Man Who Came From The Book

17.7K 247 42
                                    

FAN FICTION:

Man Who Came From The Book

Alternative Title: My Sushi Boy (2014)

(A/N: Sa mga hindi pa nakakabasa ng SDTG, hindi kayo maka-relate dito kaya h'wag niyo na lang itong basahin Hahaha! Pero sa mga nakabasa na, lalo na yung Tagalog ver., feel free to read it~)

* * *

"Hay nako, si Athena,  iiyak-iyak na namern!" rinig kong sabi ni Sara habang inaalis ko agad yung mga luha ko sa mata ko.

"*sniff* Ano bang *sniff* masama sa umiyak? *sniff* Eh sa nakakaiyak talaga eh *sniff*"

"Eh ba't mo kasi yan binabasa ulet? Pang dalawampu mo na ata yang beses eh!"

"Eh ang ganda eh T__T" sabi ko naman habang niyayakap itong print-out ko ng SDTG.

"Baliw ka talaga"

Hi. I'm Athena Santiago. I'm a 2nd year college student, and a certified wattpader!

Wala kaming klase ngayon kasi bakasyon na! And yes, incoming 3rd year na ako next sem. Hurray! Wala rin naman kaming summer classes! More hurray for that :D/

Ngayon, nasa may basketball court kami dito sa aming barangay. Sinamahan ko itong si Sara sa kanyang panunuod sa kanyang boyfriend. Wala naman akong interes sa panunuod ng basketball kaya dinala ko na lang itong kopya ko ng She's Dating the Gangster; yung orignal!

At hoy, di ito illegal kasi noong 2008 pa ako may kopya noh! Pinamimigay e!

Kung bakit ko paborito ang SDTG? Maganda kasi yung story! Dami ko na ngang beses na naulit ito eh! Tapos kapangalan ko pa yung bida! Tapos yung bestfriend ko, Sara rin ang pangalan! Feeling ko tuloy, ako si Athena! Hihi >u<

"Oh my gosh Athena, did you see it? Did you see it?!" rinig kong sabi ni Sara sa akin habang kinakalog ako.

"Huh? What did you see ba?" tanong ko habang dahan-dahan kong inaayos yung print-out ng SDTG ko.

"Tumingin sa akin si boyfie! What is air, Athena?!"

"Well, air is the invisible gaseous substance surrounding the earth, a mixture mainly of oxygen and nitrogen..." sagot ko sa kanya kaya napa-poker face siya sa akin at mamaya-maya'y binatukan  na nga po ako.

Tawa-tawa naman kaming bumaba ni Sara doon sa bleachers dahil tapos na yung game.

* * *

"Hanggang umaga na naman si Athena sa harap ng iPad n'ya" rinig kong sabi ni Mama habang sinasaksak ko pa lang yung Wi-Fi namin.

"Ang exagge naman nito! Hanggang 10 lang naman ako! Promise" depensa ko.

Eh, di ko naman masisisi si Mama sa kanyang sinabi. Hihi. Madalas kasi, mga 2 A.M. eh gising pa ako sa kababasa sa wattpad. Pero di ko matigilan eh. Ang saya kaya! Tapos kilig kilig ako. Hihi!

Man Who Came From The BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon