Gusto ko sana'ng humanga sa'yo
Nang ika'y umalis papalayo
Inihakbang mo ang 'yong talampakang
Hubad na 'di kumikilala ng malagkit na putik
Makirot na tinik
At lupang mainit
Inabutan kita ng tsinelas
Nguni't sinabi mong kaya ng 'yong yapak
Kaya lang nang ika'y nagbalik
At nakabili na ng sapatos na orig
At sanay na ang mga paang
Nakababad sa ginto't pilak
Sa lupa dito, kahit tigang
Ay ayaw nang tumapak
Pinasasakay kita sa kangga
Nguni't ika'y tumanggi
Tumalikod at lumisan ka
Naghanap at sumakay ng kotse

BINABASA MO ANG
Kurit and Other Poems
PoetryA poem is partly like a recipe. A poet has to have a cupful of experiences, a spoonful of creativity, a tinge of inspiration, and a bit of solitude. These pieces are combined and mixed without any external stirring but by a mere desire for self-expr...