Passion

4.1K 91 6
                                    


CHAPTER 6

TININGNAN ni Lucy ang oras mula sa luminous hands ng suot niyang diver’s watch. Mag-aalas tres na ng madaling-araw. Unholy hour. Naroon siya sa labas ng kanilang tent. Pinapanood niya si Zilj na nakadipa habang nagpo-float sa dagat. Hindi pansin ang malamig na simoy ng hangin, o ang lamig ng tubig.
Naroon siya dahil natatakot siya sa maaaring mangyari dito habang mag-isang naliligo sa dagat. Pagkatapos ng namagitan sa kanila, hindi niya ito masisisi kung maisip man nitong gawin ang isang weird na bagay sa ganoong oras. Ramdam niya na na-frustrate ito nang sobra.
Nang makita niyang umahon na si Zilj, mabilis siyang bumalik sa loob ng tent. Muntik pa niyang maapakan ang T-shirt na hinubad nito kanina sa kasagsagan ng kanilang pame-make out. Saglit na nagtalo ang isip niya kung pupulutin iyon o hahayaan na lang. Sa huli, hinayaan na lang niya at mabilis siyang bumalik sa higaan. Nagkunwari siyang tulog nang maramdaman niyang pumasok na sa tent si Zilj. Naramdaman niya na humiga ito sa kabilang panig ng tent. Ramdam na ramdam niya ang pag-aalumpihit nito sa pagkakahiga. He was restless. At katulad niya ay hindi rin ito makatulog.
Dapat ba siyang magpamalay na tulad nito ay gising pa siya? Dapat na ba agad nilang pag-usapan ang nangyari kanina? Nasaktan niya ito nang todo, alam niya. Pero hindi siya handa sa mga namagitan sa kanila. Naguluhan siya at hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin. Parang isang kanta sa utak niya na naka-repeat mode ang nangyari sa kanila kanina ni Zilj. Paulit-ulit. Napakalinaw sa imahinasyon niya…
Naramdaman ni Lucy ang pagsayad ng likod niya sa air bed. Naihiga na pala siya ni Zilj. Inialsa niya ang ulo upang habulin ang halik na kanina pa nagpapabaliw sa kanya. Hindi naman siya nabigo. Muling kinamkam ni Zilj ang mga labi niya. Halos mapugto ang kanilang hininga dahil mas nag-itensify pa ang halik nito sa kanya. Gusto yata nitong ubusin lahat ng hangin sa katawan niya sa pamamagitan ng halik
Napasinghap siya nang maramdaman ang dantay ng kamay nito sa balat niya na nakapaloob sa kanyang maluwang na shirt dress. Bigla siyang nanlambot habang abut-abot ang kilabot na umaakyat sa kanyang buong katawan. Dumama ang palad nito sa kanyang baywang paakyat. Mabagal na humahaplos at pumipisil ang kamay nito sa kanyang balat. Parang tahimik na tinuturuan siya na gayahin din ito.
Saglit pa at kumilos ang mga kamay niya para pumaloob din sa T-shirt na suot nito. Namangha siya sa mainit na singaw ng katawan ni Zilj at sa maaligasgas na pakiramdam habang dumadama ang mga palad niya sa mabalahibong dibdib nito. She was fascinated at the hardness of his pectorals. Fascinated with the throbbing need she felt down there.
Napaungol siya nang maradaman ang pagpisil ng palad ni Zilj sa kaliwang dibdib niya. At naghabol siya ng hininga nang pumalit doon ang mga labi nito.
For her there was no turning back. Handa na siyang isuko ang sarili. Handa na siyang magpaalipin kay Zilj basta matugunan lang nito ang pangangailangan niya na maangkin nito.
Sa pagmamadaling mahubad ang kanilang mga saplot, natamaan ni Zilj ang overnight lamp nang ihagis nito ang hinubad na pantalon. Gumiwang iyon hanggang sa matumba. Napilitan itong iwan siya sandali para itayo ang ilawan.
Noon siya parang natauhan. Ano ba ang ginagawa niya? Bakit nakikipag-make out siya sa isang lalaking ni hindi niya boyfriend at hindi niya mahal? For so many years naging matapat siya kay Ardy. Hindi siya naakit sa ibang lalaki kahit na noong huling dalawang taon na nasa States na ito at may asawa na.
Bakit ngayon pa? Kung kailan may napakaliit na pag-asa na siyang nakikita. Na posibleng bumalik ng Pilipinas ang one true love niya dahil hindi na nito nakakasundo ang pinakasalang Amerikana. Higit kailanman, ngayon siya hindi dapat bumitiw sa pag-asa na balang araw ay magiging sila rin ni Ardy.
Bumalik si Zilj sa tabi niya pero nang muli siyang hawakan nito at tangkaing halikan ay napapiksi siya. “Please, Zilj I… I-I can’t.”
Napamaang ito na parang nasuntok sa solar plexus.
“I’m sorry. This is wrong and I can’t-”
Ilang saglit pa rin itong nakamaang sa kanya. Nang matauhan ito ay nagmamadaling isinuot ang hinubad kaninang briefs at pantalon at mabilis na lumabas ng tent. Lumabas din siya para lang silipin ito. Parang piniga ang puso niya nang makitang tumalungko ito sa harap ng aandap-andap nang apoy ng ginawa nitong bonfire kanina.
Alam niya ang nararamdaman nito. Alam niya kung anong pakiramdam na maging talunan. Ang matanggihan. Ang maibasura at maiparamdam na hindi siya kailangan; maipamukhang hindi siya kawalan. Maraming ulit na niyang naramdaman ang ganoon tuwing iiwasan siya ni Ardy noon.
May ilang oras yatang tumalungko si Zilj doon bago ito nagpasyang maghubad ng pantalon at lumusong sa malamig na dagat.
Pinilit lang ni Lucy ang sarili na huwag sundan si Zilj sa beach para aluin. Awang-awa siya rito. Inis na inis naman siya sa sarili.
Tahimik na nagbuntong-hininga si Lucy. Dinig pa rin niya ang pagkilos ni Zilj sa kabilang panig ng tent. Tiyak na iisipin nito na isa siyang ipokrita at duwag. Isang sinungaling. That she was a tease. Pinapaniwala niya ito na gusto niya ang kanilang ginagawa. At kung kailan malapit na sila sa sukdulan, kung kailan turned on na ito sa init ng pagtugon niya at sa mapangahas niyang kilos kanina, saka naman siya umurong.
Para lang niyang inakit si Zilj na tikman ang pagkaing inihain niya rito. At nang kakainin na nito ay bigla niyang binawi at itinago. Para na rin niya itong pinaglaruan. Siguro nga, dapat niya itong kausapin. Gusto niyang magpaliwanag. Higit sa lahat, gusto niyang isalba ang kanilang pagkakaibigan.  
Malapit nang lumiwanag nang sa wakas ay hatakin siya ng antok.

Lucy's Choice (#BoyManhid Or #BoyPapansin) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon