THI 10

3.9K 41 0
                                    


Chapter 10

One week...

One week nang nakalipas matapos ang insidenteng iyon, one week na din ang nakalipas magmula nang maramdaman kong unti unting umiiwas sa akin si Trace. Ewan ko kung anong problema nya at iniiwasan nya ako. Ang babaw naman kung nang dahil lang sa nahalikan nya ako kaya sya umiiwas. To think that was not a real kiss!, kung tutousin naglapat lang naman ang mga labi namin eh binigayn nya lang ako ng hangin and nothing happen.

Pero kasi wala na akong maisip na ibang dahilan kung bakit nya ako iniiwasan.

Hayyy.

Nang pauwi na kami galing sa Falls, halos hindi na ako nito imikin. Ni ang pagtabi nga sa akin hindi nya magawa. Para tuloy akong may sakit na nakakahawa. Kahit noong pauwi na kami galing sa barkada outing, magkatabi nga kami sa bus pero parang wala naman akong kasama. Ayoko namang magdaldal ng magdaldal, sige ang kuda ko pero ang kausap ko ayaw akong pansinin? Ni kausapin? Muka naman akong tanga non noh! Para akong nakikipagusap sa hangin.

Aishhtttt

Napasabunot nalang ako sa buhok ko. Mababaliw na ako kakaisip sa kung anong dahilan ni Trace at iniiwasan nya ako. Tulad ngayon. Nandito kaming lahat sa gym, naghihintay ng announcement pra sa OJT. Ngayon na daw kasi sasabihin kung saang ahensya kami maaasign.

Tahimik lang akong nakaupo, habang sila naman ay kuda ng kuda. Kung ano anong mga pinag uusapan nila. Minsan nakikisali si Trace sa usapan at kapag ako naman ang magsasalita, bigla itong tatahimik. Nakakinis lang talaga!

"Leigh, bakit ang tahimik mo?" tanong sa akin ni Jayson. Tinginan ko sila isa isa, including him na naka yuko sa kanyang cellphone.

"Im not in the mood, mag usap lang kayo dyan. Mahirap naman kasing makisali sa usapan lalo na kung magsasalita ka, then may biglang mananahimik. Nakakayamot lang, guys may I ask? Mabaho ba ang hininga ko? May sakit ba akong nakakahawa?" tanong ko sa kanila. Isa isa naman silang umiling. Sa mantalang sya naman ay nanatiling nakayuko.

"Tsk! Nakakapika na! guys balitaan nyo nalang ako kung anong announcement Im outa here!" paalam ko sa kanila at lumabas ng gym. Naglakad ako palabas ng campus at pumunta sa tindahan para bumili ng yosi. I was about to lit a hit ng may biglaang kamay na kumuha ng yosi ko at tinapon ito. It was Trace Tsk.

"Ano bang problema mo ha?" napipika kong tanong sa kanya.

"We have a deal remember?" sagot naman nya at hinila ako pabalik sa loob ng campus. Nagpumiglas ako at naglakad papunta sa pedestrian lane. Tutal naman naiinis na din ako better to cool down. Nasa kalagitnaan na ako ng pagtawid ng muli ko nanaman maramdaman ang kanyang kamay sa braso ko. Hinala ako nito kung kaya mas napabilis ang paglalakad ko.

"Putang ina naman Trace! Ano ba talagang problema mo ha?" pasigaw kong tanong sa kanya. Wala nanaman akong nakuhang sagot galing sa kanya, at muli nanaman ako nitong hinila.

"Saan mo ba ako balak dalhin? King ina kanina ka pa hila ng hila ha" nagpupumilit pa din ako sa pagbaklas sa kamay nya pero useless, mas malakas sya sa akin. Nakarating kami sa likod ng puno ng Acacia, padaskol ako nitong iniupo sa bench. Tatayo palang ako pero muli ako nitong hinila para maupo.

"Tang ina naman! Naiinis na ako sayong lalaki ka! Ni hindi mo ako magawang kausapin at ramdam kong iniiwasan mo ako, Ako na nga itong umiintindi diba? Gusto mong umiwas? Ok Fine! Ako nang iiwas, nakakahiya naman kasi sa'yo diba? Wala akong matandaang ginawa ko para iwasan mo ako. Pero putragis naman Trace! Hindi ako manghuhula para hulaan kung anong problema mo. May dila ka naman at hindi ka pipi para hindi mo masabi sa akin kung ano ba talagang problema!?" nang gagalaiti kong sigaw dito.

Taking his InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon