Weaving SPG Scenes

4.8K 110 8
                                    

CHAPTER 7

NANG sumunod na gabi, torture para kay Zilj ang buong magdamag na magkasama na naman sila ni Lucy sa loob ng tent. Hindi niya alam kung sadyang naïve lang ito o nagkukunwaring walang alam, o dead-ma lang sa nangyayari sa kanya kapag nagkakalapit sila.
Kaya nga sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan niya ay naging maingat siya. Hindi siya dumidikit dito. Hindi lumalapit nang husto. Dahil nasasamantala niya ito—sa isip niya na humahabi ng mga eksenang SPG na kasama ang dalaga. At kung mapapadikit pa ito sa kanya, hindi niya matitiyak na lagi niyang makokontrol ang sarili para hindi ito samantalahin.
Pero ngayon, pagkatapos ng dalawang halik na namagitan sa kanila, kahit maglagay siya ng distansiya ay ito naman ang lumalapit. Maghapon kanina na kapag katabi niya ito, laging nakaangkla ang mga kamay sa braso niya. Humihilig pa sa balikat niya. May pagkakataon pa na napag-tripan na dutdutin ang dimples niya. Nang tanungin naman niya kung ano na sa palagay nito ang status nila, hindi naman siya masagot.
Dapat bang i-apply na lang niya sa kanila ni Lucy ang adage na ‘Action speaks louder than words?’ Dapat na ba niyang isipin na sa wakas, umuusad na sa love angle ang pagkakaibigan nila?
Pero ang hirap naman yata noon. Walang kasiguruhan. Paano kung bigla na lang lumayo sa kanya si Lucy? Baka kapag nag-demand siya ng explanation dito ay sabihin pa sa kanya na: ‘Duh! Eh ano naman if I’ve decided to stop seeing you? Mag-ano ba tayo? We’re not BF-GF naman, ah.’
Napakahirap ng kalagayan niya sa totoo lang. Pero hindi naman niya kayang layuan ito.
Alam niya na eventually, kapag naka-move on na si Lucy sa heartbreak nito kay Ardy at nakakilala ng bagong mamahalin ay mapipilitan din siya na layuan ito. Hindi niya alam kung makakaya niya kapag dumating ang panahong iyon. Pero sa ngayon, habang wala pang ibang lalaki sa buhay nito bukod sa kanya, patuloy siyang magpapagamit. Kahit pa nga baka si Ardy ang nasa isip nito tuwing hahalikan siya.
“Zilj?”
Napapihit siya paharap kay Lucy. Sa malamlam na liwanag ng kanilang overnight lamp makikita sa mga mata nito ang pakiusap at paghingi ng tawad. “Bakit gising ka pa?” Kahit hindi niya tingnan ang kanyang relo, lampas nang alas dose ng hatinggabi sa palagay niya.
“I can’t sleep. You nga din, eh. You’re so malikot in your bed.”
“So gusto mong magkuwentuhan na la-ang tayo?”
“No.”
“Ano pala.” God, huwag naman pong SPG din ang nasa utak ng babaeng ito ngayon. Baka po hindi ko na makontrol ang sarili ko.
“I just wanna say I’m sorry…”
Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang kinabahan. “Bakit ka nagso-sorry?”
“Kasi… If I’d be honest with you… kahit naa-attract ako sa iyo, and even after the… the intimacy we had, I… I-I’m still in love with Ardy.”
Pakiramdam ni Zilj, daig pa niya ang nabagsakan ng maso sa bumbunan.

WALANG tao sa bahay nina Lucy liban kay Tommy. Ayon sa kapatid niya, bigla daw dumaing ng matinding pananakit ng ulo ang momma nila at pagkatapos ay nawalan ng malay. Mabuti na lang daw at nasa bahay ang kanilang ama. Ito ang nagdala sa momma niya sa ospital kasama ang Lola Inez niya na nagpilit sumama.
Nanginig siya sa takot. Ngayon lang nangyari sa momma niya ang ganoon. Kung ano-ano agad na pangit na scenario ang naisip niya. Tinawagan agad ni Lucy ang ama para kumustahin ang lagay ng ina.
Sumagot ang poppa niya matapos ang isang ring. Nabawasan ang kaba niya nang marinig ang boses nito. “Nagkamalay na siya. They’re running some tests. Baka hindi pa kami makauwi d’yan ngayong gabi. Under observation pa ang momma mo, anak.”
“I’ll go there, Poppa. Now na. I’ll just worry here. I want to see Momma.”
“Alright, pumunta ka rito. Pero para sunduin lang ang lola mo. Mukhang dalawa ang magiging pasyente kapag nagtagal pa siya rito.
Umalis nga uli si Lucy kahit pagod pa siya sa biyahe. Laking gulat niya nang makarating sa private room ng momma niya at madatnang nagtatalo ito at ang Lola Inez niya. “Momma! Nakakapagsalita ka na ulit!”

MAPAPAGOD din ang puso. Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Zilj sa sarili. Ilang taon na nga ba niyang hinihintay na mahalin din siya o bigyan man lang ng chance na mahalin din ni Lucy? At ilang taon na rin ba niyang sinasabi na bigyan din ang sarili niya ng chance para mapalapit- kung hindi man magmahal- sa ibang babae? Napapalapit naman nga siya sa ibang babae. Pero fling lang lahat ang mga iyon para sa kanya. Na sa tuwing makakasama niya, hindi niya mapigilan ang sarili na ikumpara kay Lucy. Sa palagay nga niya nag-aaksaya lang siya ng oras kapag nakikipaglapit siya sa ibang babae. Dahil hindi pa man, alam na niyang mauuwi rin iyon sa wala.
Kaya sa ngayon, patuloy siyang magpapakamartir sa taong gusto ng puso niya. At habang hindi pa napapagod ang puso niya, patuloy lang niyang mamahalin ito.
Pag-uwi niya ng bahay ay bumabanat ng kanta ang maid nilang si Betty. “Bakit nga ba mahal kita kahit ‘di pinapansin ang damdamin ko? Di mo man ako mahal, nagmamahal nang tapat sa iyo. Bakit nga ba mahal kita kahit pa may mahal ka nang iba? Ba’t baliw na baliw ako sa iyo? Hanggang kailan ba ‘ko magtitiis… O bakit nga ba… mahal kita…?”
Isinalpak niya ang earplug ng head set sa tainga niya at mabilis na humanap ng maingay na kanta sa playlist. Sana paggising niya bukas ay maramdaman na iyang pagod na ang puso niya na magmahal kay Lucy.

Lucy's Choice (#BoyManhid Or #BoyPapansin) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon