12: HHWW with Sushi Boy

1.7K 94 32
                                    

Thursday na ngayon. At hanggang ngayon, di ko pa rin malimutan yung 'nangyari'. Masisisi mo ba ako? Eh first ko yun?! Tapos, sa lasing pa! Lecheng fairy tales!

Anyway, PE time namin. Oo, may P.E. pa rin kami kahit 3rd year college na! Sa school kasi namin, dapat apat na P.E. ang matapos mo.

Nag palit na kami ni Sara ng P.E. uniform. Mabuti na lang, kaklase ko rin siya sa P.E. kahit ibang block niya! :D

Shorts at shirt yung pang P.E. namin. Volleyball kasi napili kong P.E. this sem. Next sem, baka Running na lang kasi wala na kong mapili. Ayoko mag swimming LOL

Pag labas ko ng C.R., dumiretso na ako sa may bleachers ng gym para ilagay yung damit ko sa bag.

Habang nilalagay ko yung damit ko dun, biglang tumunog yung phone ko. Pagtingin ko, si Poser -_-

"ANO YANG SUOT MO?!" tanong niya sa kabilang linya.

Napatingin naman ako sa buong paligid para hanapin si poser.

"MAGPALIT KA NGA NG JOGGING PANTS!!!" sabi pa niya.

"Nasa school ka ba namin???" tanong ko habang inaayos yung buhok ko.

Ugh, na-conscious tuloy ako!

"Atsaka, ito yung P.E. uniform namin eh. Bakit ba!?"

"PAG HINDE KA NAG PALIT SISIRAIN KO YANG DAMIT MO!"

"EDI SIRAIN MO! ETO NAMAN TALAGA YUNG UNIFORM NAMIN!"

"EH ANG DAMING LALAKI D'YAN! KITA KO!"

"EH MALAMANG, MGA KAKLASE KO! BASKETBALL NAMAN SILA!"

"EH KAHIT NA! MAGPALIT KA!"

"EDI AABSENT AKO?!"

"OO, UMABSENT KA!"

Aba't! +__+

"A-ABSENT KA O HAHALIKAN ULIT KITA???" tanong niya kaya naalala ko yung nangyari kaya naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko.

"AABSENT!" nakanguso kong sabi.

"Good," text niya. "Tingin ka sa kaliwa, andun ako."

Napatingin ako sa kaliwa. Nakita ko namang ngumisi siya at ginamit ang kamay niya para sabihing pumunta ako dun sa kanya.

Bineletan ko lang siya at inirapan. "Merong (메롱)*!" bulong ko sa sarili ko. [*means children's word or sound in Korean used to tease by sticking out one's tongue]

Akala niya siguro, aabsent na lang ako ng ganun ganun? HUH!

Narinig ko naman ang pagtawag sa'min ni Ma'am.

Nagsimula naman yung klase namin. Habang nagdidiscuss naman si Ma'am, biglang nawala ang atensyon ko sa kanya.

Man Who Came From The BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon