Chapter 8

13 1 0
                                        

Gabe POV

Nandito kami ngayon sa court, at naghihintay para sa mga kalaban namin. Ngayon na kasi yung game namin against sa grupo nila Chris. Hanggang ngayon medyo shock pa rin kami sa nalaman namin kahapon. Biruin mo, si ate ganda kaibigan nila Chris na gangster DATI.

Pero grabe! Kahapon ko lang talaga napatunayan na ang tigas talaga ng muka ni Jace. Biruin mo, diretsahin bang tanungin si ate ganda kahapon..

flashback..

Kanina pa kami kating kati magtanong kung alam ba niya na gangster yang sila Chris. Kaso eto, nagkaduwagan na. Turuan pa kami kung sino mag tatanong si Darwin naman, nagsalita na..

"Belle... Ano... Ahhh.." Walanjo naman! Akala ko naman itatanong mo na!! =___=

"Alam mo bang gangster sila Chris?" Diretsong tanong ni Jace kay ate ganda. Nanlaki mga mata namin nila Charles sa direstong tanong ni Jace. Siya naman ayun, naka what-look lang samin. Puchaaaaa! O_____o tigas ng mukaaaa!!

"Alam ko, matagal na" nalipat naman kay ate ganda yung tingin namin dahil sa sagot niya at ganito pa rin yung mga muka namin O___O

Medyo natawa naman siya sa mga itsura namin "pero medyo matagal na rin silang wala sa grupo nila" dagdag niya pa, kaya medyo napasigaw kami..

"Ano?!" Sabay sabay naming sigaw, at mas lalong lumaki yung mga mata namin! Walanjo naman talaga! Mahuhulog na eyeballs ko sa sobrang dilat ko! Lahat kaming tropa ganito itsura O_____O except Prince at Jace. Wala kayong maaasahan dyan sa dalawang yan kaya sorry na lang talaga!

"Diba dapat masaya kayo, kasi atleast nalaman niyo na hindi na gangster mga kalaban niyo sa bukas?" Sabi ni ate ganda. Sabagay, may point siya.. Kaso...

"Ka ano ano mo sila?" Tanong ulit ni Jace. Tigas muka alert! Iba ka na talaga pre!

Magsasalita na sana si ate ganda, kaso umentra ako. Syempre, I have questions myself!

"Boyfriend mo ba si Chris? O kapatid? Pinsan kaya? Sunod sunod kong tanong dito

Nagpigil naman ng tawa yung mga kaibigan ni ate ganda. Nag joke ba ko? =_=

"Hindi ko boyfriend, pinsan, o kapatid si Chris. Kaibigan ko sila-slash-classmate ko nung highschool. Kaya alam ko na gangster sila kasi sinabi nila sakin. Wala naman silang nililihim sakin eh, di lang nila nakwento yung sa basketball thingy nila, di ko rin kasi tinanong." Pag eexplain ni ate ganda samin

"Eh bat nakaakbay sayo si Chris nung nakita namin kayo sa corridor? At bakit 'Kuya' tawag mo sakanya? Tsaka okay lang sayo na gangster sila?" Tanong naman ni Charles. Yun nag salita ka rin!

"Nung highschool kasi ako, lagi akong nabubully. Tapos sila Chris yung nagtatanggol sakin, si Klyde close ko talaga yon kasi marami kaming similarities, tahimik yon pero pag umimik matindi! Kumbaga si Chris yung showy na war freak tapos si Klyde yung shy type. Ever since naging magkaibigan kami, at super close kami. Kaya yung akbay, natural na samin yon. At yung pagtawag ko naman kay Chris ng kuya, minsan lang yon pag nagiging protective siya sakin or ako sakanya." Pag eexplain ulit ni ate ganda. Kota kami sa explanation ngayon ha!

Ooooooohhhh! Ganon pala! Pero shock pa rin kami. Ang hirap iprocess sa utak, lalo na kung wala kang utak. Mas lalo tuloy humirap!

(A/N: so meaning wala kang utak?)

Meron no! Gwapo pa! Diba? Sagot agad!

(A/N: wareber!!)

Shoooo ka nga Author! POV ko to eh!

Hindi ko na namalayan nandito na pala sila Chris, dinaldal kasi ako eh! Di ko tuloy namalayan -__-

(A/n: so ako pa?)

Dejoke lang! Di ka na mabiro Author *beautiful eyes*

(A/n: pshhhh! Balik na! Sinasayang mo POV ko sayo!)

Sorry na talaga -____-

"Care to introduce yourself? Tsaka bakit apat lang kayo?" Tanong ni Jace sa kasama nila Chris at Klyde tsaka Jeff pala. Pasensya na masungit lang talaga yan.. LAGI

"I'm Ken Santiago, cousin ni Janna" sabi nung matangkad na lalaki.. So pinsan pala siya ni Janna. Tanga mo Gabe! Kakasabi nga lang diba? -____-

"5 minutes pwede?" Chris is asking kung pwede namin hintayin yung isa nilang ka-team

"Sige" sagot ni Charles. Wala namang problema samin yon eh

Maya maya dumating sila Janna at ate ganda.. Teka nga... Di kaya...?

Isabelle POV

Kakarating lang namin sa court ni bess nang biglang sumigaw si Gabe, pagkakita samin o baka sakin lang?...

"Ate ganda!!! Ikaw yung ka-team nila Chris?" Ano daw? Anong ka-team pinagsasabi nito? Nabatukan tuloy siya ni Tan

"Aray!! Ano ba?!" Sigaw ulit ni Gabe pagkabatok sakanya

"Pucha! Ang ingay ingay mo! Sigaw ka ng sigaw! Babae ka ba? Ang sakit mo sa tenga, alam mo ba yon?!" Medyo pasigaw ring sabi ni Tan.... So ano? Magsisigawan na lang tayo? Hindi na mag lalaro, ganon?

"So ano balak niyo? Maglaro o magsigawan na lang?" Tanong ko sakanila

"May hinihintay pa kasi.." Sagot ni Klyde na seryosong seryoso. Ano meron? Don't tell me nag iinit na siya nang lagay na yan? Di pa nagsisimula yung laro ehh

"Chill ka lang! Di pa nagsisimula yung game nag iinit ka na, highblood ka ba?" Tanong ko na medyo pabiro.. Siya naman seryoso pa rin, poker face ba!

"Baka pati ikaw ma-highblood pag nalaman mo" nalaman? Ang alin? I'm clueless!! =_=

Nakatingin lang samin sila Chris, Jeff at kuya Ken na parang may something.. Ano nanaman ito? -___-

"He's here" seryosong sabi ni Klyde.. Huh? The who?!

"Just so you know, I'm not okay with this either" seryosong sabi rin ni kuya Ken

"Ako din, hindi agree" sabat ni Jeff

"Well, we don't have a choice... Do we?" Sabi ni Chris Mukang pati siya di rin agree, pero teka.. What is happening? Sila Janna at yung tropa nila Tan, wala ring clue sa nangyayari. OP kami sheyms!

"Hey, sorry I'm late" shoot! That voice O___o

Lumingon ako sa nagsalita.. Feeling ko nga slowmotion eh..

The fudge! What in the world is he doing here?! O_____O

Author's note:

Sino kaya yung dumating?

At ano siya sa buhay ni Belle?

Next chapter po yung game :) enjoy reading po! :)

Comment | vote | & be a fan

God Bless! :)

I am Isabelle ScottTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon