A/N: isipin nyo nlng po na magkaiba ng kulay ng buhok yung twins
♡♡♡♡♡♡♡♡♡✩✩✩✩✩✩✩
※※※※※※※※※※※※※
London, England
Anna's POV
"We miss you Momma!!" Magkasabay na sabi ng dalawang lalaking nakayakap sakin ngayon.
"I miss you too boys." Sabi ko sa kanila at saka gumanti ng yakap sa kanila. Pagkatapos ko silang yakapin ay hinalikan ko sila pareho sa magkabilang pisngi. Natawa nalang sila sa ginawa ko.
Meet my two adorable son. My sweet little twins, identical twins to be exact. They are Dwight Kervin 'DK' and Knight Dylan 'KD' Vasquez, 4yrs. old. Si DK ang panganay at si KD ang bunso. Magkamukha talaga sila pero madaling malaman kung sino si Dwight at kung sino si Knight. Si Dwight kasi ay seryoso ang mukha at kulay brown ang buhok nya while si Knight ay laging nakangiti at mas light ang pagkabrown ng buhok nya. Pareho sila ng mukha pero magkaibang magkaiba ang ugali nila. Si DK kasi ay aloof sa tao at tahimik lang, while si KD naman ay bibo at madaldal. Magkaiba man sila ng ugali pero magkasundo sila sa lahat ng bagay. They are both smart and talented. Marunong na silang makaintindi ng tagalog pero may pagkaslang sila kapag nagsasalita.
Silang dalawa ang rason ko para mabuhay. I am very thankful na dumating sila sa buhay ko. And I will do everything para sa kanila.
Si Andrea/ Drea Cortez ang madalas kasama ng kambal. Pinsan sya ni Jake. Isa syang fashion designer dito sa London. Isa din sya sa mga business partner ko. Ang AA Fashion Boutique ang pag-aari nya, may shares din ako sa boutique nya pero sya ang mismong naghahandle ng business na iyon. Lagi syang may free time basta para sa kambal. Mas matanda lang ako sa kanya ng 3 taon, 24 sya, 27 naman ako at 29 naman si Jake.
"Si Momma lang namiss nyo boys?? Pano naman si Tito Pogi?" hirit ni Jake sa malungkot na tono. Tss. Nagpaawa nanaman ang isip batang mama nato.
Natatawa naman si Drea sa pinaggagagawa ng pinsan nya.
"Ofcourse Tito Pogi we miss you too. Right Twin?" Sabi ni Knight.
"Yes Tito, we miss you too" segunda naman ni Dwight sa kakambal nya.
Lumapit ang kambal sa tito nila at niyakap din ito. Natawa naman si Jake at ginulo ang buhok ng dalawa.
"Lets have our lunch boys. Gutom lang yang Tito nyo. Lika na Drea." Aya ko sa kanila.
Nagsisunuran naman sila agad at umupo na. Inasikaso ko agad ang kambal sa pagkain dahil mahilig silang magpasubo lalo na sakin.
"Kamusta naman ang kambal Drea? Kunulit ka ba ng dalawang ito?"Tanong ko kay Drea.
Ngumiti ito bago magsalita.
"Okay lang naman Ate Anna. Di naman sila ganun kakulit. Sobrang daldal nga lang ni Knight." Natatawang sagot nito sakin.
BINABASA MO ANG
Her Life
General FictionPaano kung sa isang punto ng buhay mo ay siniraan ka ng ibang tao? At naniwala sa kanya ang mahahalagang tao sa buhay mo.. Kahit ang pinakamamahal mo di ka pinaniwalaan. At pinagtabuyan ka. Sinabihan ng masasakit na salita na talagang dumurog sa pus...