THI 8

3.9K 47 0
                                        

Chapter 8

"Finally were here!" sigaw ni Arj pagtapak namin sa mismong buhangin ng Ragara Beach Resort. Masasabi kong maganda nga ang lugar na ito. Maraming puno ng niyog, pino ang buhangin at presko ang simoy ng hangin.

"So Jay, did you make a room reservation?" tanong ni Carl. Tinignan namin ito at naghihintay ng kanyang sagot.

"Actually, guys wala kasing reservation dito. First come First Serve kasi sa lugar na ito. As you can see marami rami na din ang mga tao" iginala ko ang paningin sa kalakawan ng dagat. Maraming mga turista ang nagtatampisaw at ang iiba ay nag su-sun bathing.

"So ano pang hinihintay natin? Puntahan na kaya natin 'yung mismong lobby nila para makapag tanong na tayo" aya ko sa kanila. Tunago naman sila at kanya kanya kami ng bitbit ng mga gamit at saka tinungo ang nasabing lobby area.

"Hala ang daming nakapila. Baka abutin na tayo ng syam syam nyan?" reklamo ko kaagad ng makita ang mahabang pila.

"Peak season kasi guys, tsaka isa pa nataon din na sembreak" sagot naman ni Jayson. Mahaba haba ding pilahan ito kung tutuusin. Nandito na kami halos sa mismong entrance ng lobby. At kung bibilangin kung pang ilan pa kami, tansya ko nasa pang 10 pa kami sa pila.

Karamihan ng mga nasa pila ay pawang mga turista at may iilang magbabarkada na katulad din namin.

Muli kong iginala ang paningin sa kabuoan ng lobby kung may area ba na maari naming tambayan pansamantala habang isa o dalawa man lang sa amin ang nakapila. Pero wala as in halos mapuno ang lobby sa dami ng tao. Maliit lang naman kasi ang space ng lobby kung tutuusin.

Inaayos ko ang pagkakatayo ng luggage bag na nasa harapan ko at naupo dito. Nakita ito nila Arj kung kaya ginaya na din nila ako.

Mabilis nmaan ang usad ng pila, ilang sandali pa ay kami na ang susunod. Mabuti naman at tatlo ang nasa counter. Si Jayson ang syang makikipag usap sa cashier since sya ang mas may alam sa mga rules dito.

"Next po"nakangiting saad ng receptionist.

"Two budget room miss" pa cute na sabi ni Jayson sa receptionist. May ginawa naman ang babae sa monitor nito, siguro para ichheck kung ano ang magiging room number namin.

"Im sorry sir pero puno na po ang budget rooms namin. Magkakasama po ba kayo?" tanong nito at inilahad pa ang kanyang kamay para ituro kami. Tumango naman si Jayson bilang sagot.

"If ok lang po sa inyo, we can suggest iyon pong deluxe rooms. May dalawa pong bed na kasya ang two person" paliwanag naman nito.

"Ok lang ba sa inyo guys, na magkakasama tayo sa isang room?" nilingon kami ni Jayson at tinanong. Nag ok sign naman ang dalawa na nasa likod ko.

"no worries sa akin," tipid kong sagot. Wala naman talagang problema sa akin. Hindi naman ako maarte at alam nila iyon. Kibit balikat lang naman ang sinagot ni Jayden dito. Si Trace naman ay napabuntong hininga. I wonder why?

"Ikaw pre?" tanong ni jayson dito.

"No choice kaya sige go na" sagot nya. Inayos naman ng receptionist ang pag aasign ng nasabing kwarto para sa amin.

"here is your key sir. Have a nice day ahead and enjoy your stay here" nakangiting inabot ng babae sa amin ang susi. Isa isa naman kaming kumilos para bitbitin muli ang mga gamit.

"Guys, maglalakad tayo sa buhanginan ha. Banda doon pa kasi iyong kwarto natin" turo ni Jayson. Wala namang kaso sa amin kung sa buhanginan kami dadaan. Lahat namn kami ay naka suot ng komportableng pang paa at sapat para hindi bumaon sa buhangin.

Taking his InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon