Hoy, hangin, hanging malakas,
Tingnan mo ang punong matatag
Humalik sa lupa sa ihip mong marahas.
Sige, magsisi ka kung babait ang ahas.
Inuutusan mo ba ang bayaning malakas
Na kaniyang ibalik ang punong matatag
Sa dati nitong taas
At alisin ang sakit ng kaniyang dinanas?
Sige, ibahin mo ang iyong direksyon
Kung ito ay babangon
Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?
Sige, dahan dahan ka sa iyong pag-ihip
Nang sa iba ay huwag nang maulit
Ang kaniyang sinapit.
Ano pa ang silbi ng iyong paglambing
Kung may dalamhati nang sa kaniya ay sumiping?
Sige, sisihin mo ang iyong sarili
Kung iyan ay bago pa mangyari
Eh, di mabuti!
Kung maingat ka lang sana sa iyong pag-ihip
Marahil wala siyang nadatnang ganoong kaysakit
At marahil hanggang ngayon ang punong marikit
Ay namumunga pa ng bungang kaytamis...
BINABASA MO ANG
Kurit and Other Poems
PoetryA poem is partly like a recipe. A poet has to have a cupful of experiences, a spoonful of creativity, a tinge of inspiration, and a bit of solitude. These pieces are combined and mixed without any external stirring but by a mere desire for self-expr...