What Is Love?

20K 194 19
                                    

CHAPTER 1

VALENTINE’S Day 2013…
Para kay Lucy, ang love ay isang napakalakas na puwersa na gaya ng hangin. Na sa pag-ihip ay nakakayang itulak ang layag at paandarin ang isang mabigat na sailboat. Para ding pagkaadik sa  bunga ng mangga na kahit gaano kahirap abutin, gagawan ng paraan para mapitas. Kahit pa nga tumingkayad  at mag-ala-ballet dancer, na halos dulo na lang ng hinlalaking kuko ng mga paa ang nakatukod sa lupa. O tumungtong sa hagdan na hindi niya alam kung mauuna pang tumumba bago siya makarating sa dulo. O bumisaklat sa dulo ng sanga para maabot lang ang bunga kahit pa nga posibleng mabali iyon, mahulog siya at mabalian ng buto. O tawagin ang mga kaibigang dancers para gawin siyang human boomerang, sa isang buwis-buhay na lifting, kung saan makakalapit ang mga kamay niya sa bunga at magkakaroon ng pagkakataon na pitasin iyon sa loob lang ng isang segundo. Ang pag-ibig ay parang kulangot na hindi magbibigay ng katahimikan hangga’t hindi nakukuha. Na kahit ga-tuldok na lang ang matira sa loob ng ilong, pipilitin pa ring sungkitin ng cotton buds o ng hinliliit sa ano mang posisyon, sa ano mang paraan, gaano man katagal.  
“Marviiin! I love youuu!”
Natanggal yata ang tutule ni Lucy sa malakas na sigaw ng kapitbahay nilang second year high school student na si Alyssa. Ang ‘Marvin’ na pasigaw nitong sinabihan ng ‘I love you’ ay ang schoolmate nitong nakatira sa kabilang bloke ng kanilang street. Sa tapat nila dumaraan si Marvin pagpasok at pag-uwi sa school, na sa palagay niya inaabangan ni Alyssa sa parehong pagkakataon.
How she wished that she could duplicate the same courage, the same boldness, to disclose her true feelings to her one and only all-time crush, puppy love and true love rolled into one. Eighteen pa lang siya, legal na sana. Pero sinukuan na agad siya ng lakas ng loob ng isang daring teener na gaya ni Alyssa.
Kuwento ng eighty-one year-old na lola sa tuhod ni Lucy na si Lola Inez, ang mga babae raw noong araw kapag gustong magpapansin sa isang nagugustuhang lalaki ay naglalaglag ng panyo sa tapat nito. Kung minsan naman daw, iwinawasiwas ng babae ang hawak na abaniko bago itakip sa bibig at papungayin ang mga mata sa harap ng nagugustuhang lalaki.
Malayung-malayo na sa kasalukuyang panahon ang era na sinasabi ng kanyang lola sa tuhod. Ilang beses nang nag-evolve ang paraan ng pagpapaabot ng babae sa lalaki ng kanilang romantic feelings. Labas na nga sa discretions kadalasan, gaya ng ginawa ni Alyssa. At pangkaraniwan na lang ngayon ang mga babaeng nanliligaw sa lalaki.
“Marvin! Be my Valentine, please!?” banat pa ng dalagita.
Lumingon si Marvin kay Alyssa at ngumiti ng alanganin pero hindi ito huminto sa paglalakad.
“Asar! Hindi man lang sumagot,” dismayadong reklamo ni Alyssa nang walang anuman na lampasan lang ito ng binatilyo. Humabol ito sa binatilyo na marahil ay papasok na sa school. Pero dahil malalaki ang mga hakbang ni Marvin ay malabong maabutan pa ito ni Alyssa.
Natatawa lang si Lucy sa dalagita. Pero nakaka-identify siya sa kalagayan nito. Hindi man siya kasing bulgar ni Alyssa, ngunit maraming beses na niyang ipinarating sa kanyang true love ang true feelings niya. At sa lahat ng pagkakataon, pirming dead-ma lang ito sa kanya…
“Hi, Ardy! I left some blueberry muffins to Tita Aleli. Bineyk namin ‘yon ni Momma. ‘Hope you’ll like them.”
“Thanks, Lucy. But I don’t eat anything with blueberry.” Kumaway ito at iniwan na siya.
Huh? Hindi daw kumakain ng blueberry? Napatunganga na lang siya sa papalayong si Ardy. Ang sabi sa kanya ng mama nitong si Tita Aleli, paborito daw ng binata ang muffins lalo na ang blueberry flavor. At mahilig din daw ito sa blueberry cheesecake.
May dalawang instances pa na kumumpirma kay Lucy na talagang sinasadya ni Ardy na maging manhid sa pagpapapansin niya. Nakasabay niya ito minsan sa opisina ng poppa niya. Sinadya niyang hintayin ang pag-alis ni Ardi para makasabay niya sa pag-uwi. “Puwede ba akong maki-hitch sa kotse mo,” lakas-loob na sabi niya. “Later pa daw kasi uuwi si Poppa. But I want to go home na.”
Napahagod ito sa batok. “Sige.”
Hindi na pinansin ni Lucy na parang napipilitan lang si Ardy na pumayag na maisabay siya. Ang mahalaga ay isasabay siya nito. Magkakatabi sila sa kotse. Sila lang dalawa. Masosolo nila ang mundo kahit sandali lang. Matititigan niya ito. Malalanghap ang mabangong samyo ng cologne nito. Makakausap. She so loved the idea.
Pero pag-upo pa lang niya sa kotse ay binuhay na kaagad ni Ardy ang car sterio. Full volume ang makabasag-ear drums na heavy metal music doon. Hindi pa sila gaanong nakakalayo ay gusto na niyang magsisi kung bakit naisip pa niyang makisakay rito. At parang kulang pa iyon, pinaharurot pa nito ang sasasakyan at dinaig pa ang nagmamadaling ambulansiya sa bilis.
“Puwede bang i-turn down ang volume ng sounds mo?” malakas na pakiusap ni Lucy. Pero nilunod lang ng ingay ng heavy metal music ang boses niya. Sa inis niya ay siya na ang nakialam sa volume ng car sterio. Para lang ibalik din agad ni Ardy sa full volume.
Walang nagawa si Lucy kundi ang magtiis. Hindi niya alam kung bakit ganito makitungo sa kanya ang kanyang one true love. Lagi naman sana siyang nice dito. Lagi niyang ipinakikita at ipinararamdam kung gaano ito kaguwapo at kung gaano ito ka-hot. Pinagkasya na lang niya ang sarili sa paglanghap ng mabangong car interior at sa bango ng gamit nitong men’s perfume. Pinagsawa na lang niya ang mga mata sa pagtingin sa mahahabang pilik nito, sa matangos na ilong na tulad ng kay Jericho Rosales, sa labi na kasing pula at kasing pintog ng mga labi ni Troy Montero. Napansin din niya ang tumutubong stubbles ni Ardy, pino, manipis lang at hindi gaanong maitim. Kung sabagay, hindi iyon nakapagtataka. Sa pagkakaalam niya ay may dugong kastila ang ama nitong si Atty. Danilo Ponce.
Tiningnan niya ang sariling repleksiyon sa side mirror. Hindi rin naman pahuhuli ang ganda niya. Noon ngang bata siya madalas siyang mapagkamalang anak ng Indiano. Creamy white ang balat niya, bilugan at deep-set ang mga mata niya na bukod sa mahahaba at makakapal ang pilik ay nakatikwas pa. Matangos din naman ang ilong niya at shapely ang kanyang mga labi. At marami-rami na ang mga nagtangkang manligaw sa kanya. Nagtangka lang dahil wala siyang pinayagan isa man sa mga iyon. Dahil si Ardy lang ang gusto niyang manligaw sa kanya.
Pero sa kasamaang palad, kahit anong gawin niyang pagpapapansin sa lalaki ay wa-epek lang dito.
Ang isa pang pagkakataon na kumumpirma kay Lucy ng pagiging manhid ni Ardy sa kanya ay nangyari sa isa sa mga parties na ginanap sa malaking bahay ng mga Ponce. Gaya ng madalas mangyari, invited sila ng kanyang pamilya. At gaya rin ng laging nangyayari, nagpaganda siya nang todo. Tiniyak niya na mapapalingon si Ardy sa kanyang ayos. Siniguro niya na maisasayaw siya ng binata. Dumikit siya sa mama nito nang magsimula na ang sayawan.
“Hi, Lucy,” bati sa kanya ng lumapit na si Ark Montecillo. Pinsan ito ni Ardy na halos kasing edad din nito. “Dance with me?”
Idinaan lang ni Lucy sa ngiti at iling ang pagtanggi para hindi ma-offend si Ark. Kahit cute ito ay mas gusto pa rin niyang si Ardy ang unang makasayaw. Si Ardy lang. Hindi ang ibang lalaking guwapo. Kumaway lang ito at tumango. Ang ngiti nito ay ngiti na parang alam nito ang secret crush niya kay Ardy. Gosh! Napapraning na yata ako.
“Kayo na lang ang maging partners ng anak ko,” nanunuksong sabi ni Tita Aleli sa kanya. Obviously ay nakita nito nang tanggihan niya ang pakikipagsayaw ni Ark. Effective ang ginawa niyang paglapit sa ginang. Posible rin na nahahalata ni Tita Aleli na crush niya ang anak nito. Kaya naman nang mapalapit dito si Ardy ay kaagad na kinuha ng ginang ang kamay ng anak at dinala sa siko niya. “Hindi mo pa naisasayaw si Lucy,” sabi nito sa nabiglang binata. “Kayo naman ang magsayaw. Enjoy yourselves,” nanunukso pa rin na bilin nito bago sila iniwan.
“Ah, Lucy, si Zilj na lang ang partner mo. May isang invited guest kasi ako na hindi pa dumadating. Tatawagan ko muna.”
“Wait! But-”
Wala pa yatang tatlong segundo ang dumaan at natagpun na lang ni Lucy na katabi na niya ang kaibigan nitong si Zilj, na unang bumati sa kanya kaninang pagdating niya sa bahay ng mga Ponce. Graduate na rin ito sa collage gaya ni Ardy. Sa pagkakatanda niya ay BSBA ang tinapos nito. “Hi ulit, Lucy,” sabi nito, ngiting-ngiti. Nakasuot ito ng long-sleeved polo na kahit mukhang mamahalin ay lousy tingnan dahil hindi naka-insert sa pantalon ang laylayan. “Puwede bang ako na la-ang muna ang maging dance partner mo?”
Walang nagawa si Lucy kundi ang tanggapin ang nakaumang na kamay ni Zilj. Dismayang-dismaya siya. First time sana iyon na maisasayaw siya ni Ardy. Chance na sana niya na matupad ang isa sa mga ‘Ardy-wish lists’ niya – ang makasayaw ito na ang tugtog ay sweet music.
“Pasensiya ka na kay Ardy, ha? Minsan talaga may pagka praning ang isang iyon. Babalik din naman siya kaagad. Baka importante la-ang talaga na masundo niya si Nollet.”
Napatanga siya kay Zilj pagkarinig sa pangalang sinabi nito. “Nollet? Who’s Nollet?”
“Bagong friend niya.”
“Friend lang? Are you sure? Hindi niya girlfriend?”
“Friend la-ang talaga.”
Tinitigan ni Lucy sa mga mata ang kaharap. Mukha namang nagsasabi ito ng totoo. Well, ewan niya. Si Zilj kasi ang taong mukhang sincere lagi ang facial expression. Wala pa sigurong dalawang taon na kakilala niya si Zilj. Cecilio Jose Magpantay ang totoong pangalan nito. Isang nouveau riche ang pamilya nito na yumaman lang mula nang ang ama nitong si Celso ay manalo ng seventy-eight million pesos sa lotto. Sa takot daw na maging biktima ng mga lintang kamag-anak at ng kidnap-for-ransom grup ay umalis ang mga ito sa dating tinitirhan sa Quezon Province at napadpad sa village nina Ardy doon sa Malate. At dahil kahalubilo na ng mga ito ang mga nakaaangat sa buhay, naging ‘Zilj’ na ang palayaw nitong dati ay ‘Ilyong.’
“Love mo talaga si Ardy, ano?” nanunukso na rin na sabi ni Zilj.
“Love agad? Grabe. Crush lang. Basta don’t tell him, ah?”
Ngumisi si Zilj. Lumitaw ang braces nito at nadismaya na naman si Lucy. Bakit ba kailangan niyang pagtiyagaan na makipagsayaw sa isang lalaking probinsiyano na nga at baduy manamit ay naka-braces pa? “Sa tingin mo hindi niya alam?”
Nanlumo siya. Kung ang lalaking ito at pati na mismong si Tita Aleli ay nakakahalata ng feelings niya kay Ardy, malamang na alam na nga iyon ng binata. Ramdam niya na lagi siyang iniiwasan nito. At mukhang wa-epek dito ang mga pagpapa-cute niya at pagpapaganda. Alam na nga siguro ni Ardy. Kaya ba nagpapakamanhid ito sa mga pagpapapansin niya?
Pero crush nga lang ba niya si Ardy?       

Lucy's Choice (#BoyManhid Or #BoyPapansin) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon