Mantsa sa aking paningin
Ang isang binaluk-an sa gitna
Ng aking bakuran. Kinimlit ko
Ito at itinapon sa dagat.
Pag-aari ko ang baybay, aking
Bakuran na ayaw kong pumangit
Dahil lamang sa isang binaluk-an.
Gabi ng araw na iyon, kapipikit
Ko pa lang ay giniba ng isang
Malaking alon ang aking bahay.
Lumabas ako dala ang ilawan.
Tumambad sa akin ang tone-toneladang
Binaluk-an na tumabon sa aking
Bakuran. "Isang binaluk-an lang
Naman ang itinapon ko ha!"
Kinaumagahan, dinalaw ko ang
Aking mga kapitbahay. Tumambad
Sa akin ang tone-toneladang
Binaluk-an na tumabon sa kanilang
Mga bakuran. Narinig ko ang
Kanilang nagtatakang
Mga dila,
"Isang binaluk-an lang
Naman ang itinapon ko ha!"
BINABASA MO ANG
Kurit and Other Poems
PoetryA poem is partly like a recipe. A poet has to have a cupful of experiences, a spoonful of creativity, a tinge of inspiration, and a bit of solitude. These pieces are combined and mixed without any external stirring but by a mere desire for self-expr...
