Chapter 12
"Whaaaa, Finally tapos na din ang mga pahirap na araw!" sigaw ni Arj. Ngayon kasi namin natapos ang mga requirements para sa portfolio na syang magsisilbing record namin habang kami ay nasa OJT. Maging ang System na aming ginagawa ay tapos na din at na I defence na namin ito sa board. Hindi man ganoon kataas ang grades na aming nakuha basta pasado ay ayus na sa amin.
"So ano nang plano after?" tanong ko sa kanila habang naglalakad. Papunta kami ng plaza para tumabay at magpalipas ng oras.
"By Friday Chirstmas ball diba? May mga outfit na kayo?" Si Carlyn ang sumagot. Huminto kami sa tapat ng pedestrial lane at hinintay na huminto ang mga dumadaang sasakyan bago tumawid.
"Shades of green and red ang motif diba? I have dress na may shades ng green at red. Kaya lang nasuot ko na ang mga iyon pamasok kapag wash day. Kayo ba?" isa isa ko silang tiningan. Umiling sila Jayson at Jayden bilang sagot.
"Meron ako kaso tee shirts naman. Alangan namang pumunta ako sa Christmas Ball naka Jeans at T shrit? Ang eww ha" maarteng sagot naman ni Carlyn.
"Wag na tayong tumuloy sa plaza, shopping nalang tayo tapos hanap ng pwedeng ma OOTD" suhesyon ko sa kanila. Lahat naman sila ay sumang ayon.
Imbes na maglakad papuntang plaza, sa terminal ng mga tricycle kami dumiretsyo at nagpahatid sa Savemore mall.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na din kami sa Mall. " Guys, maghiwa-hiwalay muna tayo ha? hindi naman kalakihan itong mall. Tapos after two hours kita nalang tayo sa food court ok?" sabi ko sa kanila. Nagtataka naman akong tiningan ng mga ito.
"Alam nyo namang mabagal akong pumili ng damit diba? Tsaka paikot ikot din ako ng stalls." Paliwanag ko. Sana lang kumagat. Gusto ko kasing mapagsolo kami ni Trace.
"Ayy oo nakakapagod kasama sa shopping si Leigh. Napuntahan na, tapos babalikan pa ulit. Di naman bibilhin." Ani Arj. "Kurak. Kaya geh kami nalang ang magkakasama. Kita nalang mamaya sa foodcourt" paalam nila at nagsimula ng lumakad paalis.
Nagmadali akong lumakad at nagtago sa isang coffee shop. Inilabas ko ang cellphone at tinext si Trace.
"Nandito ako sa coffee Shop malapit sa pwesto bago tayo naghiwalay kanina" message sent. Maya maya nag reply ito.
"Ok wait me im on my way"
Naghintay ako ng dalawang minuto bago ko ito nakitang papalapit sa pwesto ko.
"Buti nakapuslit ka kaagad sa kanila?" bungad ko.
"Sinamantala kong busy sila sa pagpili ng damit tapos iyong dalawang babae nasa fitting rrom" tugon nito. Nagsimula na kaming pumunta sa mga stall ng damit. Sa unang stall may nakita kaming dress at polo na may shades ng green at red. Tiningnan ko kung maganda ang tela.
"Manipis, ayaw ko nyan" kontra kaagad niya. Binitawan ko na ang hawak na damit at muling pumili. Nakailang lipat na kami ng stall at panay hindi namin nagugustuhan . Kung hindi kasi maninipis ang tela, mahal at hindi bagay sa amin.
Napadaan kami sa isang stall na kung saan napabalik tingin ako. Pinagmasdan ko ang nakadisplay. Isang couple dress at shirt. Hinila ko kaagad ang kamay ni Trace at pinuntahan ang mismong nakadisplay. Lumapit naman sa amin ang sales lady para I assist kami.
"Ate pwede pong makita iyong sample? Tignan lang po muna namin if kasya sa amin. Thanks po" umalis naman ang babae at sinabing kukunin lang ang sample.
"What do you think? Maganda ang tela nito. Not too short and revealing." Nakangiti kong tanong sa kanya habang hawak pa din ang dress na naka display.

BINABASA MO ANG
Taking his Innocence
Fiksi UmumKayleigh De Vera is used to getting whatever and whomever she wants. The premier naughty girl in town, she's a play girl who's bedded half the city. And when the newest item caught her attention she will poses a challenge- even foe her bestfrien...