Bullying The Bully

4.5K 88 5
                                    

CHAPTER 4

“ANAK, what is happening to you? Kanina ka pa hindi mapakali,” tanong ng poppa ni Lucy na si Atty. Emiliano. Matangkad ang kanyang ama, katamtaman ang laki ng katawan pero may pot belly. Masayahin itong tao at madaling kausap. Hindi siya nito pinaghihigpitan. Walang masamang tinapay rito kahit sino sa mga manliligaw niya. Lagi lang nitong ipinaalala sa kanya na maging responsible sa lahat ng nga disisyon at gagawin niya. Naroon siya sa opisina nito. Gaya ng madalas mangyari, dumaan na naman siya sa law firm pagkatapos ng kanyang klase. “May problema ka ba?”
“Eh kasi Poppa, it’s been a month since I last saw Ardy. Where is he na po ba?”
“Nagbabakasyon lang siguro habang hinihintay ang result ng BAR exams niya.”
“Ng one month na? Last week I was at their place and when I asked Tita Aleli about Ardy, sabi lang niya, nasa house ng isang friend.”
Ngumisi ang poppa niya. “Baka pinagtataguan ka lang.”
Iyon din ang suspetsa ni Lucy. Mula nang mag-dinner date sila ni Ardy ay hindi na niya ito nakita. At hirap na hirap na ang kalooban niya. Napakahirap para sa kanya na hindi man lang masilip kahit tuktok ng ulo ng tao na sobra niyang mahal. “Do you think he’s still seeing Nollet?”
Kumunot ang noo ng kanyang ama. “Who’s Nollet?”
“The girl he is courting.” Mapakla sa bibig niya na sabihin ang katotohanang iyon.
Ngumisi na naman ito. “Really? I thought it was you he is courting. I mean, ikaw nga pala ang nanliligaw sa kanya.”
Napanguso siya sa pang-aasar ng ama. “Poppa naman, eh!”
Bago matapos ang linggong iyon ay muli na namang bumisita si Lucy sa bahay nina Ardy. Kinumpirma ni Tita Aleli na nagbabakasyon sa Cebu ang anak nito. Nang tanungin niya kung kailan babalik ang binata, sinabi lang ng ginang na indefinite daw ang bakasyon ng anak nito.
Lungkot na lungkot si Lucy. Kahit tawag hindi niya magawa. Paiba-iba ng numero si Ardy. At hindi ito mahilig sa social media. Nang kuhanin naman niya ang latest number nito kay Zilj ay ayaw ibigay sa kanya. Magagalit daw dito si Ardy.
Sa buong teenage life ni Lucy ay ngayon lang siya nalungkot nang ganito. Heartbroken ang pakiramdam niya sa sarili. At kung hindi lang siya mapapagalitan ng ina ay baka hiniling na niya ritong payagan siyang sundan si Ardy sa Cebu. Lalo namang hindi niya maaaring hilingin iyon sa ama. Baka pektusan pa siya nito sa tuktok at sabihing nasisiraan na siya ng bait.
Lulugu-lugo siyang umuwi sa bahay.
Pag-uwi niya ay napansin niyang nagmumukmok sa isang sulok si Tommy. At kahit hindi malamig ay nakasuot ito ng sweatshirt. Hindi na sana niya ito papansinin. Pero kahit may iniinda siya sa pansariling damdamin ay sensitive pa rin siya sa kapatid mula nang mawala sa kanila si Yul. “Masama ba ang pakiramdam mo?” tanong niya rito. Idinantay niya sa noo nito ang likod ng palad niya.
Umiling lang si Tommy. May kung ano sa ekspresyon nito ang nagpakaba sa kanya.
Kinuha ni Lucy ang isang braso nito at nang pumiglas ang kapatid ay sapilitan niyang inililis ang manggas ng sweatshirt nito. Nakita niya roon ang mapulang pasa na nagsisimula nang mangitim. “Who did this to you?”
Umiling lang si Tommy.
“If you will not tell me who did this to you, I’ll make sumbong to Momma and Poppa.”
“Inasar kasi si Ace no’ng isang kaklase namin,” mahina ang boses na sagot nito. “Akala niya ako ang nag-utos na inisin siya. No’ng magkatakbuhan, ako ang naabutan ni Ace pati na ‘yong isang kaklase namin na mas maliit sa akin. May pasâ din siya.”
Umakyat yata sa ulo ang dugo ni Lucy pagkarinig sa sinabi ng kapatid. Naikuyom niya ang mga palad. She saw red. Kung nasa harap niya siguro si Ace ng mga oras na iyon ay baka napilipit na niya sa leeg kahit mas malaki sa kanya ang binatilyo. Magbiro ka na sa lasing huwag lang sa girl na bagong heartbroken. Kulang na lang na labasan ng usok ang ilong at tainga niya. “Why didn’t you tell it to your teachers?
“Ate, ayoko magka-record sa conduct ko.”
“Bakit ikaw ang magkaka-record? You didn’t hurt him naman, ah.”
“Gano’n naman ‘yon eh. Siyempre sasabihin ng teacher at ng guidance cousellor pareho kami ni Ace na bababaan ng grades para fair.”
Hindi siya makapaniwala sa ikinatatakot ni Tommy. Pero hindi nga malayo ang posibilidad na maapektuhan ang conduct nito. “They wouldn’t dare. ‘Wag ka nang matakot. This is on me. Ako’ng bahala.”
Kinabukasan, hindi pumasok si Lucy sa huling subject niya. Hindi rin siya nagpasundo sa driver.  Umalis siya nang maaga sa university para magtungo sa school ni Tommy. Nakita niya agad si Ace. Nasa labas na ito ng school gate. Nakita rin niya si Tommy at ang driver na si Mang Domeng. Marahil sinabihan na ang kanilang driver na laging dikitan ang kapatid niya para hindi na ito masaktan ng bully.
Hindi tumuloy sa school si Lucy. Inabangan niya si Ace sa lugar na daraanan nito. Naglakad siya nang nakayuko pasalubong dito. Nang mapatapat ito sa kanya ay mabilis niyang dinakma ang pagkalalaki nito at piniga nang mariin.
Napahiyaw sa sakit si Ace pero hindi pa rin niya binitiwan ang genitals nito. “You’ll suffer a much painful retaliation from me the next time you hurt my brother. I want you to remember that.”
Napaluhod sa pavement si Ace nang bitiwan niya ito. Sapo ng dalawang kamay ang nasaktang bahagi ng katawan ay nakangiwi ito at parang maiiyak na.
“Watch your back from now on, if I were you. I’ll make isip a much harder punishment the next time you make bully again these kids.” Pinagpag niya ang mga kamay para sa effect bago ito talikuran. Nakasalubong niya ang isang gulat na gulat na dalagita. Obviously, nakita nito ang pangyayari. “Ang liit lang ng ano niya, promise. Pea-sized.” Nilampasan na niya ito.
Nakakailang hakbang na si Lucy nang maramdaman niyang may sumasabay sa paglalakad niya. Laking gulat niya nang makita ang nakangising si Zilj sa kanan niya. “’Kita ko lahat ng nangyari.”
“What are you doing here?” Pagkaraan ng disastrous dinner date nila ni Ardy ay kinulit na siya ni Zilj sa ipinangako niyang lunch date dito. Sinabi lang niya sa binata na nasa grieving stage pa siya at wala pa sa mood na makipag-lunch date sa kahit kanino. Pero nangako siya na hindi siya aatras sa usapan. Ayaw lang muna niya sa ngayon.
“Bakit mo ginawa iyon doon sa estudyante?”
“B-in-ully niya si Tommy. And he did it ulit after their meeting with the guidance counsellor. It’s just but tama to make that bully suffer a little,” taas-noong sagot niya na nagpatuloy na sa paglalakad. “Bakit ka nga nandito?” tanong niya uli. Nakaagapay pa rin sa kanya si Zilj.
“Nakita la-ang kita kanina na naglalakad. Inihinto ko muna ang kotse at sinundan kita. Nagtaka ako kung bakit wala ka sa school. Mamaya pang four ang huling klase mo, ‘di ba?”
Napatingin siya rito. “You know my sked?”
“Oo.” Napahagod ito sa batok. “Hindi mo la-ang alam ay. Pero marami talaga akong inalam tungkol sa iyo. Gay-on talaga kapag mahalaga sa iyo ang isang tao.”
Bumuka ang bibig niya para magsalita pero inunahan siya ni Zilj. “Pero hindi ibig sabihin nito na kinukulit kita na ituloy na ang pangako mong lunch date, Lucy. Kaibigan mo naman ako, ay. Kaya ihahatid na kita sa inyo.”
Lalong humanga si Lucy sa dedication nito sa kanya. Kung sana lang puwede niyang ilipat dito ang sobra-sobrang pagmamahal niya kay Ardy ay ginawa na niya. How she wished na ganito siya mamahalin ni Ardy kapag nagising na ang puso nito at ma-realize na hindi si Nollet ang para dito kundi siya.
“Pero nagulat talaga ako sa ginawa mo doon sa estudyante, ay. Masama ka palang galitin. Walang panalo ang lalaki sa iyo. Sabihin mo la-ang sa akin kapag napapagalit na kita, ha? Para makaiwas ako. Ayaw ko na masampolan ng bangis ng kamay mo.”
Natawa na lang si Lucy.
Dalawang buwan pa ang dumaan, nagulat na lang si Lucy nang mabalitaan niyang nagpunta sa California si Ardy. Nalungkot siya nang husto. Iniyakan niya ang pangingibang bansa nito. Hinayang na hinayang siya. Hindi man lang niya nakita ang binata bago ito umalis. Pero na-depress talaga siya nang ilang buwan pagkaraan ng pananatili nito sa States ay ibalita sa kanya ni Tita Aleli na nagpakasal si Ardy sa isang American citizen doon.

“ANO ‘TO?” tanong ni Lucy kay Zilj nang ibigay sa kanya ang isang legal-sized envelop.
“Buksan mo. At sana huwag mo namang tanggihan.”
Nang buksan niya ang laman ng sobre ay dalawang ticket iyon ng repeat performance ng Rock of Ageis musical sa Music Museum. Matagal na niyang gustong mapanood ang musical na iyon pero laging may aberya kapag playing date na kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin niya napapanood. Pero kahit gustung-gusto na niyang mapanood iyon ay hindi na niya matatanggap ang tickets na ibinibigay sa kanya ni Zilj. Napakarami na nitong naibigay sa kanya. Napakalaki na ng efforts nito para libangin siya sa labis na lungkot sa biglaang pag-aasawa ni Ardy. Hindi na siya komportable. “Thank you, but no thanks. I’m sorry, Zilj. But I can’t accept this na. I owe you a lot already. This is not tama anymore.”
“Lucy, ginagawa ko naman ito sa iyo dahil gusto ko, ay. At hindi dahil umaasa ako sa magiging kapalit. Gusto la-ang talaga kitang pasayahin. Gusto kong makitang mawala ang lungkot sa mga mata mo. Kahit sandali la-ang.”
“Come on, Zilj. You won’t go this far in making me pasaya if you’re not hoping for something in return.”
“Siyempre umaasa ako na isa sa mga araw na ito mapag-aaralan mo rin na mahalin ako. Pero hanggang doon la-ang naman, ay. Hindi naman kita pinipilit na kalimutan mo na si Ardy at pag-aralan mo na la-ang na mahalin ako. Hindi ganoon ka-selfish ang pag-ibig ko sa iyo.”
Nahagod ni Lucy ang braso niya. Nakakadiri talaga ang probinsiyano accent nito. Kahit pa nga hindi tama na maramdaman niya iyon. Hindi siya snob sa pagkakaalam niya. Kaya hindi siya dapat makaramdam ng ganito lalo na sa isang katulad ni Zilj na walang ginawang masama sa kanya. Si Zilj na sa simula pa lang ay nagpakita na ng pagmamahal at malasakit.
Naiinis na siya sa sarili. Bakit siya nakakaramdam ng ganito kanegatibong pakiramdam sa isang hindi naman mahalagang bagay? Ipinanganak at lumaki ito sa Quezon Province kaya natural lang na kahit matagal na ito sa Manila ay naroon pa rin ang punto sa pagsasalita nito. Kaya bakit niya pandidirihan at pagtatawanan iyon? “I am not worth it,” mahina lang na pag-amin niya. “I am not worthy of your pag-ibig, Zilj.”
“Nagkakamali ka, Lucy. Itinuro sa akin ng Inay at Itay ko na lahat ng tao, kahit ano pa man ang ugali, kulay, hitsura, hugis o lahi, ay worthy para mahalin din. Kaya nga sa mga nagiging mag-asawa, nagkakamayroon noong mabait na napupunta sa mataray o madamot. May matangkad na nakakapag-asawa ng unano. May maputi na ang girlfriend maitim. May pangit na ang nobya ay pang-Miss U ang hitsura. May ‘Kano na nakakapangasawa ng Pinay. Kasi nga, sabi ng Itay, pantay-pantay raw dapat ang tingin natin sa mga tao dahil pantay-pantay rin daw ang karapatan na ibinigay sa atin ng Diyos.”
“Pero hindi magkapantay ang dami ng ibinibigay mo sa akin sa nakukuha mo mula sa akin.”
Napailing ito. “Tingnan mo na la-ang sana sa ganito, Lucy. Sa tuwing ako ay may ibibigay sa iyo at tinatanggap mo nang maayos, ‘yong saya na nakukuha ko roon, sobra-sobra nang kapalit. Puwede ba na sa tuwing may ibibigay ako sa iyo, ay huwag mo na la-ang isipin na dumadagdag la-ang sa hindi equal share ng natatanggap mo at nakukuha ko sa friendship natin?”
Touched siya sa sinabi ni Zilj. “Why are you like this? Why are you so ‘bait to me?”
Napahagod ito sa batok. “Hindi la-ang naman sa iyo, ay. Ganito naman talaga ako sa lahat.”
Hindi alam ni Lucy kung dahil nangangailangan siya ng tagaaliw pagkatapos ng heartbreak niya kay Ardy kaya natagpuan na lang niya na lagi silang magkasama ni Zilj. Kung minsan, naiisip niya na pananamantala na ang ginagawa niya. Na dahil nagpiprisinta itong tagaaliw ay hinahayaan niyang aliwin siya. Na dahil willing ito kapag gusto niyang magpasama ay walang tanung-tanong na sinasamahan siya. Alam naman niya na si Ardy ang mahal niya. At lagi niyang sinasabi iyon kay Zilj. Hindi naging hadlang ang pag-aasawa ni Ardy para patuloy pa rin niyang mahalin.
Nagdisisyon na siyang kalimutan si Ardy dahil may asawa na ito. Kasalanan na ang patuloy pang umasa sa pagmamahal ng isang tao na nakatali na sa iba. Pero ayaw pa ring mawala ng lintik na feelings niya sa lalaki. Napapanaginipan pa rin niya ito. Hinahanap-hanap pa rin niya ang presence nito. Hindi pa rin niya mapigilan na laging tingnan ang pictures nito sa gallery ng kanyang cellphone at sa file ng photos sa laptop niya. At kapag natatalo siya ng lungkot, si Zilj ang walang sawa na umaaliw sa kanya. Pangit mang pakinggan, lumilitaw na panakip-butas lang si Zilj.

Lucy's Choice (#BoyManhid Or #BoyPapansin) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon