Chapter Fifteen

791 16 0
                                    

TUMAMBAY si Tinee sa may dagat para mag-relax. Iyon ang paborito niyang puwesto sa beach house na iyon. Nakakalma kasi ang buong sistema niya at nakakalimutan niya ang lahat ng mga problema niya kapag nandoon na siya at naaamoy ang sariwang hangin at amoy ng dagat.

"Sabi ko na nga ba, dito na naman kita makikita."

Awtomatikong sumilay ang isang malapad na ngiti sa labi ni Tinee dahil sa napaka-pamilyar na boses na iyon. Kahit na hindi siya lumingon ay kilala na niya kung sino iyon.

"Gusto ko lang mag-relax." sagot niya. Huminga pa siya ng malalim para punuin ng sariwang hangin ang baga niya.

"Puwede ka namang mag-relax. Basta magsuot ka lang ng damit. Baka ma-pulmonya ka pa sa ginagawa mo." anito bago umupo sa tabi niya. At para marahil maintindihan niya ang sinasabi nito ay sinundot-sundot pa nito ang naka-expose na likod at tagiliran niya.

Hindi niya napigilang matawa. Bra lang talaga ang sinuot niya at isang maikling maong shorts dahil mainit ang panahon, gusto niyang magpa-tan. Masakit mang tanggapin, maputi siya kaya gusto niyang kahit papa'no ay magkakulay naman ang balat niya.

Eksaheradong sumimangot siya nang harapin ang binata. "Mainit kaya, normal lang ang suot ko. Parang ngayon mo lang ako nakitang nakaganito." Ganoon naman talaga ang normal na isinusuot ng mga nagpupunta sa beach, masyado lang talagang nagpapaka-possessive si Xander.

Syempre pa, nakakaramdam na naman siya ng kilig. Nagkakaganoon lang naman ito noong mga panahong magkasintahan pa sila. Hindi naman niya ito nobyo ngayon kaya hindi niya maintindihan kung bakit ito nagre-react ng ganoon.

Not that I don't want him to feel that way.

"Ayokong makikita ka ng iba na ganyan ang suot mo." nag-iwas ng tinging anito.

Lalong lumawak ang ngiti niya dahil sa sinabi nito. "Wala namang makakakita sa'kin dito. Tayo-tayo lang naman ang nandito, hindi ba?"

"Oo nga pero tandaan mo, nandito si Kuya Drew. Dadating na si Galen mayamaya. Aware ka naman na maganda ang katawan mo, ayoko lang na makita nila iyan." sa wakas ay ibinalik na nito ang tingin sa kanya. Poker faced ang mukha nito ngunit mahahalata naman ang pagkairita sa mga mata nito.

Hindi tuloy niya mapigilan ang sariling kurutin ang pisngi nito. "Ang cute mo. Lalo na kapag nagiging possessive ka." pang-aasar niya sa binata. "Don't worry, papasok na din ako mamaya para magbihis kaya 'wag ka nang masyadong maasar."

"Hindi ako naaasar. You wish, Christine." nakaismid na balik nito. Inihilamos pa nito sa mukha niya ang isang kamay nito na lalo niyang ikinatawa.

Tumalikod siya sa binata at isinandal ang likod sa tagiliran nito. "Pasandal muna ha? Magpapa-tan lang ako." paalam niya.

"Nagpaalam ka pa, nakasandal ka na naman." pasaring nito ngunit hindi naman siya pinigilan sa ginagawa. Hindi din niya namalayang nakaidlip pala siya sa bisig ng binata. Ang huli lang niyang natatandaan ay para na siyang hinehele ng mga ulap sa langit sa gaan ng pakiramdam niya.

MAGAAN ang pakiramdam ni Xander nang muli siyang bumaba. Dumeretso siya sa kusina para tingnan kung nakahanda na ang hapunan nila. Ang kapatid niya ay nagpunta sa bahay ng isang kaibigan nito na malapit lang sa beach house nila. Si Nina naman ay hindi pa lumalabas ng silid nito at si Tinee, malamang ay tulog pa dahil hindi pa din niya ito maramdaman sa paligid. Si Tana naman ay mas gustong kasama si Tinee sa silid kaya hindi na niya ito pinilit na bigyan ng sarili nitong silid. Hindi niya alam kung paano niya mapapaamo ang kaibigan ni Tinee gayong parang desidido na itong magalit sa kanya hanggang sa nabubuhay ito.

Maybe this time (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon