THI 20

3.5K 55 0
                                        

Chapter 20

Kararating ko lang galing sa isang oras na pag jo-jogging. Kaagad akong dumiretso sa kusina at binuksan ang ref para kumuha ng malamig na tubig para maibsan ang uhaw ko.

Nandito ako sa bahay ng isa kong lola; sa mother side. Ako lang mag isa dahil nagpaalam ang mga pinsan ko na mag oovernight sa mga kaybigan nila.

Ibinalik ko ang pitsel na may lamang malamig na tubig sa loob ng ref, sakto pagsara ko ng pinto nito ay napatingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa gilid. Lumapit ako dito at tinaggal sa pagkakasabit.

Hayyyy isang lingo nalang pala at isang bwan na, isang bwan nang walang paramdam si Trace, isang bwan na din akong umaasa na isang araw pagbukas ko ng pinto sya na kaagad ang makikita ko.

Naulinagan ko ang ugong ng sasakyan at naisip na ang mga pinsan ko ito, marahil bumalik dahil may nakalimutan.

Muli kong ibinalik sa pagkakasabit ang kalendryo at nagtungo sa main door.

Malakas akong napasinghap nang makita kung sino ang nasa labas. Hindi ang mga pinsan ko kungdi ang taong inaasam asam kong makita.

"Lord Thank You! Ang bilis nyo naman pong dininig ang hiling ko." Piping usal ko

"Hi? Pwedeng pumasok?" tanong niyo.

Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto at pinatuloy ito, nauna akong naupo sa sofa para hindi nito mahalata ang panginginig ng mga tuhod ko.

"Anong ginagawa mo dito?" pasuplada kong tanong.

"I came here because I want to see you and talk to you"

Pucha kumalma ka puso! Wag kang magpahalatang natuwa ka sa narinig mo!. My heart was beating like crazy. Halos naririnig ko na ang pagpintig nito sa sobrang lakas. But no! mag pa hard to get ka muna ngayon Leigh. Para naman aware syang naging miserable ka ng mga panahong hindi ka nya pinapansin.

"Talk about what? Wala na tayong dapat pang pag usapan hindi ba? Ikaw ang lumayo so I assume na hiwalay na tayo"

"No!, I mean Im sorry kung hindi ako nagparamdam sa iyo. Sorry kung hindi kita nagawang kamustahin at hindi man lang kita nagawang tawagan para malaman kung ok ka lang ba?"

"Are you done? Pwede ka nang umuwi. Baka biglang dumating ang mga pinsan ko"

"I think they don't mind. Muka namang clueless sila sa nagyari sa atin kaya ok lang sa kanila na patuluyin ako dito."

Huh? Ang tinde! So planado na pala nila ito? Kainaman talaga ang mga pinsan ko tsk.

"Fine kung ayaw mong umalis, bahala ka sa buhay mo." Tumayo ako para tunguhin sana ang daan papunta sa kwarto ko ng maagap nitong mahawakan ang kamay ko.

"It's long drive mula sa bayan papunta dito. Dapat kanina pa sana ako nandito kaya lang naligaw ako"

"Sino ba kasing nagsabing pumunta ka dito? Tapos ngayon magrereklamo tsk" mahina kung bulong habang bumalik sa pagkakaupo sa sofa. Pinagkrus ko ang mga braso at iniiwas ang mukha sa kaharap.

Naramdaman kong lumundo ang sofa sa tabi ko senyales na lumipat ito ng pwesto at naupo sa tabi ko.

"Sorry na, sorry kung natagalan bago ko na realized na tama ka. It was all in the past so dapat na nating kalimutan. Sabi mo nga nagyari na. Hindi naman natin hawak ang sitwasyon. Wala namang may gusto na mangyari iyon."

"Paano mong nalaman kung nasaan ako?" tanong ko sa kanya.

"Sinabi sa akin nila Arj."

"Mga bruha talaga" bulong ko.

Taking his InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon