4: Stalker Sushi Boy

2.7K 133 29
                                        

"Magkaaminan nga tayo..." panimula ko sabay lapit para bumulong sa kanya, "Naka-drugs ka ba?"

Tiningnan niya ako ng masama at binigyan ng tingin na parang di makapaniwala na nagconclude ako ng ganon. Agad-agad kong kinuha mula sa kanya yung phone ko kasi baka maihagis niya sa inis.

"Baka hindi mo ako kilala?!" sabi niya. "Lahat ng estudyante sa school, kilala ako!"

Napatawa ako sa sinabi niya. "Ows? Talaga? Kasi... ikaw yung poser ni Kenji. Tama?"

Napakunot naman yung noo niya.

Humalukipkip ako, "Sige, ipagpatuloy mo lang yan. Ni hindi mo nga kamukha si Sul Woo Suk kahit may pagka-koreano nga yang mukha mo."

Napatawa siya sa sinabi ko. "Sul Woo Suk? At sino naman yun?"

"Yun yung pangalan nung imaginary character ni Kenji sa SDTG!"

"Alam mo, SDTG ka ng SDTG d'yan! Ano ba yun?! Atsaka... Malamang mukha akong koreano. Half-Korean ako eh."

"I-push mo yan ha?"

Tiningnan niya ako ng tinging nagtataka. "Anong i-push?"

Napaisip naman ako, "Like, i-pilit mo yan kaya i-push mo yan."

Napatawa siya, "Imbento mo? Ang pangit."

Wow ha?! Si Vice Ganda kaya yung nagpauso non!

Napatingin ako sa orasan. Shocks! "Anyway, tutal wala kang bahay, aalis na ako!"

"Pag umalis ka, patay ka sa akin!" pananakot niya pero tinawanan ko lang.

Tatawa-tawa akong umalis doon. May klase pa kasi ako eh. Major subject rin yun kaya kailangang present. Perfect kaya ako sa attendance every semester!

Habang naglalakad ako, lumingon ako para tingnan kung saan papunta si poser Kenji. Nakita ko namang hindi niya alam kung paano tatawid. Nakita kong napatingin siya sa akin at binigyan ako ng hand signal na mag stay sa pwesto ko.

Wahahaha! Posible kayang... first time niya sa Manila?! OMG! HAHAHA! Probinsyano pa yata siya!

Napatingin naman ako sa kanya ulit nang makarinig ako ng sunud-sunod na pag beep ng mga sasakyan. At nakita kong nagkaroon ng traffic dahil sa kanya! Hala! O__O

Maya-maya pa'y may lumabas sa kotse't galit na tinungo si Kenji. Papalapit pa lang ay alam ko ng badtrip yung lalaki kaya patakbo rin ako doon. Magsusuntukan na sila nang lumapit ako at inawat sila. Mabuti na lang at lumabas rin yung kasama nung lalaki at inawat rin siya.

Hinila ko naman si poser papalayo doon sa mga tao at dinala siya doon sa computer shop na pag mamay-ari ng pinsan ko. Yun kasi yung pinakamalapit na lugar na nakita ko eh.

Kinausap naman ako ng pinsan ko at tinanong kung sino yung kasama ko; kung boyfriend ko daw ba. Siyempre, humindi ako. Ayoko ngang maging boyfriend ang isang poser at probinsyano!

"Anong masama sa pagiging probinsyano? Eh gwapo naman?" tanong ng pinsan ko sa'kin kaya inirapan ko na lang siya.

Tumungo naman ako doon kay poser na aba't nakaupo na sa isang PC! Naglalaro pa ha?

"Ano na naman tinitingin tingin mo ha?" tanong nung poser na ito +_+

"Anong nilalaro mo?" maayos na tanong ko. Hindi kasi ako tambay sa computer shop kaya ngayon ko lang nakita yung nilalaro niya.

Man Who Came From The BookMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon