Gabe POV
Ka ano-ano kaya ni Scott yung Matt? Ex boyfriend siguro? Out of place kami kanina sa sagutan nila ehh.. Tapos di pa sumama samin yung Matt kila ate ganda, siguro talaga may something.
Pero Para talaga kaming mga timang-slash-bakla dito! Pakanta kanta, pa kami! Tapos pusong bato yung kinakanta namin! Hahahahaha grabe! Si Chris parang bakla! Akalin mong gangster to dati!
Di mo alam dahil sayo
Ako'y di makakain
Di rin makatulog
Buhat nang iyong lokohin
At Kung ako'y muling iibig
Sana di maging katulad mo
Tulad mo na may pusong bato..
Sinabayan namin nila Darwin at Jeff si Chris. Kawawa naman eh! Nagmumuka nang tanga, kakakanta mag isa.
Sila naman tawa lang ng tawa, mga baliw! Kala mo kung sino magaling kumanta kung makatawa..
Nakita ko naman si Prince at Jace na sumasakit na ata yung ulo..
"Hoy! Di ba kayo titigil? Kawawa yung mga kapit bahay nila Scott sa mga boses niyo!" Sita samin ni Jace
"Kahit kelan talaga ang KJ mo!" Sigaw ko kay Jace, siya naman hindi na umimik
Maya maya pa, umuwi na rin kami kasi gabi na rin. Di pa naman kami nakapag paalam.
"Bye ate ganda! Salamat sa pagkain" ako
"Salamat, Belle" dagdag nila Darwin habang pasakay na ng sasakyan
"Sige ingat, kayo!" Sabi ni Belle at kumaway
Medyo malayo na kami sakanila, pero kita ko pa rin naman sila kaya sumigaw pa ko " sa uulitin!!!"
"Ay kamatis!!! Masakit!!!" Nabatukan lang naman ulit ako ni Tatay Jace! Ang sakit pucha!
"Ingay mo kahit kailan!" Suway niya.. Leche! Ang sakit mam-batok ni Jace!!
Isabelle POV
Nakaalis na sila Gabe, pero sila Jeff, kuya Ken, Chris at Klyde nandito pa rin. Nag paalam naman daw sila, at minsan lang naman daw to kaya lubusin na daw namin.
Napansin naman namin si kuya na tahimik na, parang kanina lang kanta yan ng kanta eh..
"Oh bat natahimik ka jan? Miss mo na agad sila Gabe?" Tanong ni Jeff
Kumunot yung noo ni kuya sa sinabi ni Jeff "anong miss?" Tanong ni kuya at pinandilatan si Jeff
Kaya ayun, napagdesisyunan nila na kumanta ulit. This time nakisali na si bess. Nangunguna nga eh, di daw kasi siya nakakanta kanina, kaya bumabawi ngayon.
Katabi ko ngayon si Klyde, natatawa lang kami habang pinapanuod sila kumanta. Para talaga silang mga lasing. Hahahaha kalokohan nitong mga kaibigan ko
"Labas tayo" yaya ni Klyde
"Sige tara, sakit nila sa tenga" ako
Pagkalabas namin, umupo kami sa harap ng gate namin. Peaceful dito samin.. Pero ngayon hindi kasi nag iingay ang mga kaibigan ko.. Sorry talaga neighbors!
"Anong iniisip mo?" Tanong ni Klyde habang naka tingin sa langit na maraming stars. Wow! *O*
"Yung mga kapitbahay namin. Baka magreklamo sila" sagot ko
BINABASA MO ANG
I am Isabelle Scott
Teen FictionA girl who always believed in the 'Right time', a normal girl with a normal life.
