3: Talking to Sushi Boy

2.8K 131 38
                                    

"ANONG SUSHI BOY POSER EDITION?!" tanong niya sa akin na pasigaw kaya sumakit ang tenga ko.

"Wattpad! Ikaw yun di ba? Napakaposer mo! Role player ka! Bakit yun yung screen name mo ha? Akala mo siguro, sisikat ka pag ginaya mo si Kenji no?"

"Bakit ikaw? Hinde ka naman mukhang PRINCESS, pero bakit Princess Athena screen name mo?" tanong niya sa akin kaya napa-face palm ako.

"Eh fan nga ako ng SDTG!" pagpupumilit ko. "At saka, paki alam mo ba?!"

"Paki alam mo rin rin ba?" tanong niya sa akin.

Aba't! Kainis ito!!! Ayaw pang aminin na isa siyang poser!

Bigla namang tumunog yung pang broadcast nung school sa amin, "Attention! May nakapasok sa ating paaralan na hindi estudyante. Kung nakita niyo siya, pakibigay alam ang kanyang kinaroroonan. Nakasuot siya ng ating uniporme at sinasabing siya si Kenji Delos Reyes."

Napatingin ang lahat sa kausap ko. Napatigil rin naman yung lalaking ito at tinuro ang sarili niya. "Ako? Hindi estudyante? Nagpapatawa ba sila?"

"Ang makakapagdala sa lalaking ito sa guidance office ay mabibigyan ng 10 bonus points sa lahat ng subjects sa darating na exam."

Napatingin ang lahat sa kanya kaya bago pa sila nakakilos ay hinila ko na agad itong poser na ito papunta sa office. Siyempre naging mahirap yon dahil hinabol talaga kami ng bonggang bongga ng mga kaklase ko at nung mga iba pang nakakita sa amin.

Pero mabuti na lang, hindi ako nagpatalo. Yon lang, halos hikain ako nang makarating sa office.

Bago ako makalabas sa office ay hiningi ko muna kay Ma'am yung patunay na magkakaroon ako ng bonus points. Kailangan ko ring makasigurado no!

"Hindi kita mabibigyan kasi applicable lang yung points sa mga highschool," deklara ni Ma'am kaya parang gumuho ang mundo ko. Nakita ko namang napatawa itong poser na ito sa akin +__+

"Ang unfair naman po! Nagpakahirap po ako! Halos hikain ako para mapadala yang poser na yan dito!" apila ko naman.

"Eh ganun talaga. Sorry," sabi naman ni Ma'am kaya napatungo na lang ako. Letse!!!

Lalabas na sana ako nang marinig ko si Poser na nagsalita, "Hoy. Hinde ko pa nakakalimutan na may atraso ka sakin. Mamayang labasan, humanda ka sa akin."

Napatawa ako at nilingon ko siya, "Lakas din ng trip mo no? Eh hindi ka nga dito nag-aaral eh!"

"Sinong may sabing hindi ako estudyante dito ha?" sabi niya sabay kuha ng gamit sa bulsa niya. "O eto, I.D. ko!"

Lumapit ako para silipin yung I.D. kuno niya, "At talagang nag effort ka pang gumawa ng I.D. ha."

Man Who Came From The BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon