Chapter Six

852 21 0
                                    

Present Day

PIKON na pikon si Tinee kay Xander nang araw na iyon. Ipinasa niya sa propesor nila ang thesis proposal na pinagpaguran at pinagpuyatan niya nang dalawang araw pagkatapos ay mare-reject lang. Hindi kasi niya nasagot ang mga tanong nito at hindi din niya kasama ang partner niya kaya napagtanto ni Mr. Castillo na siya lamang ang gumawa niyon.

Pagkatapos makipag-usap sa propesor ay agad niyang hinanap ang damuhong lalaking nagpapahirap sa buhay niya. Wala siyang pakialam kung ano man ang nakaraan nila. Kaya niyang iisantabi iyon, kaya niyang magpanggap na walang kahit na anong relasyong namagitan sa kanila basta maitawid lang niya ang natitirang walong na buwan sa buhay estudyante niya.

Para maging proud ang lolo't lola ko sa'kin. Para hindi sila magsisi sa lahat ng tulong, pagmamahal at pag-aalaga nila sa'kin noong nabubuhay pa sila.

Papasok na siya sa library nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone niya. Kinuha niya iyon sa back pocket ng pantalon niya 'tsaka sinagot nang hindi tinitingnan ang caller.

"Tinee, hija. Mukhang mainit yata ang ulo mo. May problema ba?" bungad sa kanya ng boses ni Atty. Hortaleza, ang abogado ng pamilya nila. Ang siyang pinagkakatiwalaan ng lolo't lola niya noong nabubuhay pa ang mga ito at siyang isa sa mga pinaka-malalapit na tao sa buhay niya.

Bumuntong-hininga siya at kinalma ang sarili. Ayaw niyang mag-alala ang matandang lalaki sa kanya dahil lang sa simpleng problemang hatid ng pinaka-antipatikong lalaki na yatang nakilala niya sa buong buhay niya.

"Lolo Uncle. Kumusta po?" masigla nang bati niya dito gamit ang nakasanayan niyang tawag sa matanda. Hindi pa siya ipinapanganak ay abogado na ito ng matatanda sa pamilya nila. At dahil ang nag-iisang apo nito ay nasa ibang bansa, siya tuloy ang pinagkakaabalahan nitong bantayan at alagaan. Ang sabi din kasi nito ay ibinilin siya dito ng lolo't lola niya.

"I'm okay. I'm actually outside your school. Yayayain sana kita sa store mo kung wala ka nang klase." sagot nito.

Napamura siya sa isip. Hindi nakikipagkita sa kanya si Atty. Hortaleza kung hindi lang din napaka-importanteng bagay ang pakay nito. O kung hindi naman, marahil ay nagsumbong na naman dito sina Yaya Izza at Tana sa mga pinaggagagawa niya sa buhay niya. Alam naman nitong maaari itong pumunta sa Sweets To Go kahit na anong araw at oras nito gustuhin, ginagawa naman nito iyon kahit noon pa pero ang yayain siya ngayon? Idagdag pa ang masyadong mabait na boses ng matanda... something's definitely wrong.

"Mamaya pa pong after lunch ang susunod kong klase, 'Lo. Wait for me po, I'll be right there." Bago pa makasagot ang matanda ay pinutol na niya ang tawag. Tiningnan muna niya ng masama ang loob ng library bago tumalikod. Pasalamat ang Xander na iyon at mas importante kaysa sa existence nito ang kailangan niyang puntahan, magiging payapa pa ang buong umaga nito.

Ngunit humanda ito sa kanya kapag nakita niya ito sa susunod nilang klase. Hindi niya patatahimikin ang kaluluwa ng damuhong lalaking iyon.

TINANGGAL ni Xander ang earbuds sa magkabilang tainga niya at nababagot na tiningnan ang babaeng nang-istorbo sa tahimik na pag-aaral niya. Hindi siya nasanay na nilalapitan ng kahit na sino kung wala lang ding kailangan ang mga ito sa kanya kaya nga hindi siya naging malapit sa mga kamag-aral niya maliban kay Galen. Kung nandoon lang sana ang matalik niyang kaibigan, may katulong siyang magtaboy sa babaeng 'to.

"Hi, Xander." malapad ang ngiting bati nito sa kanya.

"Can I help you?" kaswal na tanong niya. Bukod sa hindi siya sanay na nilalapitan ng iba, hindi din siya sanay na binibigyan ng nang-aakit na tingin at ngiti ng mga babae. Isang babae lang ang gumagawa niyon sa kanya at isang babae lang din ang tila nagmamay-ari ng buong sistema niya dahil sa tingin at ngiti lang nito nagkakaroon ng reaksiyon ang buong pagkatao niya.

Maybe this time (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon