Rendezvous With Zilj

4.8K 99 6
                                    

CHAPTER 5

“PAGLAPIT mo pa lang sa akin, alam ko nang may problema ka, apo. Ano ba iyon?”
Biglang nahiya si Lucy sa Lola Inez niya. Nakaupo siya sa katabing silya ng kinahihigaan nitong divan. Mula sa Tagum ay sinundo nila ito ng momma niya. Kapag nagsisimula na ang tag-init ay pinagbabakasyon nila ito sa Maynila dahil napakainit ng summer season doon. Mainit din sa Metro Manila pero may aircon unit naman sa kuwarto nito. Bukod doon, mas gusto ng momma niya na mag-celebrate ng birthday na kasama ang Lola Inez niya. 
“Sabihin mo na sa akin. Kaya nga hinintay kong lumabas ang momma mo bago kita tanungin. Tungkol ba sa amor?” Nanunukso ang ngiti ng Lola Inez niya. Sila ng kanyang ina ang sumundo rito para mapasaya at maalagaan ito pero mukhang siya pa ang iko-comfort ng lola niya. “Si Ardy ba?”
Napangiti na lang siya. Wala naman siyang nabanggit dito kahit noon tungkol sa secret feelings niya kay Ardy. Paano kaya nito nalaman?
“Inasahan ko nang mangyayari ito. Nasa high school ka pa lang noon, nakita ko na kung paano mo siya tingnan. Pero ang lalaking iyon, hindi niya napapansin ang babaeng magpapaligaya sa kanya.”
“Nasa States na po siya, Lola. Nag-asawa na.”
“Kaya pala. Ganyan talaga sa simula, apo. Masakit. Malungkot. Parang hindi mo makakaya.”
“Na-heartbroken- I mean, nabigo na din po kayo noon sa pag-ibig, Lola?”
“Sa Lolo Ciano mo. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.”
“Pero siya po ng naging asawa n’yo.”
“Hindi kaagad. Nagpakasal muna siya sa ibang babae bago kami nagkatuluyan.”
“I didn’t- Hindi ko po alam iyon, Lola.” Interesadong lumipat siya ng upo sa gilid ng divan. “Paano po kayo nakasal kung may asawa na noon si Lolo Ciano?”
“Siyempre nabiyudo muna siya bago niya ako niligawan, at bago kami nagpakasal.”
“You mean, habang kasal pa siya do’n sa unang asawa niya, you’re eyeing him na?”
Kumunot ang noo nito. “Anong aying?”
“Tinitingnan n’yo na po siya, Lola? In love ka na po noon kay Lolo kahit may asawa pa siya?”
“Mahal ko na siya bago pa siya mag-asawa. Akala ko nga noon, tatandang dalaga na lang ako. Dahil iyong nag-iisang lalaki na natutuhan kong mahalin may iba nang gusto at nagpakasal pa nga. Pero bandang huli, saka ko lang nakita na nakaposisyon na pala sa plano ng Diyos na mamamatay ang unang asawa ni Ciano. At dumating ang panahon na magugustuhan din niya ako at magkakatuluyan kami.” Tumahimik ito sandali at nakangiting tumingin sa kisame na para bang nakikita nito roon ang Lolo Ciano niya. “Ang sa inyo naman ni Ardy,” baling nito sa kanya, “ang masasabi ko lang…”
“Ano po, Lola?”
Tinapik-tapik nito ang braso niya. Puno ng simpatya ang mga mata nito nang tingnan siya. “Hindi magkapareho ang kapalaran natin, apo. Imposibleng magkapareho. Kaya kung ako sa iyo, kalimutan mo na lang si Ardy.”
Nagbuntong-hininga siya. “Alam ko naman po ‘yon, Lola. Dapat talaga forget ko na si Ardy. Bawal na siya mahalin. Kasi nga po it’s wrong na. May asawa na siya. Pero Lola, paano ko pa ba gagawin iyon nang madali?”
“Alam mo, apo, hindi mangyayari sa iyo ang isang bagay kung maghihintay ka na lang na may mangyari. Dapat may gagawin ka muna. At kahit may gawin ka, hindi pa rin garantiya na magiging madali. Disisyon lang at pagtutuon ang kailangan mo. Kapag nagdisisyon ka na huwag na siyang mahalin, itutuon mo ang pansin mo para gawin ang lahat ng paraan. Alisin mo na ang lahat ng bagay na magpapaalala sa iyo ng tungkol sa kanya.”
Napatitig si Lucy sa Lola Inez niya. Tumutol kaagad ang kalooban niya sa sinasabi nito. “Like ‘yong pictures niya po?” Picture pa naman ni Ardy ang wall paper ng laptop niya at ng kanyang smart phone. At hindi na mabilang ang pictures ng binata sa file niya ng pictures nito pati na ng pictures nilang dalawa.
“At lahat ng bagay o tao na may kinalaman sa kanya.”
Ibig din bang sabihin noon, hindi na siya dapat dumalaw kina Tita Aleli? Nalungkot siya bigla. Isa sa mga paborito niyang tao si Tita Aleli. Pero paano nga siya makaka-move on kung lagi niyang maaalala si Ardy tuwing makikita niya ang ginang?
   
“KAILANGAN mo ng model para sa nude painting na gagawin mo? At ako ang gusto mong kuhaning model?” Bilog na bilog ang mga mata ni Zilj na akala mo napaka-weird ng hinihingi ni Lucy.
Tumango siya. “’Yon ang last painting that I should do for our finals. Since, I don’t know anyone who will make payag to pose nude, naisip ko ikaw na lang sana.”
“At sa palagay mo papayag ako?”
“Kailangan mong pumayag ‘cause I don’t know anyone that I could trust. May beki friends ako who will make payag agad to pose nude but I need someone who is macho. Like you.”
“Sorry, Lucy, pero hindi talaga ako magpo-pose ng hubad. Marami akong mas mahalagang gagaw-in kaysa mag-pose nang hubad.”
“Even if I bribe you with a date? Like a dinner date?”
Umismid lang ito. “Bakit, kapag ba nakipag-date ako sa iyo magkakamayroon na akong pag-asa na maging boyfriend mo?”
Hindi siya makasagot. Pero gustung-gusto niyang sumagot ng oo. Gustung-gusto na rin niyang iuntog ang ulo para matauhan siya. Ang lalaking patuloy na minamahal niya ay nang-iwan at nagpakasal sa iba. Samantalang ang lalaking may ilang taon na niyang tinatanggihan ay loyal pa rin na nasa tabi niya at nag-aabang kung kailan niya tatapunan ng pagmamahal. She was so pathetic. O baka may diperensiya na rin ang utak at puso niya. Hindi naman siya bulag. Kitang-kita niyang lahat ng dahilan para hindi na niya mahalin si Ardy. At malinaw rin sa kanya na nakay Zilj naman ang lahat ng katangian para ito na lang ang mahalin niya. “So, titiisin mo ako? You won’t make payag even if I flunk my finals?”
“Ayokong bumagsak ka, pero hinding-hindi mo ako mapapa-pose ng nude para mag-model sa ipipinta mo.”
Pero sa bandang huli, sa patuloy niyang pangungulit kay Zulj ay napapayag din niya ito.
Ginawa ang pagpipinta sa isang pribadong hall kung saan silang mga fine arts students lang ang naroon at ang subjects nila. Hindi naman frontal nudity ang ipipinta niya. Ang hubad na likod lang ni Zilj ang kanyang ipipinta. Ang buttocks lang nito ang nakalitaw. Nakikita rin niya na batbat pala ng muscles ang katawan nito. In fairness, so tambok his butt. He’s so macho pala. So broad the shoulders.
Hindi maintindihan ni Lucy kung bakit biglang nag-init ang kanyang mga talampakan habang pinagmamasdan ang hubad na likuran ni Zilj. Nakailang ulit din siya bago niya nakuha ang akmang kurba ng katawan nito. At habang ipinipinta niya ito, sinikap niyang huwag isipin na siguradong mas maganda pa ang harapan kaysa sa likuran.
At mas hindi niya maintindihan kung bakit mula nang ipinta niya ang hubad na likod ni Zilj ay gabi-gabi na niya itong napapanaginipan.
 
“AY, PALAKA!” Parang spring na umigkas patayo si Lucy mula sa pagkakahiga nang maramdaman ang bumagsak sa katawan niya. Tuyong tangkay lang pala iyon ng halaman. Pag-angat ng mga mata niya ay nakita niya si Zilj na nagpipigil ng tawa. Naroon sila Cagbalete Island, ang ipinagmamalaking beach ng Quezon Province. Napilit siya nito na magpunta dahil graduation treat daw nito sa kanya. Nakatapos na siya sa kursong Fine Arts. Isa pa, matagal na niyang gustong makarating sa sikat na beach na may napakahabang seashore. May palagay siya na kaya lang ito biglang nagyaya roon dahil napansin nito ang lungkot niya noong graduation day niya tatlong araw na ang nakakaraan.
Kahit dalawang taon na ang dumaan mula nang umalis ng Pilipinas si Ardy, hindi pa rin niya ito nakakalimutan. Uhaw pa rin siya sa balita tungkol sa first love niya. Lalo na nang minsan silang magkita ni Tita Aleli at sabihin nito na hindi raw maganda ang pagsasama ni Ardy at ng Amerikanang asawa. Baka raw dumalaw si Ardy sa Pilipinas sa bago matapos ang taon.
Mali na umasa pa siya na puwedeng maiba ang mga kapalaran nila at sa huli, sila pa rin ni Ardy ang para sa isa’t isa. Kung malalaman lang ng Lola Inez at ng Momma niya ang tumatakbo sa kanyang utak, malamang na napagalitan siya ng mga ito o baka makutusan pa. Pero dahil sa ibinalita ni Tita Aleli ay nabuhayan na naman siya ng pag-asa. Pag-asa na ewan niya kung bakit lately nagbibigay lang sa kanya ng restlessness. Inip na inip na siyang matapos ang taon kahit hindi pa nangangalahati. Hindi na siya makapaghintay na makita uli si Ardy.
Pinalis niya ang tangkay palabas ng hinigaan niyang beach towel. Nakatulog pala siya matapos nilang manood ng sunset ni Zilj at magpaalam ito na i-inflate ang kanilang mga air bed at i-check kung naipasok sa loob ng tent ang kanilang inumin at pagkain. Maaga silang naghapunan dahil pagkatapos ng brunch nila kaninang bago mag-alas onse ay hindi na sila nakapag-merienda. Inantok lang siguro siya pagkakain dahil uminom pa sila ng red wine ni Zilj. Nagawa pala nitong magbaon sa isang glass container na kalahating litro lang yata ang laman. Tira lang daw iyon last weekend sa dinner sa bahay ng mga ito.
Bago iyon ay nagpakasawa sila sa paliligo sa dagat. Napakalinis ng tubig. The view was spectacular. Walang hindi mai-in love sa lugar na iyon. Hula niya kaya doon siya dinala ni Ardy ay dahil umaasa ito na makakatulong ang lugar para magdisisyon siya na ito na lang ang mahalin sa halip na patuloy na ibigin ang may pananagutan nang si Ardy.
Kung mauutusan nga lang niya ang sarili, matagal na niya sanang ginawa.
Isa lang ang tent nila pero malaki. Nilagyan niya kaagad ng pagitan ang mga hihigaan nila. Kahit pa nga alam niya na walang magagawa iyon pati na ang lakas niya kapag ginusto ni Zilj na samantalahin ang kanilang sitwasyon. Mataas nga lang ang tiwala niya rito. Alam niya na hindi siya nito gagawan ng masama kaya siya pumayag sa kanilang sleeping arrangement.
Pilyung-pilyo ang pagkakangiti ni Zilj at ang hitsura ay gaya ng taong nakaisa. “Akala mo ahas na ang bumagsak ano?”
Sa inis ni Lucy ay hinabol niya ito ng hampas. Hindi naman niya maabutan. Natakbo na nila ang mahabang parte ng basang buhangin. May pagkakataon na nagkakalapit ang distansiya nila sa isa’t isa pero binibilisan lang nito ang pagtakbo at hindi na siya makahabol. Sa tingin niya kayang-kaya nitong dumistansiya pa. Athletic ang pangangatawan ni Zilj. Kaya siyang pakainin ng milya-milyang alikabok. Ngunit gusto talaga siya nitong buskahin kaya siya hinahayaang makalapit, pero para lang lumayo muli. Hingal na hingal na siya nang maawa ito at magtuloy sa loob ng kanilang tent. Nang abutan ay pinaghahampas niya ito ng mga kamay niya.
Tawa lang nang tawa si Zilj. Imbes yatang masaktan ay nakiliti lang ito sa mga hampas niya. Bandang huli ay dinakma nito ang mga kamay niya para siya patigilin.
Noon lang naging aware si Lucy kung gaano sila kalapit sa isa’t isa. Dama niya ang mainit na singaw ng katawan nito sa maliit na distansiya. Unti-unting nawala ang ingay ng boses niya at ng tawa nito. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Bigla, nakadama siya ng kabog sa dibdib, ng kislot na hindi niya dating nararamdaman kapag kasama niya si Zilj, at ng awareness sa mabangong samyo ng men’s cologne nito na kung hindi siya nagkakamali ay scent ng Carolina Herrera.
Naguluhan si Lucy sa nangyayari. Nakahinto sila na parang may sinasalihang mannequin challenge habang panay naman ang tambol ng kanyang puso sa loob ng ribcage niya. At ang magagandang mga mata ni Zilj ay nakatingin sa kanya na parang tahimik na nagsasabi: “Ako na lang ngayon ang nasa buhay mo. Puwede mo akong piliin. Ikaw na ang magdisisyon. Take it or leave it.”
She chose to leave it. Hinatak niya ang mga braso niyang hawak nito. Nagtataka lang siya kung bakit parang mas lalo siyang naguluhan nang bumitiw na si Zilj. Walang paalam na lumabas ito ng kanilang tent.
May pakiramdam siya ngayon na gusto niya ang ganoong closeness nila. Closeness na pareho silang malaya na lumapit sa isa’t isa. Maupo na magkatabi, magdikit ang mga braso, magsikuhan o magkurutan kapag nagbibiruan. Closeness na kung saan puwede niyang isampay ang braso sa balikat nito at puwede rin siya nitong akbayan.
Ngayon lang niya na-realize na hindi iyon ginagawa ni Zilj sa kanya. Hindi rin niya ginagawa rito. Nagkakasama sila but for some reason, hindi nangyayari na madikit ang katawan nito sa kanya o akbayan siya. Paminsan-minsan ay nahahawakan nito ang kamay niya o braso para lang siya alalayan. Kanina lang siya nito hinawakan nang mahigpit. At hanggang ngayon na siya na lang mag-isa ang nasa loob ng tent, parang nararamdaman pa niya ang init at tingling sensation na naiwan ng palad nito sa pulsuhan niya.
Lumatag na ang dilim pero hindi pa rin bumabalik si Zilj sa loob ng tent. Mabuti na lang at medyo bilog na ang buwan. Iyon ang nagsisilbing liwanag sa beachfront. Sa likuran naman nila ay ang liwanag na nagmumula sa mga ilaw ng Villa Noe Resort.
Lumabas siya para hanapin si Zilj. Nasa malapit lang pala ito. Nakaupo sa naiwan niyang beach towel kanina. Nakagawa na pala ito ng bonfire na may sindi na. Hindi pa nga lang malakas ang apoy dahil mabini lang ang hangin na umiihip mula sa karagatan.
Nakapasak sa tainga nito ang headset ng smart phone kaya nasa likuran na nito ay hindi pa siya namamalayan. Napalingon ito nang tapikin niya sa balikat. “Hi,” sabi niyang nakangiti. Iniisip niya na baka nagtampo ito kaninang kumalas siya sa pagkakahawak nito. Pero inalis ng masayang ngiti nito ang pagdududa niya. “Nice bonfire.”
“Medyo malamok na kasi kaya naisip kong gumawa.” Malamok na nga sa labas kaya siguro pinalitan nito ng pantalon ang suot nitong board shorts kanina. Mabuti na lang at nakapagkuskos na siya ng insect repellant sa katawan. Umusog ito palayo para makaupo siya sa tabi nito.
“Anong nasa playlist mo?”
Umiling lang ito at marahang tumawa.
“Why?” Hinagip niya ang tinanggal nitong earplug sa isang tainga kanina at isinalpak niya sa tainga niya. Hindi siya makapaniwala sa naririnig. Isang lumang kanta na nauso noong hindi pa yata ipinanganganak ang momma niya. Nagkataon lang na alam niya iyon dahil mahilig sa old music ang poppa niya at may ganoong album sa car stereo nila. “If I Should Love Again by Barry Manilow. I didn’t know you like old songs pala.”
Pinagalaw nito ang mga balikat. “Medyo ramdam ko la-ang ang pagkakakanta ni Barry Manilow. Tagos sa puso.”
“You’re right. Poppa also loves this song. Actually, love na love niya ang Barry Manilow songs. Nakaka-in love kasi.”
Sinulyapan siya ni Zilj bago ito tumingin sa laot. “In love ka din ba sa song na ito?”
“Hmm… I like it. Gusto ko ang melody. And you’re right. Ramdam ng puso ang kanta. It’s an emo song. But lovely naman.”
Tahimik lang ito hanggang sa matapos ang kanta. Nagtaka si Lucy nang ulitin nitong patugtugin iyon. Pero ang ikinagulat niya, ibinigay ni Zilj sa kanya ang palad nito sa tahimik na pag-iimbitang sumayaw sila.
Nag-alangan siya pero saglit lang. Matagal din na umasa siyang si Ardy sana ang maging first dance niya. Pero hindi nangyari. Marami nang mga sayaw sa iba’t ibang dance partners ang nagawa niya. Kahit isa man sa “Ardy-wish list” niya ay walang nagkatotoo. At ang minsang pagkikita nila sa restaurant on a Valentine’s Day ay hindi niya matatawag na Valentine’s date. Kaya technically, ang wish niya na Valentine’s date with Ardy ay hindi pa talaga granted.
Mabuti pa nga si Zilj, buong maghapon siyang sinamahan at inaliw noong Valentine’s day. At hindi niya alam kung paano nito nahulaan na gerbera ang paborito niyang bulaklak. Dahil wala siyang pinagsasabihan noon. Kahit pa nga sa momma niya. Isang dosenang gerbera at isang box ng Belgian chocolates ang regalo sa kanya ni Zilj noong Valentine’s Day. At pag-uwi nila, isang life-sized teddy bear ang nadatnan niya sa kanila na galing din dito. Kumain, nagkuwentuhan at nag-stroll lang sila maghapon. At gaya ng dati, matiyagang nakinig si Zilj sa walang katapusan niyang litanya tungkol kay Ardy—na lagi naman talagang ginagawa nito mula pa nang umalis ng bansa si Ardy. May tone-tonelada itong pasensiya sa kanya pagdating sa napakahaba at paulit-ulit niyang kuwento sa kanyang ex na hindi naging sila.
Inilagay ni Lucy ang palad sa nakalahad na kamay ni Zilj. Ang isang kamay nito ay dumako sa baywang niya sa likuran at marahang humapit hanggang sa magkadikit ang kanilang mga katawan. Napapikit na lang siya nang ilapat nito ang kamay niya sa dibdib nito. Hinahatak siya ng mga sensasyon na binubuhay ng paglalapit nila. Inuudyukan siya na kalimutan muna ang mag-isip. Na magpatangay na lang muna sa masarap na pakiramdam. Mas masarap magpatangay sa agos. She felt loved and cherished. Dama niya ang tenderness ni Zilj sa suwabe at maingat na galaw at pag-indayog ng katawan nito. Napasunod na lang siya. Parang extension na rin ang katawan niya ng katawan nito. His motion was precise, flawless and perfect to the T.
Lunod na lunod siya musika na nagsisilbing inspirasyon ng kanilang pagsasayaw. If I should love again… If I find someone new… It would be make-believe. For in my heart it would be you… At lunod na lunod na rin ang senses niya na ginagatungan ng kanyang awareness sa init ng katawan ni Zilj, sa tigas ng dibdib nito, sa kilabot na nararamdaman niya dahil hawak nito ang isang palad niya, at sa mabango at mainit na hininga nitong tumatama sa gilid ng mukha niya. There was an urge within her to pull him closer. At gusto rin niya na hapitin pa siya nito. Gusto niyang mas maramdaman ang pagkakamolde ng kanilang mga katawan. At nanunuyo ang kanyang lalamunan. She wanted to kiss him. Badly. Hindi niya alam kung ano ang nag-uudyok sa kanya para maghangad ng halik nito. Gayong hindi pa naman siya nahahalikan ni Zilj kahit nga sa pisngi lang.
Habang bumi-build up ang kanta sa huling mga linya, mas lalo niyang naramdaman ang urge na halikan ito at magpahalik dito. It was crazy. Daig pa niya ang nakainom ng love potion. She suddenly wanted Zilj. Nadadala lang ba siya ng romantic music na pinakikinggan nila? I’d still be loving you if I should love again…
As if on cue, nang matapos ang tugtog ay bahagyang kumalas sa kanya si Zilj. Titig na titig ito sa mukha niya. Hindi naman niya maiwasang tumingin sa bow-shaped lips nito na mas maganda pa ang shape kaysa sa sarili niyang mga labi. She unconsciously licked her lower lip.
Hindi alam ni Lucy kung nauna siya na lumapit o ito ang nauna. Namalayan na lang niya na lumapat ang bibig ni Zilj sa mga labi niya.
Napapikit siya. Nababaliw na yata siya. Alam niyang si Zilj ang humahalik sa kanya pero sabik na tinutugon niya. Sarap na sarap siya. Napakatamis ng labi nito. Napakatamis nitong humalik. Ngayon pa lang niya natikman pero nakakaadik. Sabik na naghihintay siya na laliman pa sana nito. Lumipat ang isang kamay niya sa batok nito at humapit. Saka pa lang lumalim ang halik.
Zilj kissed her hungrily, thoroughly. Pero kahit gaano pa kalalim ang ginagawa nitong paghalik, dama niya ang pag-iingat nito at pagpapaubaya. As if gusto nito na siya ang mag-enjoy sa halik. And enjoy it she did.
Nang kalasin niya ang pagkakahawak nito sa isang kamay niya ay dumako agad iyon sa batok ni Zilj. Pinaghugpong niya roon ang mga kamay at lalo pang hinapit ito para mas patagalin pa ang halik. Nauubusan na sila ng hangin kaya pinalaya nito sandali ang mga labi niya. Pero saglit lang. Muli na naman nitong inangkin ang bibig niya sa mas mapusok na halik.
Dumako na rin sa likod ng ulo niya ang kamay nito. May mainit na kilabot na nagmumula sa kanyang talampakan at mabilis na umakyat sa kanyang hugpungan. She was on fire. Hindi na lang halik ang gusto niya. Higit pa roon kaya lalo niyang pinagbuti ang pagtugon sa halik ni Zilj.
Darang na darang na siya hanggang sa mamalayan na lang niyang umangat siya sa lupa. Pinangko na siya ni Zilj para dalhin sa loob ng kanilang tent. Wala na siyang ibang naiisip noon kundi ang matugunan lang ang lumalalang pangangailangan niya. Pangangailangan na malunasan ang lumalala rin na paghahangad na nararamdaman niya. Bahala na si Batman sa kung saan man hahantong ang lahat.

Lucy's Choice (#BoyManhid Or #BoyPapansin) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon