Chapter 6

24 2 0
                                    

Levinn's POV

Hi! The name is Aidan Levinn Vasquez, I'm 30 yrs old. Younger brother ako ni Andrei na bestfriend ni Raizen which is kaibigan ko na rin. Ahead si Kuya Andrei sakin ng 2 years at 3 years naman ang tanda ko kay Tasia pero malapit naman kaming magkakapatid sa isa't- isa kaya magkasundo kami.

By the way isa din akong kilalang businessman dito sa Pilipinas di lang dahil sa isa din akong Vasquez. Kilala ako sa larangan ng Security Industry dahil hawak ko ang pinakakilalang Intellegence and Secutity Agency dito sa Pilipinas, the Emerald.

Ang Emerald ay ipinamana sa akin ng grandparents namin sa side ng aking ina. Tanyag ang Agency ko dahil sa top class Agents na nagtatrabaho rito. Investigator, detective, bodyguard, spy and even secret agent name it nasa Agency ko basta tungkol sa proteksyon, seguridad at kaligtasan ng mga kliyente ko ay maibibigay ko iyon sa kanila. Pinili at naturuang maigi ang bawat Agents na nagtatrabaho sakin. Ang iba sa kanila ay galing at nakapagtraining pa sa US Marines, FBI at kahit sa CIA. May sariling training camp din ang Emerald para sa mga bago at gusto pang mag-improve sa trabaho nila. Subok na ang galing nang mga ito at alam kong mapagkakatiwalan sila dahil mismong ang bunso kong kapatid na si Tasia ang kumilatis at nag-obserba sa mga ito.

Magaling ang kapatid ko pagdating sa pangingilatis at pagbasa sa kilos, galaw at kahit pa sa kung ano ang iniisip ng isang tao. Alam nya kaagad kung nagsisinungaling ang kausap nya at alam nya din kung may itinatago ito. She is a keen observer and almost a mind reader. Daig nya pa yung mga nakapag-aral ng psychology.

Si Tasia ang katuwang ko sa pagpapatatag at pagpapatibay ng Emerald. Dahil doon ay kilala at pinagkakatiwalaan ng mga tao ang Agency ko lalo na sa pagpapanatili ng seguridad at proteksyon sa mga tao.

Si Tasia ang sentro ng pamilya namin. Mahal na mahal namin sya at alam naming ganoon din sya sa amin. Sya ang prinsesa ng pamilya namin. Sa murang edad nya pa lang ay masasabi mong di pangkaraniwan ang kapatid ko, matalino sya at maraming alam gawin lalo na sa larangan ng business. Matalino naman kaming magkakapatid pero MAS si Tasia. Genius to be exact. Mga bata pa lang kami ay alam na naming ganun sya, matured sya mag-isip at maraming alam pero masasabi mong normal pa rin sya dahil mahilig syang makipaglaro at tumawa. Lumaki syang mahinhin at palangiti, malambing din sya lalo na sa parents namin at samin ding mga kuya nya. Protective kami sa kanya lalo na at marami syang manliligaw simula high school lalo na noong nasa college sya. Buti na lang at kay Raizen sya nahulog kaya alam naming maaalagaan sya nito. Nasaksihan namin ang pagmamahalan ng dalawang iyon at alam mong wagas at di madaling matibag.


Nakakalungkot lang na dahil sa maling desisyon namin ay nawala ang bunso namin.

Nilamon kami ng galit at nawalan kami ng tiwala sa kanya. Hindi kami nakinig sa kanya at nagalit pa kami nun at nasabihan sya ng masasakit na salita. Di ko rin alam kung bakit kami nagkaganon. Di namin napag-isipang mabuti ang mga pangyayari kaya lumala ang lahat. Naging makitid ang pag-iisip namin at nagpamanipula sa iba.

Noong nalaman namin ang totoo ay halos manlumo kaming lahat. Halos magwala ako noon dahil nagalit ako at nasaktan ko ang babaeng walang ibang ginawa kundi mahalin kami. Nasaktan namin ang prinsesa namin, ang bunso namin. Halos halughugin ko ang buong Pilipinas para lang mahanap si Tasia. Walang tulog, walang kain mahanap lang sya. Nagtulungan kaming lahat pero bigo kami. Alam naming ayaw nya magpahanap at ginawa nya ang lahat para makapagtago samin. Ginawa nya iyon dahil nasaktan namin sya ng sobra. Tuloy pa rin ang paghahanap namin, di kami tumigil halos ipadala ko na nga ang lahat ng tauhan ko sa ibat ibang panig ng mundo para mahanap sya pero hanggang ngayon wala pa rin. Kaya ngayon andito parin kami naghihintay sa kanya.


Her LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon