Chapter 9
Tanghali na nang magising ako kinaumagahan. Pinakiramdaman ko kung may mga kasama pa ba ako o ako nalang ang mag isang naiwan dito sa kwarto.
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata at naghihikab na tumingin sa magkabilang side. Hayyy... Ako nalang pala ang nandito sa loob. I wonder kung ano nang mga pinag gagawa nilang lima.
Tumayo ako para kahit papaano ay mag exercise. Unat ng katawan sa kanan... sa kaliwa.. Jog ng konti.. paikot ng bewang at ang ang pinaka last ay dumukwang ako para abutin ang mga paa. Bigla namang bumukas ang pinto, naka dukwang na tinignan ko kung sino ito. It's Trace.
"Good Morning" nakangiti kong bati dito. Napansin kong parang nanigas ito sa kanyang kinatatayuan.
"M-mag bihis ka-ka nga muna" sagot nya nang naka tingin sa gilid. Umayos ako ng tayo at lumapit dito.
"Problema mo? Anong mali sa suot ko?" takang tanong ko. Tinignan ko naman ang sarili ko sa katapat na salamin na kita hangang hita. Ahhh kaya pala tinigasan este nanigas sa kinatatayuan ang isang 'to.
Nakasuot kasi ako ng sando na malaki ang ukab sa gilid na umabot hanggang sa baba ng dibdib ko. Maging ang neckline nito ay malalim ang ukab. Mas kita ang mga pisngi ng dibdib ko dahilan sa wala akong suot na bra.
Actually hindi naman talaga sa akin ang sando na ito. Kay Trace ito. Ever wonder kung paanong ito ang naging suot ko?.
Dahil nga sa lasing lasing chenes ko. Halos sila Arj at Carlyn ang nag asikaso sa akin. "Pambihira naman! Nakaligo na ako eh, tapos mababasa ulit ako? malamig na kaya!" reklamo ni Carl habang magkatulong nila akong dinadala sa Cr para makapagbanlaw.
"Wag nang magreklamo" sagot naman ni Arj.
Nang makarating na kami sa loob ng Cr tsaka ako nagmulat. " Girls, kaya ko na to. Sige na doon na kayo. Salamat" pinaalis ko na sila at sinara ang pinto. Hinubad ko na ang lahat ng saplot ko at nagsimulang maligo. Mabilis kong tinapos ang paliligo. Bukod sa nakaramdam na ako ng lamig. Inaantok na din ako.
Napamura nalang ako ng mapansing wala pala silang nadalang twalya.
May gising pa kaya sa kanila? Tsk naman oh!
"Arj? Carl? Gising pa kayo? Paabot naman ng twalya pls? wala palang nadala e" tawag ko sa mga ito. Peste maging ang damit na susuotin ko hindi din ako nakapag handa!.
Nakarinig ako ng katok sa pinto. Tinanggal ko sa pag kaka lock ang pintuan at isinilip ang ulo sa labas.
"Oh" nakatalikod na inabot sa akin ni Trace ang pink kong twalya. Nagpasalamat naman ako dito at isinara ang pinto. Matapos matuyo ang sarili, nanatili pa ako ng ilang minuto sa loob ng cr. "Papaano kaya ako makaka da moves kay Trace ngayong gabi?" mahina kong kausap sa sarili habang naka upo sa toilet bowl. Hawak ko ang hugpulan ng twalya ng bigla, may ideyang pumasok sa isip ko.
Lumabas na ako para kumuha ng mga damit. Nakita kong nakaupo sa lapag si Trace habang nakatingin sa kanyang cellphone mukhang may katext sya.
Tahimik? Bakit kaya?.
Nang tuluyan na akong nakalabas sa Cr, nakita kong tulog na ang mga kasama namin.
"Bakit gising kapa?" tanong ko kay Trace habang papunta sa luggage bag ko.
"Ugali mo ba talagang hindi magdala ng damit sa banyo kapag maliligo ka?" pangaral nito sa akin ng mapansin nyang nakatapis lang ako ng twalya. Madadaanan ko kasi sya dahil nasa kabilang gilid nya naka lagay ang luggage bag ko.

BINABASA MO ANG
Taking his Innocence
Ficción GeneralKayleigh De Vera is used to getting whatever and whomever she wants. The premier naughty girl in town, she's a play girl who's bedded half the city. And when the newest item caught her attention she will poses a challenge- even foe her bestfrien...