Chapter 7

17 1 0
                                        

Gabe POV

Woooooo! First time magka-POV! Exposure din to! Hahahahahahahaha

Friday ngayon, at nasa room kami ni Jace, iritable nga tong tropa ko eh. Sarap pektusan!

"Hoy! Ano ka ba Gabe? Kiti kiti ka ba? Ang ligalig mo! Kanina ka pa!" sita ni Jace sakin. Takte! May regla ata to eh!

"Bakit ba kasi wala pa si ate-- este Belle?" Tanong ko

"Malay ko! Nanay niya ba ko? Tsaka pano ko naman malalaman?" Jace

"Tanong mo kaya sa mga babae dun oh" suggest ni Darwin, ginagamit din pala nito yung utak niya minsan. Good for you bro!

Nilapitan ko yung mga babae, na nag kukwentuhan. Pucha, pakapalan to!

"Ahh miss... Kaibigan niyo ba si Belle?" Tanong ko kila ate, na mukang medyo gulat. Sobrang gwapo ko daw kasi

"Oo bakit?" Sagot ni ate chinita

Itatanong ko na sana kung nasaan si Belle, pero sakto namang dating nila nung kaibigan niya..

"Wala ate, okay na pala. Salamat" sabi ko at nginitian ito tsaka umalis

Pagdating ni Belle sa upuan niya hindi siya agad umupo kasi... Ay bag na malaki!! Nakaupo pala bag ko don! Agad akong pumunta sa pwesto ni ate ganda at kinuha yung bag ko..

"Sorry ate ganda, sige upo ka na" sabi ko habang yakap yakap yung bag ko

Tinignan naman ako nila Jace.. Bakit ba eh nasanay akong, ate ganda eh! Dinilaan ko lang sila

*bleeeh* :P

Pagkaupo ni ate ganda, halata naman sakanya na medyo naiilang siya.. Kaya magpapakilala na lang ang gwapong gwapo na si AKO!

"Ate ganda, Gabe Velasco" pakilala ko at nilahad ang kamay ko sakanya

Nginitian niya ko at shinake ang kamay ko "Isabelle Scott, pero call me Belle or Bells okay lang din" sabi nito at ngumiti

"Bestfriend ko, si Janna" pakilala niya at nag-Hi naman samin si Janna

"I'm Prince.. Prinsipe ng mga gwapo" pakilala ni Prince at nag ayos nang buhok. Pucha! Lokohan to!!

"Langya ka! Minsan ka na lang magsalita, nag-mahangin ka pa!" Sita ni Jace

"I second the motion!!" Sabat ko.. Walang pakielam sa nangyayaring kahanginan sa room tong si Darwin kaya nagpakilala na din ito

"Darwin Cruz" pakilala niya at ngumiti, nginitian lang din ito ni ate ganda

"Charles Tan, pinaka gwapo sa lahat ng gwapo" patay na! Isa pang mahangin! -_____-

"Sumobra ata lakas ng aircon niyo ate ganda! Giniginaw na ko, pre tigilan niyo na please!" Sabat ko, pinaglihi ata tong mga to sa electric fan eh, ang hahangin sarap sapatusin!

"Mag pinsan kayo?" Tanong ni ate ganda at tinuro si Charles at Jace

"Di halata, magkaapelido nga diba?" Pabalang na sagot ni Jace

"Di talaga halata, kasi siya hindi masungit. Kamusta na lang sa ugali mo diba?!" Pagkasabi non ni ate ganda, agad siyang lumabas ng room

"Sira ka eh no! Ang aga aga, inaaway mo!" Suway ni Charles kay Jace, minsan talaga ang sarap sapakin niyan eh.

Maya maya pa, mag sisimula na yung klase, kaya umalis na kami. Si ate ganda hindi pa rin bumabalik. At sakto naman na nakasalubong namin siya..

I am Isabelle ScottTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon