"Patuluyin mo muna ako sa bahay niyo," mala-hari ang tono na sabi niya nang makalapit siya sa akin.
"Hah! Wooow. May patago ka yata? Lakas mo maka-utos ah!"
Humalukipkip siya, "Babayaran naman kita eh."
"Kahit 10K ang isang araw?" tanong ko.
Tumingin siya sa akin at sumeryoso ang mukha, "Maganda ba ang bahay niyo?"
Napaisip ako, "Mabango yung bahay namin..."
Hindi naman siya nagsalita kaya sumeryoso ako, "Ba't ba ayaw mo na lang kasing amining nananaginip ka na ikaw si Kenji?"
Tumingin siya sa akin at napakamot ng ulo, "Hindi ko nga maintindihan. Parang may mali sa mga nangyayari."
This time, ako naman ang napakamot, "Wala ka ba talagang pera? Sa hotel ka na lang tumuloy!"
"Sinubukan ko na kanina pero ayaw gumagana ang mga cards ko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko rin matawagan ang mga kilala ko. Hindi ko talaga alam kung bakit ganito... Help me. I'm lost."
Tinitigan ko siya at mukhang hindi naman siya umaarte. Uh... hindi nga ba siya naarte? Totoo ba talagang hindi niya alam? Pero... hindi ko maintindihan kung dapat ako maniwala. Paano kung... magnanakaw 'to?!
OMG. Paano nga?! O__O
"Pwede kitang tulungan pero hindi ka pwe-pwedeng tumuloy sa'min," deklara ko kaya napatunganga na lang siya sa akin.
"Bakit?"
"Anong bakit? Malamang! Stranger ka kaya! Ba't kita patutuluyin?"
"Kahit isang araw lang?"
Isang araw... Well, hindi naman siguro... Uhh...
"Wala lang talaga akong matutuluyan..." rinig kong sabi pa niya.
Napatingin ako sa kanya and he's... pouting!!! Wth? Is he trying to make me have a heart attack dahil dun?!
Pero sorry, kahit cute siya pag naka-pout, hindi pwede. Kami lang kaya ni Mama ang nakatira sa bahay! Walang lalaki dun! Kaya I'm 100% sure na magagalit lang si Mama kung sasabihin ko sa kanya >__<
"Anak?"
Napatalon ako sa bigla nang marinig ko ang boses ni Mama. Paglingon ko, nakita ko si Mama habang nasa loob ng aming sasakyan. Uh-oh. Malapit nga pala yung workplace niya sa aming school!!!
"Labas niyo na?" tanong niya sabay tingin sa orasan.
"I thought hanggang 4 class mo?" sabi pa niya sabay tingin kay... uh-oh.
Nakita kong biglang kuminang ang mata ni Mama. "Is he your boyfriend?" tanong niya sabay ngiti. "First day na first day, nakabingwit ka ha! Or... hindi kaya... matagal na kayo pero nililihim mo? Ohh... kaya pala nagpupuyat ka para mag iPad ha!"
Whut?! Ano namang conclusion yung sinasabi ni Mama?! Is she out of her mind?!
"Ma―" natigilan ako nang malaman kong hinawakan niya yung kamay ko O__O
"Hello po" bati niya kay Mama.
"Ipakilala mo naman ako sa mommy mo," sabi pa niya sabay tingin sa akin na parang may pinapahiwatig.
BINABASA MO ANG
Man Who Came From The Book
Storie d'AmoreFeatured Story: She's Dating the Gangster | Other featured stories (cameos): 3W8L, MDTP, A and D, & etc.
