandang panaginip para kay Xander. Hindi niya inaasahan pero dahil iyon na ang nangyayari, hindi na niya iyon maiwasan. Oo, nakakaramdam pa din siya ng kaunting takot dahil sa tindi ng nararamdaman niya pero hindi naman niya kayang iwasan at basta na lang iwan si Tinee pagkatapos ng nakita niyang kahinaan nito noong nakaraang linggo.

Alam niyang nanganganib na naman siya. Kaunting-kaunti na lang at aamin na siya sa kanyang sarili na ang pagmamahal na nararamdaman niya para kay Tinee ay mas matindi na ngayon kaysa noon. Kaunti na lang at aaminin na niyang hindi na niya kayang hindi gawan ng paraan ang nararamdaman niya. Na kaunti na lang ay aamin na naman siya sa dalaga at liligawan na naman niya ito at magiging magkasintahan na naman sila. Pero sa pagkakataong iyon ay hinding-hindi na niya ito pakakawalan.

Pero kasabay niyon ay bigla din siyang natigilan dahil sa biglang bumalik sa kanyang alaala na sinabi ng kanyang ina nang mga panahong nagmumukmok pa siya sa kanyang silid pagkatapos nilang magkahiwalay ni Tinee.

Love is not enough, anak. Hindi lang dapat iyon ang batayan ng mga magka-relasyon para tumibay at tumagal ang pagsasama. Palagi mong tatandaan iyan. Kapag isinugal mo ang puso mo, kailangan ay kasama ang buong pagkatao mo. Kailangang buo ang tiwala ninyo sa isa't-isa at kahit na anong pagsubok pa ang dumating sa relasyon ninyo, matibay at tiwala kayong malalagpasan ninyo iyon dahil kasama ninyo ang isa't-isa.

Sinabi pa nito na hindi buo ang tiwala niya kay Tinee kung hindi man lang niya hinayaang magpaliwanag ang dalaga at basta na lang nag-desisyon na hiwalayan ang dalaga.

Noon ay hindi niya maintindihan iyon. Hanggang ngayon nga ay hindi pa din niya gaanong maintindihan ang ibig sabihin ng kanyang ina.

Kahit gaano pa katalino ang isang tao, pagdating sa pag-ibig ay palaging sila ang numero unong nagiging bobo. Iyon ang mga salita ni Galen nang ito naman ang kumausap sa kanya.

Bigla siyang napahugot ng malalim na hininga. Iyon ang problema niya, ang tiwala niya kay Tinee. Hindi buo iyon. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang reservations niya pero hindi talaga niya lubusang maipagkatiwala dito ng buong-buo ang puso niya. At hangga't hindi niya nalalaman ang sagot sa tanong kung saan nanggagaling ang takot na nararamdaman niya, hindi niya puwedeng aksiyonan ang nararamdaman niya. Maku-kuntento na lang muna siguro siyang maging kaibigan ang dalaga. Hindi man sila magkaibigan na maituturing para dito, para sa kanya naman ay isa itong espesyal na kaibigan na dapat inaalagaan. Isang taong dapat na iniingatan at iniintindi.

"Hey!"

Napaigtad si Xander nang maramdaman ang malakas na hampas sa balikat niya. Naiinis na nag-angat siya ng tingin at kinailangan pa niyang kumurap-kurap ng ilang beses para masiguro kung totoo ba ang nakikita niya.

"Bagay ba? Maganda na ba ako lalo?" tanong ni Tinee, may malapad na ngiti sa labi.

"Anong nangyari sa'yo?" tanong niya sa halip na sagutin ang tanong nito. Ang mahabang buhok nito ay hanggang balikat na lang. Lalong tumingkad ang kulay brown na buhok nito at lalo ring tumingkad ang ganda nito lalo na at nakasuot na ulit ito ng salamin. Malabo talaga ang mga mata ni Tinee, nagsusuot lang ito ng natural na contact lens para hindi iyon mahalata ng kahit sino. At ang suot nito... Hindi niya napigilan ang sariling ilang beses na pasadahan ng tingin ang kabuuan ng dalaga.

Tight pants, sneakers and a plain blue loose shirt. Ibang-iba sa mga kulang sa telang nakasanayan na niyang isinusuot nito. Iyon ang totoong Tinee, ang Tinee na pilit nitong itinatago sa mga tao at ang Tinee na simple at walang arte sa katawan. Iyon ang Tinee na nakasama at lalo niyang minahal noon.

Maybe this time (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon