10: Shopping with Sushi Boy

1.5K 96 18
                                        

"Uy! Anong ginagawa mo dito?" bati sa'kin ni Luke.

OMG THE FEELS~~~

"Sinong kasama mo? Yung ano ba? Yung... pinaka-usapan mong tumira sa apartment namin?" tanong niya.

"Ha? Ah... Oo..." sagot ko.

Tumango tango siya, "D-day niyo ba 'to?"

"Ha?"

"Dateday," sabi niya sabay smile sa'kin.

OMG. Ang gwapo talaga niya! Siya nga crush ko eh! Pero atin atin lang. Hihi *__*

"Aah. DATE?! Hinde ah! Driver kasi siya ni Mama."

"Ha? Driver? Di nga? Di ba kayo?"

Napalaki mata ko, "UY HINDE AH!!!"

"Hinde?"

OMG. Nagseselos ba siya? Di kaya... crush rin ako ni Luke? OMG!

"Uy sige Athena, mauna na ako. Pupuntahan ko pa si Abby," sabi niya.

Oh right. May girlfriend nga pala si Luke kaya imposibleng may crush rin yun sa'kin. Ahuhu T__T

"Aah... Oh sige, ingat ka!" sabi ko atsaka ngumiti sa kanya.

Ngumiti naman siya atsaka umalis na.

Pag alis niya, tumalikod na ulit ako para hanapin yung CR. Pagtingin ko naman sa may right side , nandun pala yung C.R.! Grabe, ba't di ko yun nakita kanina? Siguro dahil nakita ko si crush kaya ganern. Ahihi lande!

Paglabas ko galing C.R. (dahil nakapag retouch na me XD), nakita ko si poser nag aabang sa may tapat ng pinto.

Grabe! Kung andun siya, baka mapagkamalan siyang namboboso!

Lumapit ako sa kanya, "O? Bakit nandito ka? Tapos ka na kumain?"

"Bakit ang tagal mong mag C.R.?" tanong niya na parang inis na inis.

"Eh ano bang pakialam mo?"

"Madami!!!"

Madami? Bakit? May pakialam ba siya sa'kin? Sa mga ginagawa ko at mga gagawin ko? Ni hindi nga kami eh! Sino siya para mainis dahil ang tagal ko mag C.R.?! Nilibre ko na nga siya eh!

"Bakit ba kasi kailangan mong malaman kung ano yung mga gagawin ko? Pati, bakit inintay mo pa ko sa tapat ng C.R.?!"

"Wala lang... Kasi.. Akala ko umalis ka ng hinde nag sasabi... Ginawa mo yun sa'kin eh! Nung nasa arcade! Kaya... pumunta ako dito, para intayin ka. Bakit ba kasi ang tagal mo?"

"Hinde ko kasi nahanap kaagad yung C.R.," simpleng paliwanag ko.

"Ah―"

Man Who Came From The BookMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon