Disclaimer: I don't own the original SDTG characters. This is only a fan fiction of SDTG. Original characters & other lines belong to SGWannaB :)
* * *
"OMG ATHENA! GISING!!!" rinig kong sigaw ni... Sara?
Napa-mulat ako. "Ah...?"
"Anong 'Ah?'??? Hoy baliw ka! Late ka na!!!" sabi niya sabay hila sa akin para tumayo sa kama. "Di ba magkaklase tayo? 8 ang una nating subject noh!"
Napatingin ako sa orasan. 7:20 A.M!
Para tuloy akong binasa ng mainit na tubig kasi napagising ako talaga at napatakbo sa banyo para maligo. This is why I hate first day of classes eh!
"Tulog mantika ka kasi," rinig ko pang komento ni Sara habang nag shoshower ako.
Nagtatakbo naman kami ni Sara papunta sa kotse niya. Doon na rin ako nagmake up sa kotse.
"Ginising kita and wala man lang akong natanggap na thank you," pabulong na sabi ni Sara kaya napatingin ako sa kanya.
"Thank you," sabi ko sabay belat sa kanya.
Tatawa-tawa kaming bumaba ng kotse nang mai-park ni Sara yung kotse niya doon sa malawak na parking lot sa aming school.
Papunta pa lang kami sa aming department (which is ang Arts department kasi I'm taking a course related to arts) nang mag vibrate yung phone ko. Dahil sa pagmamadali, sinagot ko na lang yon na hindi tinitingnan kung sino yung tumawag.
"Hello? Who’s this?" tanong ko habang umaakyat kami ng hagdan.
“(Kilala mo ko)" sagot nung nasa kabilang linya.
"Athena, look. There's a hot guy pala na highschool!" rinig kong sabi ni Sara kaya napatingin ako sa tinuturo niya.
Pagtingin ko, yung tinuro niya is... yung tinuro niya sa akin na nasa Starbucks. Dahil katapat lang ng aming building ang highschool department, kita namin yung hallway nila.
“I don't know kung sino ka. Bye―"
“(Nasan ka? Patay ka sa'kin pag nakita kita Athena Santiago.)"
Napalunok ako sa sinabi niya. Sino naman tong― “SINO KA BA HA?!”
“(Si Sushi.)”
Pagkasabing pagkasabi niya nun, napatawa ako ng malakas. Napatingin pa nga yung iba sa akin eh. Tinanong pa ni Sara kung okay ako.
"TRICK SOMEONE ELSE, YOU A*SHOLE!!!” sabi ko sabay end ng call.
BINABASA MO ANG
Man Who Came From The Book
RomanceFeatured Story: She's Dating the Gangster | Other featured stories (cameos): 3W8L, MDTP, A and D, & etc.
