Chapter Eight

858 15 0
                                    

IGINALAW-GALAW ni Tinee ang ulo niya para mabawasan ang pangangalay ng batok niya. Tatlong oras na silang nakababad ni Xander sa kanya-kanyang laptop at sa mga folder na nasa harap nila.

Nandoon sila nang mga sandaling iyon sa entertainment room at inaasikaso ang thesis proposal nila. Pagkatapos nilang kumain ng merienda ay doon na sila dumeretso. Pinilit pa ni Yaya Izza si Xander na doon na din maghapunan dahil sigurado daw na mapapagod at matutuyuan sila ng utak sa ginagawa nila. Kung pakitunguhan nga ng Yaya niya ang binata, parang hindi nito alam ang ginawa sa kanya ni Xander. Pero dahil alam niyang mabait talaga ang Yaya niya, hindi na lang niya gaanong binibigyan ng pansin iyon. Dagdag stress pa iyon sa kanya.

Hindi man sila gaanong nag-uusap habang gumagawa, hindi na naman sila naging sarcastic sa isa't-isa at para lang silang normal na magkaklase kung magtulungan sa ginagawa nila. Ang mga folders lang sa harap nila ang tanging pinagtutuunan nila ng pansin at ang mga laptop nila. Nag-uusap lang sila kapag may mga tanong sila tungkol sa ginagawa nilang proposal.

Mayroon na silang title para sa thesis nila. Ang pinaka-proposal na lang ang ta-trabahuhin nila. Isang maiden café with and dogs ang napili nilang gawing business. Napagkasunduan nilang pagsamahin na lang ang naisip nilang concept dahil pareho naman pala silang coffee shop ang gustong itayong business. Hindi naman talaga mahirap isipin iyon para sa kanya, ganoon kasi ang negosyo niya. Wala nga lang mga hayop na involve sa business niya. Hindi nga niya inasahan na ganoon din ang maiisip na proposal ni Xander.

"What if lagyan din natin siya ng mini library? Para sa mga bookworms na costumers. Para mas lalong unique ang coffee shop natin. Well, its not as if unique talaga dahil mayroon ka nang library sa Sweets To Go. Kaya lang siya naging unique ay dahil may mga animals tayo sa coffee shop." suhestiyon ni Xander. Abala ito sa page-encode ng mga naisulat na nila sa papel.

Nagkibit-balikat siya. "Puwede din. Pero mas priority natin ang café kaysa sa paglalagay ng dogs at ng mga books. Doon pa lang kasi tayo mag-uumpisa, titingnan pa natin kung ano ang kahahantungan niyon." wika naman niya.

Tumango-tango naman ang binata. Mayamaya ay tumigil ito sa pagta-type at humiga sa sahig. "Magpahinga muna tayo, masakit na ang likod at batok ko." suhestiyon nito. Ipinikit nito ang mga mata.

Sa halip na sumagot ay tiningnan lang niya ito. Ngayon lang niya iyon magagawa, hindi naman siya nito makikita dahil nakapikit ito.

Marami ang nagbago kay Xander mula nang maghiwalay sila. But he change for the better. Nagbago ito ng wardrobe at sinunod nito ang suhestiyon niya na mag-contact lens na lang sa halip na mag-salamin. Isinusuot na lang nito ang salamin kapag siguro matagal itong humaharap sa laptop nito katulad na lang ngayon. Hindi na ito baduy manamit at palaging maayos na din ang pagkakaayos ng buhok nito.

Mukhang mas nakabuti pa dito ang pakikipag-hiwalay sa kanya samantalang siya ay nagbalik lang sa dating siya. Kung manamit siya ay palaging kinukulang sa tela, makapal ang kanyang make up at palagi siyang naglalasing at nakikipag-date sa kung kani-kanino na hindi naman niya sineseryoso. In short, sa kanilang dalawa ay siya ang naging patapon ang buhay. Siguro, dahil iyon ang naiisip niyang alternative sa sakit na nararamdaman niya. Kumbaga, ang pagiging ganoon ang naging depensa niya para sa sarili.

Bumalik na naman siya sa pagiging Queen B, as in Queen Bitch na kinaiinisan, kinaiinggitan at sinisiraan ng mga tao sa eskuwelahan nila. Bumalik na din ang pagiging slut at whore niya para sa mga lalaking hindi niya pinapansin at sa mga babaeng galit sa kanya.

Ang unfair talaga ng mundo. Hindi niya alam kung paanong nagbabago ang mga tao depende sa pinagdadaanan ng mga ito sa buhay. Iba-iba ng pag-cope sa sakit na nararamdaman at iba din ang nagagawa ng mga negatibong isipin sa isang tao.

Maybe this time (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon