Chapter Four

1K 17 1
                                    

"GOOD MORNING, Xander."

Agad na bumaling si Xander kay Tinee na nasa tabi niya at binigyan ito ng kiming ngiti. "Good morning." ganting-bati niya bago muling ibinalik ang atensiyon sa binabasa. Kasalukuyan siyang nasa library at nagpapalipas ng oras.

It's been two days since her sudden confession at hanggang nang mga sandaling iyon ay hindi pa din siya lubos na makapaniwala. Sa dami ng mga naging nobyo nito, sa dami ng mga lalaking nagkakagusto dito, bakit sa kanya pa? Bakit siya pa? Tama na ngang lihim lang niya itong sinusulyapan at hinahangaan, hindi ba? Tapos ngayon, gusto na siya nito?
Kunwari ka pa, gusto mo naman. Panunudyo ng isang bahagi ng isip niya.

Hindi naman siya magpapaka-ipokrito para hindi amining natutuwa siya na gusto pala siya ni Tinee nang wala man lang siyang kaalam-alam pero hindi niya lubos na kilala ang dalaga. Hindi niya alam kung ano ang nakain nito at bigla na lang nitong sinabi na gusto siya nito. Ng ganoon-ganoon lang. Hindi naman sa pinagdududahan niya si Tinee, hindi lang talaga siya makapaniwala dahil ilang taon na silang magkaklase ngunit hindi naman siya nito pinapansin. Ngayon lang.

"What are you reading?" tanong ng tinig nito na nagpaangat ng tingin niya dito.

Punong-puno ng curiousity ang mga mata ng katabi niya at hindi niya mapigilang hindi ma-amuse dahil ngayon lang niya ito natitigan sa mga mata nito. Palagi kasi itong seryoso, nagsusungit o ngumingiti nga... ngunit halatang hindi naman totoo ang mga ngiti nito.

Sa loob ng tatlong taong nakikita niya ito, kabisado na niya ang mga emosyong nasusulyapan niya sa magandang mukha ni Tinee. At masasabi niyang wala sa mga iyon ang totoo. Hindi man niya ito talagang kilala, kaya naman niyang basahin ang ugali nito. Isa yata iyon sa mga hidden talent niya.

"Paranormal Romance." simpleng tugon niya sa tanong nito. Unang beses pa lang niyang nakita ang mga libro na gawa nina Sherrilyn Kenyon at Gena Showalter ay na-fascinate na agad siya at nang mabasa niya ang unang libro ng series ng mga ito ay hindi na niya iyon natigilan.

Tumango-tango naman ang dalaga at sinilip ang binabasa niya. "Maganda ang story?" tanong nito. Ngumiwi pa ito. "Hindi kasi ako mahilig magbasa ng libro eh." halatang nahihiyang pag-amin nito.

Kung hindi lang siya magaling magpigil ay nakurot na niya ang magkabilang pisngi ni Tinee. Ang cute kasi nitong tingnan habang nahihiyang inaamin ang katotohanan tungkol sa hindi nito pagkahilig sa pagbabasa.

Hindi alam ng dalaga ang pagkagusto niya dito. Wala naman kasing nakakaalam niyon kundi si Galen lang. At wala naman talaga siyang planong sabihin iyon sa dalaga. There's no point in making it a big deal dahil gusto lang naman niya ang dalaga. It's not as if napakalalim ng nararamdaman niya para dito.

Hindi nga ba?

"Okay lang, maganda naman. Pero mas maganda iyong ibang books nito." sagot pa din niya. Hindi siya sanay na kinakausap siya ni Tinee kaya naman hindi rin niya alam kung paano pakikitunguhan ang dalaga ngayong ibinibigay nito sa kanya ang atensiyong gusto niyang makuha dito noon.

"Gusto mong lumabas? O pumunta sa bahay? We're just going to hang out." mayamaya ay biglang tanong nito. Wala sa loob na naisara niya ang libro at nabaling sa dalaga ang kanyang mukha. Did she really just ask him to go with her to her house to hang out?

May pag-aalinlangan sa mukha ng dalaga na ngayon lang niya nakita. Well, hindi naman niya ito talagang kilala kaya natural lang naman siguro na manibago siya sa mga emosyong nakikita niya sa magandang mukha nito.

Maybe this time (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon