Chapter Three

1.1K 18 2
                                    

Five months ago...

"ALAM MO, ang sarap mong saktan. Sa tingin mo ang mga katulad mo ang type niya? Eh baka nga hindi ka pa man nagsasalita, mabasted ka na eh."

Napasimangot si Xander sa sinabi ng kaibigan niyang si Galen. Kasalukuyan silang nakatambay sa gym at nanonood ng volleyball game for women kung saan naglalaro ang pinaka-maganda na yatang babaeng nakilala niya sa buong buhay niya. Si Christine Eliza Varias.

"Huwag mong sirain ang mood ko, Galen kung ayaw mong samain sa'kin. Hayaan mo na lang ako sa patagong paghanga sa kanya. Hindi naman ako gagawa ng kahit na anong hakbang para mapansin niya ako eh." naaasar na sagot niya sa kaibigan.

Inismiran siya nito. "Tatlong taon na kayong magkaklase, Alexander. Tatlong taon na din na abot-kamay mo lang siya pero ni minsan hindi ka man lang nagpakilala? Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa'yo eh. Minsan ka na nga lang magkagusto sa isang babae, nato-torpe ka pa."

"Shut up. I told you, hindi ako gagawa ng paraan para mapansin niya ako. Tama nang nakikita ko siya araw-araw at nakakasama ko siya sa mga klase ko. Kahit hindi niya ako pansinin, okay lang din. Tama nang tinitingnan niya ako kahit minsan. Kuntento na ako doon." Hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi sa isinagot sa kaibigan.

Totoo naman kasi iyon. Sa loob ng tatlong taong pagkakakilala niya kay Tinee, kahit minsan ay hindi pa sila nag-usap. Oo nga at magkaklase sila sa lahat ng mga subjects nila, pareho kasi sila ng kurso. Ngunit kahit minsan ay hindi man lang sila naging groupmates.

Masasabi niyang matalino si Tinee. Kahit na hindi ito mag-effort sa pag-aaral ay walang kahirap-hirap na naipapasa nito ang mga subjects nito. Kaya nga sa tuwina ay pinalalampas ng mga guro nila maging ng Dean ng college nila ang madalas nitong hindi pagpasok sa mga klase nito, ang inappropriate way of dressing-up nito at ang masamang image nito sa eskuwelahan nila.

Naniniwala ang mga kamag-aral nila na isa itong masamang babae. Everybody's girlfriend dahil halos lahat daw ng mga lalaki sa eskuwelahan nila, maging ang mga guro na nagkakagusto dito ay naging nobyo nito. Nakakalungkot iyon sa parte niya dahil wala siya nang mayroon ang mga lalaking lumalapit dito. Ang tapang at lakas ng loob na magtapat ng nararamdaman sa dalaga at ang aura't paraang ng pananamit ng mga ito. Pero kahit na ganoon ang tingin ng mga tao dito, hindi niyon nabago ang pagtingin niya kay Tinee.

Hindi kasi siya mapanghusga katulad ng ibang tao. Hindi niya lubos na kilala ang dalaga kaya naman hindi siya naniniwala sa kahit na anong sabi-sabing kumakalat sa buong eskuwelahan kapag ang dalaga ang involve. Nananahimik na lang siya at tahimik din niya itong pinagtatanggol sa mga taong nais mang-brainwash sa kanya.

Naramdaman niya ang pagdunggol sa balikat niya kaya nabalik siya sa kasalukuyan. Lumilipad na naman pala ang isip niya sa kung saan-saang planeta. "What?" singhal niya sa nakangising si Galen nang balingan niya ito.

Nagkibit-balikat ito. "Wala lang. Ang corny mo kasi. Napaka-hopeless romantic mo pa. Ewan ko ba sa'yo kung bakit ang torpe-torpe mo. Wala namang mawawala sa'yo kung maging isa ka sa mga lalaking lalapit kay Tinee. Sabi mo nga, hindi naman totoo iyong mga kumakalat na balita tungkol sa kanya para sa'yo. Bakit hindi ka makipaglapit sa kanya para malaman mo mismo kung totoo nga ba iyon o hindi?"

Nagsalubong ang mga kilay niya at ibinalik ang tingin sa dalaga na kasalukuyang nagse-serve. Seryosong-seryoso ang tingin nito sa mga kalaban habang dini-dribol ang bola. At nang sa wakas ay paluin nito ang bola, gusto niyang mapasipol dahil deretso iyon sa babae sa kabilang court na sa tingin niya ay ang pinaka-mahina sa grupo.

Maybe this time (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon